Chapter 9

507 27 2
                                    

Chapter Nine

K.

Darren's POV

"Darren?"

Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata. I saw Mom standing right in front of me.

"Gumising ka na. Tanghali na," saka ko lang namalayan ang sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana. Masakit na ito sa balat.

Tumayo na ako mula sa aking pagkahiga. Lumabas na rin si Mama sa aking kwarto.

Naghilamos na ako at nagsepilyo. I think I forgot something, but I can't seem to remember what it is.

Napatigil ako.

Nagmamadali kong kinuha ang aking cellphone nang maalala ko ang mga nangyari.

Hottest News: Darren Espanto has a non show biz girlfriend?

Shit.

Ano na ang gagawin ko?

Bumaba muna ako at pumunta na ng dining room. I can't think with an empty stomach.

"Mabuti naman at tumayo ka na. What's with the sour face?"

I gave my phone to her. Nanlaki naman ang mga mata ni Mama nang makita niya ang balitang kumalat na dahil sa kagagawan ko.

"What is the meaning of this?"

I sighed. Kinuha ko na sa kanya ang cellphone.

"I'm still thinking of a solution. I'll tell you everything when I get this all sorted out, Ma," malungkot akong napangiti.

Nagsandok na ako ng makakain at kumain na.

Mom broke the silence.

"Nak, why don't you say the truth?"

Napaisip ako.

Bakit nga naman hindi?

Wala naman akong ginawang masama. Pinagtanggol ko lang naman si Kyline noong mga oras na iyon.

Pero...

"Maniniwala kaya sila sa akin?"

Mom tapped my head.

"Of course, son, they will believe you. You deny the allegation, they will let go everything. Wala ka naman talagang girlfriend, hindi ba? Isa pa, think of the girl you dragged into this mess. Your fans are going wild and she might get hurt," napailing na lang si Mama.

She's right. She's always right.

Niyakap ko si Mama.

"Thank you for always knowing what's best for every situation."

Natapos na akong kumain at pumunta na ako ng sala.

Now, I just have to make a video.

"Uh... Hello, everyone! About the issue... Gusto ko lang pong linawin na I'm not dating anyone. Kyline is my best friend and the video you saw was a case of bad timing. Pinagtatanggol ko lang po n'on si Kyline sa mga fans na sumugod sa kanya. Sinabi ko lang na girlfriend ko siya para tigilan siya ng mga babaeng iyon. I didn't think about my actions thoroughly and I know my mistake. I am sorry. Please, stop attacking Kyline. Thank you."

ChangesWhere stories live. Discover now