Chapter Twenty-One
Busted
Kyline's POV
"Hi!" masayang bati sa akin ng babae. Lumapit sa akin ito. "I'm Corrine."
Nilahad niya ang kanyang kamay. Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko iyon.
"Kyline," I smiled.
Lumingon siya kay Darren at nginitian niya ito. Napakamot lamang sa batok si Dee. Nahihiya ba siya? Wow, this is a side of him that I've never seen.
Lumapit na rin si Darren. Hindi ko mahulaan ang kanyang emosyon sa pagdating ng babaeng ito. Tinapik ni Corrine ang kanyang balikat at may binulong siya rito. Humagikgik naman si Corrine nang sumagot si Darren.
Hindi ko nariring ang kanilang pinag-uusapan ngunit halata naman kung sino ang nagsasalita sa kanila.
And here I am... just observing their interactions.
To be honest, Darren looks tensed.
Natatakot ba siya? Hindi naman ako magagalit, e.
Masasaktan, oo, pero magagalit? Malabo. Gusto niya iyan, e.
Thousands of needles punctured my heart.
Natauhan naman sila nang masanggi ko ang kutsarang nasa gilid ko dahilan para ito ay mahulog. Hindi pa kasi naililigpit ang aking pinagkainan.
"Ay! Sorry!" kunwari akong nagulat. Sa totoo lang ay 'medyo' sinadya ko iyon. Para kasing may sariling mundo na sila. I want them to know that I'm still here!
Pinulot ni Darren ang kutsara. Matapos niyang makuha iyon ay humarap siya sa akin.
He held my hand. Corrine looked at it and it's weird because she did not react at all. Her actions are questionable. Kung ako siya ay baka umiwas na ako ng tingin dahil malamang masasaktan ako.
Confusion is surely etched on my face. Ano ba ang nangyayari? Sino ba itong babaeng 'to? At kung may relasyon na nga sila ni Darren, bakit hindi siya umaapila sa pinapakita nito? Bakit nagmistulan pa siyang masaya na hinahawakan ni Darren ang kamay ko?
"I know she introduced herself to you already, but this is Corrine Gonzales."
Wait.
Gonzales.
So that means...
"Yes, she's my cousin."
He chuckled.
Siguro ay halatang-halata sa mukha ko ang pagtataka sa kung sino si Corrine kaya nilinaw niya na. Pinilit ko ring matawa upang matabunan ang pagkakapahiya.
"Ah, hehe."
Silence filled the room.
Ano ba 'tong nasa isip ko?
I was shipping him with his cousin!
Gusto ko na sanang magtalukbong sa kumot nang biglang magsalita si Corrine. She changed the topic to cheer up the atmosphere.