Chapter Five
Apologetic
Kyline's POV
I woke up with a headache. Sumakit siguro ang aking ulo dahil sa pag-iyak. I was being overdramatic.
"Kyline, bumaba ka na! Breakfast is ready!" tawag sa akin ni Mama. Tamad naman akong tumayo. Pumunta na ako ng CR para maghilamos.
I faced the mirror.
Laking gulat ko na lamang nang makita ang hitsura ng aking mukha.
I look like a freaking zombie!
With my eyebags plus swollen eyes, I look horrible!
Tuluyan na akong naghilamos at nag-toothbrush. I concealed my eyebags.
Bumaba na ako.
Napabuntong hininga ako.
It still hurts. Tumatak ang mga sinabing salita ni Darren kahapon. Siguro ang mali ko lang ay ang pagiging overdramatic ko ngayon.
I should stop this. Wala naman akong mapapala sa ginagawa kong 'to.
"O, Kai, bakit mugto 'yang mga mata mo?" tanong sa'kin ni Kuya pagkababa ko. Kumakain na siya ng almusal, mukhang hindi na nakapaghintay sa akin.
"Wala 'to," sagot ko na lang. "Hindi lang ako nakatulog nang maayos."
"Umiyak ka?" napatingin muli si Kuya sa akin. Here comes my overprotective brother!
"H-Hindi!" inubos ko na ang aking pagkain nang nakayuko at tumayo na sa hapag-kainan. Pumunta na ako ng sala at sumunod naman siya sa akin.
"Look at me nga," at inangat niya ang aking ulo. Gulat naman siyang tumingin sa aking mukha.
"Anong hindi ka umiyak? E, tignan mo nga 'yang mga mata mo! Akala ko naman eyebags lang 'yan kanina," at tinuro-turo niya pa ang napansin niya sa aking mga mata.
"Baliw. Wala lang 'to, Kuya," umiiling kong sagot sa kanya.
"Sino ang lalaking nagpaiyak sa'yo, ha?"
"Walang nagpaiyak sa'kin. Namumula lang 'tong mga mata kasi nagbabad ako sa kdrama," palusot ko sa kanya.
"Sinong nagpaiyak sa'yo?" hindi nagpapatinag na tanong muli ni Kuya. I have no choice but to reveal the truth. Hindi ko na sana sasabihin dahil mababaw lang naman kung tutuusin ang dahilan. Kaya ko na rin naman. I sighed.
Pumunta si Mama sa amin.
"Ano na naman ba 'yang pinag-aawayan niyo?" seryosong tanong sa amin ni Mama.
I remained silent. Saka lang napansin ni Mama ang kabuuan ng aking mukha. She looked shocked.
"Umiyak," Kuya stated the obvious. Halata namang umiyak ako, hindi niya na iyon kailangang i-point out pa. I glared at him.
"Mag-usap tayo," nakatingin si Mama sa aming dalawa ni Kuya. Iminuwestra niya ang mga upuan sa terasa namin. Pinaupo niya kami sa mga upuan doon at nanatili kaming tahimik ni Kuya.