Chapter Eighteen

26.5K 707 3
                                    


Naggising ako ng marinig ko ang iyak ng isang sanggol sa aking tabi. Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Zack na pinapalitan ng diaper si Ayesha. Ano nga bang nangyari at paano ako napunta dito. Ang huling naalala ko ay nagkasagutan kami ni Ate Gwen. Bigla ay tumulo nanaman ang luha ko. Umupo ako sa kama para hindi mapansin ni Zack ang pag punas ko sa aking luha.

"O, gising kana pala Georgy, ano bang nangyari."

Tinitigan ko si Zack, pagkatapos ay bumaba ang tingin ko kay Ayesha na kasalukuyang dumidede sa bote. Tumingin ulit ako kay Zack at saka yumakap. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa balikat niya. Naalala ko bigla yung babaeng yumakap sa akin sa coffee shop ni Jaily, siguro ay ganito din ang nararamdaman niya noon kaya niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko. I think this is the best way to ease the pain.

"Shh .. tahan na. Ano ba kasong nangyari ?"

Humihikbi ako habang patuloy na hinahagod ni Zack ang aking likuran. Ang sakit salit ng nararamdaman ko na para bang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko. Maaiyadong masakit na halos madurog ang puso ko sa sobrang sakit. Ang sakit palang magmahal.

"Ni-niloko n-niya a-ako Zack. Si-sinaktan n-niya a-ako."

Hindi ako masiyadong makapag salita ng maayos dahil sa sobrang paghikbi ko. Iyak ako ng iyak hindi ko na yata kakayanin pa ang sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Shh .. wag ka ng umiyak . Uupakan ko talaga yung kumag na iyon."

Hinayaan lang ako ni Zack na humagulgol sa balikat niya. Naawa ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Ni hindi man lang niya ako pinuntahan.

Humiwalay ako ng yakap kay Zack at saka pilit na ngumiti.

"Zack, peram ako ng phone."

Nakita ko ang pagtatanong sa mga mata niya pero walang alinlangan na ipinahiram niya sa akin ang cellphone niya. Agad kong tinype ang number ni Kuya Anton. Kailangan kong kumpirmahin sa kanya ang totoo. After two rings ay sinagot na niya ang tawag ko.

-hello ? Who's this ?

"K-kuya .. totoo ba ?"

Pinipilit kong hindi ipahalata sa boses ko na anytime ay iiyak nanaman ako. Tinititigan lang ako ni Zack.

- Agatha ? What are you talking about ?

Tumingin ako sa itaas para pigilan ang papalapit ng pagbagsak ng aking luha.

"Sinabi na sa akin ni Ate Gwen. Hindi ako anak ni daddy."

Matagal bago naka sagot si Kuya Anton sa akin.

- I'm sorry princess ..

That's it. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng pag asa ko pati pala si Kuya Anton ay alam na pero hindi man lang niya sinabi sa akin. Binaba ko ang telepono at umiyak nanaman. Hindi na nagtanong si Zack sa akin at niyakap niya na lang ako.

"Zack, gusto kong lumayo."

Saglit akong pinakatitigan ni Zack at agad siyang nag dial sa kanyang cellphone.

"Ihanda niyo ang private plane."

------------

Tuluyan kong nilisan ang mansion ng mga Valdez. Pupuntahan ko ang babaeng mahal ko. Kung kailangan na ipag laban ko siya ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kahit pa kalabanin ko ang sarili kong Lolo.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko. Kung maaari lang na paliparin ko ang kotse ko ay ginawa ko na marating ko lang ang bahay ni Georgina. Dali-dali akong bumaba ng marating ko ang bahay ng babaeng mahal ko. Pero ganoon nalang ang panlulumo ko ng nakapadlock na ito. Inakyat ko ang bakod tulad ng ginagawa ko dati at naglakad papuntang front door. Nakalock na din ito. Sumilip ako sa isang glass window at nakita kong may mga telang puting nakapaloob sa mga gamit ng buong kabahayanan.

Kinabahan ako ng sobra at pilit kong tinatawagan ang cellphone number niya pero operator lang ang sumasagot. God dammit ! Saan naman maaring pumunta si Georgina. Isa lang ang nasisiguro ko na alam ni Zack kung nasaan si Georgina ngayon dahil sila lang ang iniwan ko kanina dito.

Bumalik ako sa sasakyan ko at nagmanehong muli papunta naman sa bahay ng pinsan ko. Alam kong wala doon si Jax dahil dumiretso na iyon ng trabaho pero gusto kong makausap ang asawa niya dahil alam kong siya ang susi para matagpuan ko ang babaeng mahal ko.

Habang nag di-drive ako ay hindi ko mapigilang lumuha. Oo umiiyak ako. Umiiyak ako dahil nag mamahal aki at alam kong parte ito ng pagmamahal. Handa akong gawin ang lahat para sa babaeng mahal ko.

Pinapasok naman ako ng guard ng makilala ako. Pinarada ko ang sasakyan ko sa may bandang garden nila bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Binati pa ako ng mga katulong pero tinanguan ko lang sila. Natagpuan ko si Zack sa may gilid ng swimming pool habang tulak tulak ang stroller ng pamangkin ko.

"Azackira"

Hiyaw ko kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko. Tumaas naman ang isang kilay niya at inirapan ako. Kaya nagmadali akong lumapit sa kanya. Hingal na hingal akong humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo ditong demonyito ka ?"

Alam ko naman kung bakit niya ako tinatarayan ang I know that I deserve all of this.

"Please tell me kung nasaan si Georgina ngayon. Please Zack, I need to know." Pagmamakaawa ko. Tinaasan niya lang ulit ako ng kilay.

"Umalis kana, wala kang mapapala sa akin. Hindi ko alam kung nasan siya."

No! Alam kong nagsisinungaling lang siya. Alam kong alam niya kung nasaan si Georgina ngayon they're bestfriends kaya imposibleng hindi niya alam.

"Kung kinakailangan kong lumuhod para sabihin mo lang, gagawin ko. Please Azackira, nasaan siya ?"

Tumalikod siya sa akin habang nakahawak pa rin siya sa stroller ni Ayesha.

"Hindi ko talaga alam Xavier. At kung sa kaling alam ko man, hindi ko pa din sasabihin sayo. Ginusto niyang umalis dahil nasaktan mo siya ng sobra. Ginusto niyang makalimot. Kaya kung ako sayo, gawin mo nalang din ang ginawa ng kaibigan ko. Kalimutan niyo na ang isa't isa. Hindi na healthy na magsama pa kayo matapos lahat ng mga nalaman niya."

Muling humarap sa akin si Zack.

"Xavier, alam mong pinagpaplanuhan na ni Lolo Bartolome at ng mga Valdez ang kasal niyo ng Ate ni Georgy, may anak kayo ng Ate niya kaya piniling umalis ni Georgina. Ayaw na niyang maging second choice Xavier."

Hindi na ako nakapagsalita ng lagpasan na ako ni Zack. Kahit kailan ay hindi naging second choice si Georgina para sa akin. Dahil kahit kailan ay hindi ko pinili ang Ate niya. Loving Georgina is the best thing happens to me.

Nanlulumo akong bumalik sa kotse ko at wala sa sariling sinagot ko ang tawag ng mag ring ang cellphone ko.

- hello good afternoon Mr. Heluxus, this is Bettany Aragon of Heluxus Car Collection.

"Yes ?" Kunot noong tanong ko.

- Sr. I would like to inform you na yung Apple Green Ferarri car niyo ay tinurn over na ulit sa amin nung may ari at pinatransfer ulit sa pangalan niyo.

Hindi ko na tinapos pa ang tawag na iyon. Umalis na nga siya. Umalis na ang babaeng maha ko.

At iniwan lahat ng ala-ala ko.

******

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon