Chapter 24

398 31 1
                                    

Chapter Twenty-Four

Give up

Kyline's POV

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na... si Darren...

May gusto sa akin?

This is too good to be true.

"Hindi ako nagbibiro," he gently squeezed my hand. "Gusto nga kita."

Lalo naman akong namula dahil sa kanyang sinabi.

"E... Ang akala ko si Cassy or si Jayda ang gusto mo. Iyon kasi ang sinasabi nila," I sighed. "Karamihan sa mga fans mo, iyon ang sinasabi."

"Sinong paniniwalaan mo? Ako o sila?" He smiled. "What do you want me to do? I am willing to do everything just to prove my feelings for you."

"Hindi! Hindi!" umiling ako. "Hindi na kailangan! I believe you."

Nagkatinginan kami. I smiled back.

Mabuti na lamang at may kumatok dahil mababawasan ang kaba ko.

I am still very nervous because of our sudden confession...

Binuksan ni Darren ang pinto.

"Bakit naka-lock ang pinto? Kayo ah!" Napasapo ako sa aking noo. Nakabalik na pala ang aking mga kaibigan.

'Bumili muna kasi sila ng makakain.'

I am not sure if that was really their intention.

Zariela winked.

See? Gusto lang nilang iwanan kaming dalawa.

"Baliw, kayo kaya ang nag-lock niyan kanina." Natawa naman si Elia.

"Anong kami? Ayos sisi, ha."

Hinanap naman ng aking paningin ang isa ko pang kaibigan.

Nasaan si Shie?

"Uh... Guys, nasaan nga pala si Shie?" I searched for her behind their backs. Baka nasa labas?

"Umuwi na. Sumama raw ang pakiramdam, e. Baka nahawa?" nagtatakang sagot ni Andrea.

Napakamot naman ako sa aking ulo.

"Hindi naman nakakahawa ang Anemia..."

Nagkibit-balikat na lamang sila. Parang alam ko na kung anong dahilan ng pag-alis niya.

I felt guilty.

Alam kong matagal na ring may gusto si Shie kay Darren. Nasaktan siguro siya sa mga nangyari kanina.

And for her to witness it with her own eyes? It must be excruciatingly painful.

Naunang magkagusto si Shie kay Darren. She has exerted more effort in pursuing Dee. She went to almost all of his mallshows, bought all of his albums, for what? For me to outshine her?

She deserves him more.

I'd rather get hurt. Sanay naman na ako roon.

Dee and my friends talked and talked. Hindi ako makasabay sa kanila. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita gayong alam ko na may nasasaktan dahil sa aming dalawa ni Darren.

At kaibigan ko pa...

But... Darren is the source of my happiness.

The only person I can really rely on to is him.

Yes, I have Andrea, Zariela, Elia, and Shie. But... no one can understand me more. Si Dee lang talaga ang nakakaintindi sa akin.

So should I let him go?

Napasinghap ako sa aking naisip.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dee.

"We need to talk."

Napabitaw siya mula sa pagkakaakbay sa akin.

"Uhm... It's better if we leave you two alone. Uuwi na kami."

My friends left. I can really count on them. They know something is off.

Me and my overthinking brain...

This just sucks.

"Let's talk," malungkot kong sinabi.

He laughed.

I gave him a confused look.

"Ano ba naman 'yan, Nicky. Hindi pa nga tayo, e. Parang nakikipaghiwalay ka na."

Napabuntong hininga ako. E, ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan ko siyang kausapin. Hindi ako mapakali at malamang ay hindi rin ako makakatulog dahil masyadong makulit ang utak ko para kalimutan ko ang problema.

"What's bothering my girl?"

Niyakap niya ako mula sa likuran.

My god.

How am I supposed to do this?

Ang hirap.

Hindi ko ata kaya.

Lalo na't mas lalo akong nahuhulog sa pinapakita niya? Napakahirap naman.

Lagi na lang may kapalit ang panandaliang kasiyahan. Hindi pa natatapos ang isang araw, may panibago na naman akong iniisip na dapat solusyonan.

Huminga ako nang malalim.

"The thing is... Shie likes you. Alam kong nasaktan siya sa mga nakita niya kanina."

Hinarap ko siya.

"Matagal ka na niyang gusto. Ginawa niya ang lahat para sa'yo."

Hinawakan niya ang aking mga kamay.

"Kaya iniisip mong mas karapat-dapat siya para sa akin?" malungkot niyang tanong. "Look at me."

Nanatili akong nakayuko.

"Kahit pa na gusto niya ako, wala na tayong magagawa pa roon. You can't sacrifice for her satisfaction. Kahit pa isuko mo ako, hindi ko siya magugustuhan. Ikaw lang ang gusto ko," he sincerely said.

Niyakap niya ako.

"Sarili mo naman ang isipin mo kahit ngayon lang, Ky."

Ngayon lang ako nagkalakas na tumingin sa kanya.

"Nag-aalala kasi ako na baka masira ang pagkakaibigan namin.

"It won't happen. We'll find a way. 'Wag mo lang ako susukuan. " He chuckled. "Kakaamin ko pa lang, sinusukuan mo na ako."

Natawa na rin ako.

" 'Wag ka mag-alala. Hindi kita susukuan."

Tama nga siguro. I should let myself be happy. Kahit ngayon lang.

I won't give up on him.

Note: Vote if you liked this chapter. Also, comment your thoughts!

Another note: Sorry, ngayon lang nag-update. Mej busy e. Huhu.












ChangesWhere stories live. Discover now