Chapter 4

590 37 2
                                    

Chapter Four

Guilty

Darren's POV

I realized I was harsh at that lady. I felt guilty. Hindi na naman ako nakapagtimpi. I hate myself for being too hotheaded.

Ang masama pa roon ay napagtanto kong hindi niya 'yon sinasadya. Masyado akong naging padalos-dalos. I said all those hurtful things to her without knowing that she's a fan!

Hindi ko napansin ang kanyang t-shirt dahil sa pagmamadali. I just don't want my fans to be disappointed at me for being late.

But I did disappoint her... and she's my fan.

Panigurado ay nasaktan ko iyon. I did not intend for this to happen. Gusto ko lang naman kasi talagang pumunta na sa function hall dahil late na ako. Nakasakit pa ako ng tao dahil sa katangahan ko rin.

Lumipas ang oras.

Hindi ko namalayan, nandito pa pala ako sa mall show ko. I'm still signing albums. I was too preoccupied to even respond to some of my fans.

Hindi ko na muna inisip 'yung babae. I focused on my fans. I smiled to each one of them.

Matapos kong pirmahan ang album ng isang Darrenatic na palagi ko ring nakikita, dumating ang isa pa. I recognized her as the one who accompanied the girl I bumped into.

Lumapit siya sa akin.

"Hi, Darren! I love you!" tuwang-tuwa na bungad niya sa akin. I think I've seen her a couple of times.

"Hello!" I smirked.

Naramdaman kong kinilig ang babae. I know she'll feel giddy. This is the only way I can repay their support towards me.

Naisip ko 'yung babae. I really feel guilty. Umalis siguro siya dahil nga nasaktan sa mga salitang ginawad ko. I wouldn't blame her if she becomes a hater because of that incident.

"Uh... May I ask you something?" she nodded excitedly.

"Where's the girl you came with? Did she leave?" sunod-sunod kong tanong kaya naman ay kumunot ang noo niya.

"Bakit? Kaibigan ko 'yun. Umalis na siya kasi masama raw ang pakiramdam niya. Pero ang hula ko ay may problema 'yon kaya nagmamadaling umalis. Hindi naman kasi ganoon 'yon kapag nakikita ka niya. Matindi lang siguro ang pinagdadaanan," mahabang sagot niya sa akin. I don't know if it's a good thing that she's talkative. This takes too much time, but she did gave me more than what I asked for.

"Bakit?" pahabol na tanong niya sa akin.

"I guess... Thank you. Napansin ko rin kasi ang pagkamalungkot niya. I just wanted to know if she's okay."

"Grabe, napakabait mo talaga, Darren," masayang sagot niya sa akin at pumwesto na sa tabi ko para sa picture taking.

After we took the pictures, we said our goodbyes and then she left.

Bago pa makarating ang isa pang Darrenatic ay napansin ko ang isang cellphone na nasa pinakadulo ng mesa. Mukhang mahuhulog na. Agad ko iyong kinuha upang hindi mahulog.

ChangesWhere stories live. Discover now