Chapter Sixteen
Decisions
Darren's POV
Ilang araw ko na naman siyang hindi nakita.
Nasaan ka na ba, Kyline?
May nagawa ba akong mali?
Why now?
I just realized I like you.
Bakit ngayon pa tayo magkakaganito?
Ilang araw ko na siyang tinatawagan pero hindi naman niya iyon sinasagot. Pinupuntahan ko rin siya sa kanilang bahay, wala naman siya r'on.
Ano bang dapat kong gawin?
I really miss you, Nicky.
Kagagaling ko lang ng shooting at heto ako. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin siya. Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao?
This is hard.
Mahirap dahil minu-minuto iniisip mo kung nasaan siya, anong ginagawa niya. Mahirap dahil wala maski iisa sa mga 'yon ang alam ko.
Nag-aalala na ako.
Tinawagan ko na naman ang kanyang cellphone.
Wala pa rin.
Puntahan ko kaya uli?
Napabuntong hininga na lang ako nang mahanap ko na naman ang sarili ko na papunta sa kanilang bahay.
"Ano ba 'tong ginagawa mo, Darren? This is not you," napasuntok na lang ako sa pader nang malamang wala na naman siya sa bahay nila.
Wala na namang tao sa bahay nila.
Naglakad-lakad muna ako para kalmahin ang aking sarili.
Did something happen to them?
Kinabahan naman ako. Lalo kong nakumpirma na may mangyayari ngang masama.
Ano naman kaya iyon?
Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa parke na malapit sa kanila.
Umupo muna ako sa isa sa mga upuan doon.
"Trevor! Hoy, ibalik mo na 'yan sa'kin!"
Napalingon ako.
Pakiramdam ko ay kilala ko ang boses na iyon.
Laking gulat ko na lamang nang malaman ko kung kaninong boses iyon. Kaya pala pamilyar. Naiyukom ko ang aking kamao.
"Akin na—,"natigilan naman sila nang makita niya ako. Nasa bisig siya ng ibang lalaki. "Dee..."
I searched for her. I tried to contact her. I went to their house.
Pero lahat wala.
Ngayon, makikita ko siyang may kasamang iba?
What is this?!