Chapter Two
Fangirling
Kyline's POV
"What are we supposed to be,
I'm hopelessly addicted to you...
But you never felt the same...
Time may pass us by..."
Binuksan ko ang mga mata ko sa pag-aakalang si Darren nga talaga ang kumakanta sa tabi ko.
Pagtingin ko sa paligid, kwarto ko lang naman.
It was my phone who's playing Darren's song. Akala ko pa naman...
Asa na lang talaga. Napasapo ako sa aking noo.
Tinignan ko 'yong oras.
Alas singko pa lang! Alas otso pa ang pasok namin. Siguro binago na naman ni Kuya Kent ang alarm.
I stood up and got ready for school.
Dumiretso na 'ko sa banyo.
I did my morning rituals and then, bumaba na 'ko.
"Good morning, Ma!" bungad ko kay Mama at humalik sa kanyang pisngi.
"Good morning din, anak, mukhang maganda ang gising mo, ah?"
"Opo, e. Salamat sa isa d'yan," I sarcastically smiled.
"Buti pa 'yung gising maganda, 'yung mukha hindi," sambit ni kuya habang umiinat. Hinampas-hampas ko siya.
"Kung pangit ako, e 'di pangit ka rin. Magkapatid kaya tayo," irita kong sinabi. Akala mo talaga ang gwapo.
"Oo na, sorry na. I love you, Kai Kai,"at ginulo niya ang aking buhok. Magulo na nga, lalo pang ginulo.
Napangiti ako, kahit medyo maasarin at bully 'yang si Kuya Kent, over protective at mahal na mahal niya naman ako.
Siya na rin kasi ang tumayong tatay sa pamilya namin dahil palaging wala si Dad. Masyado kasi itong busy dahil sa negosyo. Nakalulungkot pero iniintindi na lang namin.
Kumain na kami at nagpaalam na kay Mama. Lumabas na 'ko ng bahay, pumasok ng kotse at hinatid na 'ko ni Kuya.
Agad namang sumalubong sa'kin ang mga kaibigan ko pagdating sa room.
Isa-isa silang bumeso sa akin at bumalik na sila sa kanya-kanyang upuan.
"Kai, may assignment ka na? Paturo naman," nakabusangot na sabi ni Andrea.
"Oo, kaso hindi ako sure, e."
"Okay lang! Titignan ko lang kung pareho ang mga sagot natin," kinuha ko ang aking notebook at hinablot niya naman agad iyon sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako.
Lumingon naman sa kinaroroonan ko si Zariela. Mukhang badtrip ang isang 'to.
"Girl, ano? Hindi pa rin ba umuuwi Dad mo? Akala ko ba sleep over?"
"Hindi pa. Sorry," malungkot kong tugon. Hindi kasi ako makakasama sa napagplanuhang sleep over kung wala pa rin si Dad. Kailangan kasi makapag-paalam muna ako at pumayag si Dad bago ako tuluyang makasama.
"Palagi ka na lang bawal." Napabuntong hininga si Zariela.
"Sa sleep overs lang naman. Pwede naman tayong gumala."
Malungkot siyang ngumiti. Alam kong nagtatampo na ang mga kaibigan ko sa akin dahil sa mga hindi ko pagsama sa kanilang mga sleep overs. Ngunit wala naman akong magagawa dahil hindi pa talaga umuuwi si Dad at hindi rin ako papayagan ni Mama.
Sometimes I even feel like I am an outcast. Those sleep overs strengthen our bond as friends pero lagi naman akong wala kaya minsan wala na rin akong alam sa pangyayari sa buhay nila.
Si Shie na lang ang kumausap sa akin. Busyng-busy rin naman kasi si Andrea sa pagkopya ng assignment ko at co-fangirl ko naman si Shie.
"Kai, mayroong mall show si Darren mamaya sa mall malapit sa'tin. Ano? Go ka ba? Bibili lang naman daw ng album tapos pwede nang sumama sa meet and greet!" masaya niyang yaya sa akin.
Doon ko lang napagtanto na hindi na pala ako masyado nakasasagap ng mga updates tungkol kay Darren. Pinapayagan naman ako ni Mama ngunit masyado akong tutok sa pag-aaral kaya hindi ko na rin pala masyadong napagtutuunan ng pansin si Darren.
"Talaga? Oo naman, sasama ako!" natutuwa kong sabi at nag-isip na ng maisusuot mamaya para sa mall show.
Sa totoo lang ay mas active na fangirl itong si Shie kaysa sa akin kaya nama'y mas marami na 'tong napuntahang mall shows. Sabi niya, kilala na rin siya ni Darren at kaya niyang gawin ang lahat para rito.
Iba talaga ang epekto ni Darren. Mabuti nga at napaglalaanan niya ng ganoong karaming oras si Darren, ako kasi hindi.
Inaamin kong medyo naiinggit ako sa kanya dahil alam niya lahat ng mall shows nito, samantalang ako ay subsob na subsob sa pag-aaral.
"Puntahan na lang kita sa bahay niyo mamaya. 5pm daw ang start ng mallshow," natutuwa niyang sabi. Tumango na lamang ako at tumingin na sa harapan.
Wala pang isang minuto ay tinawag naman ako ni Elia. Tinuro niya ang notebook kong na kay Andrea.
"Malapit nang dumating si Sir. Kunin mo na kay Andrea ang notebook mo."
Kinuha ko na nga kay Andrea ang notebook ko at sumakto dahil tapos na rin siya.
"Morning, Einstein."
At sabay-sabay na kaming tumayo para batiin din si Sir.
Before the class started, Sir did the attendance first.
"Andrea Gorostiza?"
"Present, Sir."
"Zariela Raven Tuazon?"
"Present."
"Shaneía Marie Sarmiento?"
"Present!"
"Kyline Nicole Alcantara?"
"Present, Sir."
"Eliandra Vasquez?"
"Present."
"Mara Athena Fajardo?"
"Present po."
"Warren Cordova?"
"Present."
We picked our own seats and Sir based the arrangements of our names on the copy of our seating arrangement made by our class secretary.
"So, class, our topic for today is Chemical Kinetics..."
edited