Chapter 7

668 26 2
                                    

Chapter 7

Gulo sa Sistema

Kyline's POV

Sa wakas kahit papaano ay naialis ko na rin sa aking isipan ang mga mensahe ni Darren. I focused my attention on the movie. Like I said earlier, I'm here to have some fun! Puro pag-iisip na lang ang ginagawa ko simula pa kanina.

Nakatatawa talaga ang palabas. Napahalakhak na lang ako nang hindi ko namamalayan dahil sa kakulitan ng mga maliliit na nilalang. They're really cute and I love cute things!

Naramdaman ko na naman ang pagtitig. Napatingin ako kay'la Zari, Andrea, Shie, at Elia. Mukhang wala naman silang napapansin na kakaiba.

Aish, Darren, bahala ka na nga!

Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang muli ako sa panonood.

Tumayo na ako nang matapos ang palabas. Hinintay ko na lamang sila sa labas dahil nag-aayos pa sila ng kanilang mga gamit.

Bumaling naman ang aking paningin kay Darren nang makita kong papalapit siya sa akin.

" 'Wag mo nang isipin masyado 'yung sinabi ko kanina," he whispered.

Uminit ang aking mga pisngi. Humalaklak naman siya. Paano niya nalaman na kanina ko pa iyon iniisip?

"Tss," singhal ko sa kanya. Medyo makapal, ha! Lalong uminit ang aking mga pisngi.

"Kidding, but can you do me a favor? Can you hang out with me for a while? May pupuntahan pa kasi sila Lynelle and I'm very sure that it's boring so I'd rather hang out with you," at kumindat pa ang loko. I didn't know Darren had this kind of personality! Napaiwas ako ng tingin. Nabigla naman ako sa kanyang offer.

"May mga kasama ako. Magpapaalam muna ako sa kanila. Wait," sabi ko na lamang at pumunta na sa mga kaibigan kong kalalabas lang.

Nang makalapit sa kanila ay tinanong nila ako.

"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Zari. Nahihiya naman akong napayuko.

"S-Si Darren," bulong ko sa kanila. Gulat naman silang napatingin sa akin.

"Si Darren!" hindi makapaniwalang napasigaw si Shie. Tinakpan ko ang kanyang bibig.

"E, guys, may problema kasi," inunahan ko na ang pagsasalita ni Shie. "Gusto kasing magpasama—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sabay-sabay nang nagsalita si Andrea, Zari, at Elia.

"E, 'di go! Sumama ka na!" mahina nilang sigaw. Napairap naman ako. Bakit parang pinagtatabuyan nila ako?

"Choosy ka pa. Gusto mo rin naman iyon, kunwari pa!" dagdag ni Elia.

"Pumunta ka na r'on!" tulak pa ni Andrea. Ayaw na talaga nila akong kasama!

Sinenyasan naman ako ni Shie. Hinila niya ako papalayo kakaunti sa mga kaibigan namin. Kumunot ang kanilang mga noo at nagkibit-balikat na lamang ako. Nagpatianod na lamang ako kay Shie.

"Kai, pwede bang ako na lang ang sumama kay Darren?" paghiling niya.

"Kung sa'kin, okay lang naman. E, kay Darren, Shie? Tanungin muna natin kung ayos lang sa kanya," nag-aalangang sabi ko. Sa totoo lang ay hindi ayos sa akin. Pero kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, papayag na lang ako.

ChangesWhere stories live. Discover now