Chapter Eleven

28.3K 703 4
                                    


Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Xavier. Nagkaroon kasi ng problema sa bussiness nila at kailangan isa sa kanila ni Jax ang pumunta ng Palawan para maayos iyon. Hindi namang pwede si Jax dahil ayaw niyang iwan si Zack lalo na ngayon na maselan ang pagdadalang tao niya. Yes Zack is four weeks pregnant tuwang tuwa nga kami nila Tasha dahil naka isa na agad sila Zack at Jax.

Since wala akong magawa at mamaya pa ako tatawagan ni Xavier dahil araw araw niya akong tinatawagan mag mula nung pumunta siya ng Palawan. I miss him so much. Nagpunta nalang ako ng bar.

Nadatnan ko sa opisina si Avery at ang bagong hire na si Faye. Tinuturo ni Avery kay Faye lahat ng dapat malaman nito. Hahatiin ko na kasi ang schedule ni Avs at para may naka-duty na ding manager tuwing operating time mamayang gabi. Kasi may mga time na wala ako para ako ang magbantay dito tuwing operating time.

Ngumiti lang ako sa kanila nung binati nila ako at dumiretso ako sa office table ko. Nagulat ako ng may nakalagay na boquet of light green roses doon at isang gift box.

"Maa'm diniliver po iyan kanina at sayo po nakapangalan. Nirecieve ko nalang po." Sabi ni Avs.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Iniisip ko kasi na malamang ay pakulo ito ni Xavier.

- The woman with her own. I really missing ..

~C

C ?? Hindi si Xavier ang nagpadala nito. C ? Omyghad ! Dali-dali kong binuksan yung maliit na gift box at nakalagay doon ang isang key chain na kamukha ng Eiffel Tower. Isa lang ang pumapasok sa isip ko sa tuwing naaalala ko ang Paris. Agad kong dinail ang numero ni Tasha. After three rings saka niya sinagot.

"Tash ! Christopher is back ! He's back"

Napalakas ang sabi ko kaya naman napatingin sa akin sina Avery at Faye. Ngumiti nalang din ulit ako sa kanila.

- How did you know ??

Halata sa boses ni Tasha na nagulat din siya.

"Nasaan ka ba ?"

- School.

Teacher kasi si Tasha.

"Later on you will recieve a boquet og tulips and a gift sa loob nito ay key chain."

Bago pa makasagot si Tasha ay narinig ko sa kabilang linya na may delivery siyang dumating.

- Omygad, oo nga Georgy. Si Christopher nga may pakana nito. Gtg na. Ako nalang tatawag kila Jaily at Zack. Mauna kana sa bahay ng gunggong na iyon. Muah !.

Niligpit ko ang gamit ko at nagpaalam sa dalawa bago ako tuluyang umalis ng bar.

Nagmamadali akong pumara ng taxi at dumirestso sa condo ni Christopher. Excited akong makita siya. Pitong taon din kaming di nagkita. Paimportante pa naman iyon.

Lahat kaming apat ay may keycard ng condo niya bukod sa kanya so nabuksan ko ito ng mabilis.

Tama nga ako. He is back! The man sitting on his couch is no other than Christopher Tan. He's still handsome as ever.

"Christopheeeeeeeer" sa sobrang tuwa ko ay dinamba ko siya sa sofa. Niyakap ko siya ng mahigpit at pilit naman niyang inaalis ang mga braso ko sa kanya.

"Ano bey ! Kalerkey ka Georgy. Papatayin mo ba aketchiwa ? I don't want na aketch ang unang matyugi sa ating five."

Yes. Si Christopher ay isang dyosa.

-----------

I am in the middle of my business but I can't fvcking concentrate because I really missing her. It's been two weeks mag mula ng huli kaming magkita ni Georgina. Nakikita ko lang siya sa screen ng loptop ko sa twing nag iusap kami sa pamamagitan ng skype.

Hindi ako nakapaghintay pa at dinial ko na ang number ni Georgina pero hindi siya sumasagot. Siguro ay naka silent ang cellphone nito. So yung telephone number nalang ng bar niya ang tinawagan ko.

- Hello ? Good morning thank you for calling GBAR. How may I help you ?

It's Avery her manager.

"Avs, nandiyan ba si maa'm Georgina mo ? Can I talk to her ?"

- Ayy Sir Xavier kaalis lang po niya.

"Do you know kung saan siya pupunta."

- Baka po kila maa'm Tasha. May natanggap po kasi siyang flower dun daw po sa Christopher galing tapos tinawagan niya po si maa'm Tasha bago po siya umalis.

Who the hell is that Christopher is ? At anong karapatan niyang bigyan ng bulaklak ang pag aari ko ? Bigla ay nakaramdam ako ng sobrang pagkainis.

Napakatagal naman kasing masuyo ng isa sa mga investors namin dito. Mas lalo akong naiinip dito lalo't hindi ko kilala yung Christopher na iyon. How I hate that guy from now and then.

NANATILI pa ako sa Palawan ng dalawang araw bago tuluyang bumalik ng Manila. Hinfi muna ako dumiretso sa bahay ni Georgina dahil may mga naiwan din akong trabaho sa opisina ko at di ko na pwedeng ipag pabukas pa. Kami ni Jax ang pinagkakatiwalaan ni Lolo sa Heluxus Group of Company. Lalo na ako dahil kay lolo ako lumaki nung iniwan ako ng mga mama ko para mag asawa ng iba, habang si dad - anak ni lolo - ay nasa rehabilitation center dahil lulong sa droga. Kay Lolo ako lumaki at para sa akin siya ang itinuring kong magulang. At gagawin ko ang lahat para hindi madisappoint sa akin si Lolo. After all alam ko naman sa aming magpipinsan mapupunta ang kompanyang pinaghirapan niya noong kabataan niya.

Siguro kung buhay si Francheska ay mas masaya ako ngayon. Yun mga lang ay namatay ang kapatid ko dahil sa sakit sa puso. May history kasi ang familu namin sa heart disease. Sa tuwing naaalala ko ang sinapit ng pamilya namin ay nararamdaman ko nanaman na mag isa lang ako.

Nang matapos ko ang gagawin ko sa opisina ay binisita ko muna saglit si Lolo sa mansion. Gusto kong kamustahin ang lagay niya. Pero Aas I have expected, malakas pa rin sa kalabaw si lolo. Nakakatuwa at binigyan siya ng mahabang buhay ni God. Hindi katulad ni Francheska.

Saglit lang ako sa mansion para dumiretso sa bahay ng babaeng nagpapasaya sa akin ngayon. Bumili ako ng mga bulaklak sa nadaan kong flower shop. Califa flower shop to be exact. Bumili ako ng apple green and white roses at pinaayos iyon sa staff. Sabi ko ay para sa babaeng espesyal sa akin. Natuwa naman ako sa kinalabasan ng atos nito. Bagay na bagay ito sa taong pag bibigyan ko.

Dumaan din ako sa mall para bumili favorite niyang lasagna. Kay Zack ko ito nalaman nung minsang dinalaw ko sila ni Jax sa bago nilang bahay. May pagka madaldal talaga ang asawa ng pinsan kong iyon.

Kumunot ang noo ko ng makitang may nakaparadang Porsche na kulay cherry red. Sino namang bisita ni Georgina sa ganitong oras ng gabi. Baka si Tasha o si Jaily lang ito.

Hindi na ako nag door bell at inakyat ko nalang ang apple green gate niya. Medyo nahirapan ako dahil may dala ako. I wanna surprise her na nandito na ako.

Tahimik kong binuksan ang front door niya at halos mabitawan ko ang dala-dala kong bulaklak at lasagna sa nadatnan ko sa living room niya.

It's Georgina kissing other man ..

Nagdilim ang paningin ko at binigyan ko agad ng suntok ang lalaking umaangkin sa labi ng babaeng gusto ko.

******

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon