Chapter 8

548 27 0
                                    

Chapter Eight

Rumors

Darren's POV

I don't understand why those girls acted like that. Hindi nila ako pag-aari at wala silang karapatan na saktan si Kyline. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang ginawang masama at ako ang nagyaya sa kanya.

Nawalan siya ng malay. I panicked. Binuhat ko siya agad at dinala sa kotse nilang kararating lang. Nanatili namang naka-estatwa ang mga babaeng iyon.

Ito na naman ang pakiramdam na kakaiba. I'm really worried about her. Kung ganoon pala ang mga taong nakakasalamuha niya, dapat marunong siyang lumaban kahit papaano.

Naalala ko tuloy ang mga sinabi ko kanina. I was just joking when I said that 'destiny' line. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ko iyon sinabi sa kanya. I also said to those girls that she's my girlfriend. I also don't know why I said those words, but at that moment, it felt like I needed to protect her. Kaya ko siguro nasabi ang mga salitang iyon.

I looked at her.

Mabuti na lang at binalikan ko siya dahil naipagtanggol ko siya kahit papaano.

"O, anong nangyari kay Kyline?!" Her driver, too, panicked. Namutla ito at hindi malaman ang gagawin.

"Her schoolmates... they happened. 'Wag na po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa mga iyon," I sighed. "Dalhin na lang po natin siya sa ospital!"

Sumakay na rin ako sa kotse. I'll explain everything to her mother. Nag-aalala ako. Baka kung ano pa ang maranasan niyang katulad ng ganoon sa kanyang paaralan.

Hinawi ko ang takas na buhok sa kanyang pisngi at nanatili akong nakatitig. Magaan talaga ang loob ko sa kanya. It's like I want to be friends with her. I want us to be closer. Hindi ko siya gusto... ngunit gusto kong mas mapalapit sa kanya.

I'm really worried.

Napansin ko ang kanyang paggalaw at pagdilat.

"Baka matunaw naman ako sa mga titig mo," nakangisi ngunit mahina niyang sabi. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Hindi ako nakatitig. Nag-alala lang ako. Biglaan kang hinimatay, paanong hindi ako mag-aalala, Kyline?"

Dahan-dahan siyang umayos ng upo.

"Hindi ito ang daan pauwi," nagtataka siyang tumingin sa bintana.

"Dadalhin ka namin sa ospital."

"Hindi na! I'm fine. I just need rest. I'm exhausted."

"Pero natawagan ko na po si Ma'am," si Manong.

"Hindi na po, tatawagan ko na lang si Mama. Okay na talaga ako. Medyo pagod lang."

"Kyline," I warned. "We have to be sure. Hindi basta-bastang nahihimatay ang mga tao."

"I'm okay, Darren. Alam ko ang katawan ko. I said I need rest. Iyon lang talaga ang kailangan ko."

"Kai, 'wag nang makulit."

"Pagod lang ako."

Saglit na napatingin sa amin si Manong.

ChangesWhere stories live. Discover now