Chapter Eighteen
Outcomes
Darren's POV
Kumusta na kaya siya ngayon?
I know I've been too harsh.
Hindi ko nga alam kung bakit ganoon ako naging ganoon ka-galit sa kanya.
Nag-init lang naman ang ulo ko nang makita ko siyang kasama iyong lalaking 'yon. If only I told her that I don't like it when she goes out with other boys.
E, bakit ko naman iyon gagawin?
Hindi naman kami.
I hate being jealous!
Halos pukpukin ko ang aking ulo sa sobrang pagkainis. Naguguluhan na ako sa dapat kong gawin.
Alam kong dapat hindi ko iyon ginawa sa kanya. Dapat hindi ko siya pinaalis nang gano'n-gano'n lang lalo na't umuulan noon.
Nakauwi kaya siya nang maayos?
Damn.
I don't know!
Ang gulo-gulo!
Ako itong nagpaalis sa kanya tapos ako itong mag-aalala? Ano ba itong ginagawa mo, Darren?
It's just that...
Kahit na galit ako, mag-aalala at mag-aalala pa rin ako.
Kumusta na kaya siya?
Humupa na ang aking pagkainis matapos ang isang linggo. Isang linggo na walang komunikasyon.
I miss her... again.
At gusto ko na siyang puntahan.
Gusto kong sabihin sa kanya na ayos na ang lahat. Na hindi na ako galit sa kanya, na nagalit ako dahil sa mababaw na dahilan. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. I didn't even let her explain.
I inflicted her pain. Sinaktan ko siya.
I sighed because of the frustration.
Pupuntahan ko siya.
I need to know if she's okay. I want to fix our friendship.
Kinuha ko na ang susi ko mula sa kabinet at lumabas na. Ngayon ko lang magagamit ang kotse ko. Sana naman pagbalik ko ay kasama ko na si Kyline.
But I know that's impossible.
I know it will take more than a simple 'sorry' to take away the pain I caused.
Binilisan ko na ang pagmamaneho.
Ang totoo ay hindi ko alam kung paano aayusin ang aming pagkakaibigan. Bahala na, gagawin ko na lang ang lahat ng puwedeng gawin para humupa ang sakit na dinulot ko sa kanya.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa kanilang bahay.
And I don't know how many times I've knocked.
Dahil mga sampung minuto na ang nakalipas ay wala pa ring pumapansin sa pagkatok ko.
Shit.
I really messed up!
Pinaghintay ko rin siya noon sa labas ng bahay namin!
I was blinded by anger! Hindi na naman ako nakapag-isip nang maayos at nagpadalos-dalos na naman ako sa aking desisyon!
This is the outcome.
"Kyline!" sigaw ko. "Please, just hear me out!"
Ngunit wala pa ring nagbukas ng pinto.
Patuloy pa rin akong sumigaw.
Wala pa rin talaga.
Nakaupo ako roon nang mahigit isang oras.
Please, open the door.
Maya't maya pa ay nakarinig ako ng mga yapak.
It's her friend... Who's this one?
This shouldn't be Andrea nor Shie because I already know their faces.
Zariela? Elia?
Mukhang nagulat ata ito sa aking presensya kaya't napaatras ito.
"A-Anong ginagawa mo rito, Darren?"
"Hinihintay kong pagbuksan ako ng pinto ni Kyline..."
"E-E, wala naman sila riyan," nauutal niya pa ring sabi.
Wala sila?
"Kung ganoon, nasaan sila Kyline?" naguguluhan kong tanong.
"Ha? Hindi mo ba alam? Nasa ospital siya."
Kyline is in the hospital?
Fuck!
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" natataranta kong tanong. Napatayo ako. "Bakit ka nandito kung nasa ospital siya?"
"May sakit, e." Kinabahan ako. "May inutos sa akin si Tita na kuhanin kaya nandito ako."
"Anong ospital?" kinakabahan ko pa ring tanong. Kasalanan ko ang lahat ng ito!
"Sa St. Luke's lang, doon sa Sta. Ana. Sige na, puntahan mo na. Kailangan ka n'on."
I don't know why she's telling me all of these despite the things I've done. Siguro ay hindi niya alam ang mga nangyari kaya naman hindi na siya nag-alinlangan pang sabihin sa akin kung nasaan si Kyline.
Hindi na ako sumagot pa at nagmamadali akong sumakay ng aking kotse. Nahampas ko naman ang manibela.
Shit!
She's sick because of me!
Sinaktan ko nang sobra ang babaeng gusto ko!
The engine roared.
Mabilis kong pinaandar ang kotse.
You don't need to ask for my forgiveness, Ky,
because I need your forgiveness...
Alam kong ako ang problema rito.
Ako ang nagsimula ng lahat ng ito at hindi ikaw...
edited
Note: Read before you vote. Comment your thoughts. Thank you!