Chapter 14

429 24 1
                                    

Chapter Fourteen

Tatay mo pa rin

Kyline's POV

"Kuya..."

Nagulat ako nang umuwi si Kuya. Palagi na kasi itong wala sa hindi malamang dahilan.

Lumingon siya kahit na nagmamadali.

"Bakit, Kyky?"

Nginitian ako ni Kuya.

"Kuya, bakit ngayon ka lang umuwi?"

Ginulo niya ang aking buhok. Natawa siya.

"Ang seryoso mo naman. Medyo busy lang kami sa school. Saka, sa condo ako  ni Dad tumutuloy dahil wala naman siya roon. Mas malapit iyon sa school kaya 'yon na lang ang pinili ko," sunod-sunod niyang sagot.

Napasimangot ako.

"Bakit? Miss mo na ako, 'no?"

Niyakap niya ako.

Oo naman!

Hindi ako sanay na wala siya rito sa bahay. Malungkot pa naman si Mama ngayon, walang nagpapasaya sa bahay na ito.

Yumakap na rin ako sa kanya.

"Na-miss mo nga talaga ako," natutuwa niyang sabi. "I missed you too, Ky."

Parang gusto kong umiyak dahil sa dalang niyang umuwi.

Gusto kong sabihin na...

Kuya, pwede bang dito ka na lang uli?

Kaso alam kong hindi pwede dahil mas mahirap iyon para sa kanya.

Kumalas na ako sa yakap at tinignan ako ni Kuya.

He smiled again.

At umakyat na ito tila ba nagmamadali.

Napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang ay nakabihis na ako at papunta na sana parke na malapit dito.

Doon kami magkikita ni Trevor.

Hindi pa ako handang makita siya ngunit ano nga bang magagawa ko?

I chose this.

Naglakad na ako papunta sa parke.

Nang ako'y makalapit doon, tumingin-tingin ako sa paligid.

He's got to be here somewhere.

Pumunta na ako sa entrance. I searched for the second time.

Nakita ko naman siya sa puno...

Sa puno namin.

Lumapit ako sa kanya.

He was shocked for a moment, but his facial expression immediately turned into a frown.

"Kyline..."

ChangesWhere stories live. Discover now