Chapter Thirteen
Return
Kyline's POV
I wanted to sleep,
but I can't.
Naguguluhan ako sa mga kilos ni Darren. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kanina.
Nag-uusap lang naman kami ni Karlos. Ano bang mali roon?
Noong umaga pa, okay kami, e. N'ong pauwi, maski tingin hindi 'man lang niya maibigay.
Pinag-uusapan lang naman namin ni Karlos ang nakaraan niya. Hindi ba 'yon alam ni Darren? Hindi ba sa kanya sinabi ni Karlos?
Sa katunayan nga ay nagkakaintindihan kami ng lalaking 'yon. He was also in love with his best friend.
Kaya parang may sariling mundo kami kanina.
He told me his story...
And Andrea's.
Suprisingly, those two are best friends ever since time immemorial.
Sadly, Andrea had an accident kaya naman ay wala itong maalala.
So that explains Andrea's difficulties in handling certain things and coping up with our subjects. Her headaches, lahat-lahat. It all makes sense now.
Mabuti nga at hindi ito nag-collapse nang makita nito si Karlos.
Pero napansin ko rin sa kanya ang pagka-iritado. Siguro ito ay dahil sa selos. Selos na ako ang kausap ni Karlos at hindi siya.
Parehas kasi silang may gusto ni Karlos sa isa't isa noon.
Sabi nga nila, ang puso raw ay hindi nakalilimot.
E, anong problema ni Darren?
Ganoon na ganoon din siya kanina. Sobrang iritado noong magkausap kami ni Karlos. Pwede naman siyang makisali sa amin dahil alam niya naman ata ang pinag-uusapan namin.
O kaya kausapin niya si Andrea!
Tss.
Ang gulo-gulo ni Dee!
Natawa na nga lang kami ni Karlos dahil parehong-pareho ang mukha nila ni Andrea kanina. Nahampas ko rin siya dahil sa sinabi niya.
Sabihin ba namang may gusto raw sa akin si Darren kaya siya nagkakaganoon?
As if naman. Pwe!
E, bakit nga kaya siya ganoon?
Baka naman may problema siya at ayaw niya lang sabihin?
Nag-aalala tuloy ako.
Habang iniisip ko kung ano ang problema niya, tumunog ang aking cellphone.
Siguro... Si Dee ang tumatawag.
Sana...
Tinignan ko ang caller's ID at laking gulat ko na lamang nang makita ko kung sino ito.