Chapter Twenty-four

28.2K 707 16
                                    


Nasa may garden area kami ng bahay nila Zack habang nag kwe-kwentuhan. Si Sapphire naman ay busy sa pakikipaglaro ng dollhouse kay Ayesha na isang taon lang ang tanda sa kanya.

Napag alaman ko na si Jaily ay happily married na at nag migrate na sa Canada at bihira ng bumisita dito sa Pilipinas. Nagkakausap lang daw sila ni Zack sa pamamagitan ng social media. May kambal na daw itong anak at three years old na ang mga ito ngayon. Ang bad news, si Tasha hindi pa din nagpapakita hanggang ngayon pero sabi ni Zack alam daw ni Chris kung nasaan si Tasha pero ayaw niya lang magsalita dahil iyon daw ang bilin sa kanya ang importante daw ay maayos ang lagay nito. Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung ano ba talagang dahilan at umalis siya ng bansa dahil wala na din kamng balita sa boyfriend niyang si Vinz so iniisip namin na baka nagtanan na ang dalawa.

Si Zack ? Nakakatuwa dahil dalawa na din ang anak niya. Karga-karga niya nga ngayon ang seven months old na baby boy nila ni Jax. Si Axel Jade at ang cute cute ng baby nila kamukhang kamukha ni Jax, walang duda na Heluxus talaga dahil magkakamata silang magpipinsan.

"Really ? Nagpalit ka ng pangalan ?"

Tanong sa akin ni Zack na hindi makapaniwala sa ikinwento ko sa kanya.

"Yes Lorraine Davids na ang gamit ko ngayon." Paliwanag ko naman.

"Mas maganda pa din ang Georgina girl !" Komento niya sabay subo ng black forest cake na hinanda niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Nagkita na ba kayo ni Xavier ?" Tanong niya. Tumango lang ako sa kanya at uminom ng orange juice.

"Nakita mo na ba si Xander ? Yung anak nila ng Ate mong monster?"

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko pa nakikita ang batang iyon magmula ng bumalik ako. Na-ikwento ko na nga pala kay Zack ang tungkol kay Sapphire at unang tingin pa lang daw halatang Heluxus na.

"Hindi pa. Why ?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"You must seen the boy Georgy, nung una kong nakita iyon akala ko hindi anak ni Xavier dahil wala man lang nakuha sa kanya. Ang layo ng mukha nung bata." Nagulat naman ako sa binalita ni Zack sa akin.

"Really ?" I asked.

"Yup, pero girl napa-DNA test na daw iyon at nag match daw sila ni Xavier. Siguro nga at hindi nag enjoy si Xavier nung ginawa nila iyon kasi hindi niya kamukha ii." Humahagikgik na sabi ni Zack kaya natawa na din ako.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan ni Zack bago ako tuluyang umalis sa bahay nila. Hindi sumama sa akin si Sapphire dahil gusto niya oa daw makipag laro kay Ayesha. Pumayag na akong mag over night siya sa bahay nila Zack excited nga siyang ipakilala ito kay Jax dahil hindi namin naabutan doon kanina.

Kumunot ng bahagya ang noo ko ng matanaw kong may Porsche na nakaparada sa harap ng gate ko. Sigurado akong hindi kay Xavier iyon dahil alam ko lahat ng kulay ng sasakyan niya. Iniisip ko na baka si Ate Gwen ito gamit ang ibang sasakyan. Bumaba ako sa mercedes benz na gamit ko at kinatok ang window ng sasakyang nakapatada sa harap ng gate ko. Nakasunod naman sa akin si Arthur.

Binaba nung tao sa loob ang window niya at lalong napa kunot ang noo ng makita kong hindi pamilyar ang lalaking nasa loob ng sasakyan sa akin. Bumaba siya ng sasakyan niya at lumapit sa akin.

"What are you doing infront of my house ?" Tiim bagang na tanong ko.

"I'm Jiro Magno" pagpapakikala niya at saka inilahad ang kamay niya sa akin.

"What can I do for you Mr. Magno ?" I asked at hindi ko pinansin ang kamay niya kaya ibinaba na niya iyon.

"Why don't we enter first inside your house ?"

"Sorry but I don't have enough time for strangers." Nilagpasan ko na siya para pumasok ulit sa sasakyan ko ng magsalita siya.

"It's all about your sister, Georgina."

Awtomatikong napalingon ako sa kanya at napataas ng kilay. Paano nangyaring alam niya ang tunay kong pangalan gayong hindi naman ako nagpakilala.

Nasa may bar counter kami habang pinagsasalin kami ng isa sa mga mades ko ng wine sa wine glass ay hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay ko dahil naging interesado ako sa kung ano mang sasabihin niya tungkol kay Ate Gwen lalo na ngayon na naghahanap ako ng baho niya.

"So what about my sister, Mr. Magno ?" Umpisa kong tanong sa kanya.

"Ang hayop mong kapatid !, nagpabuntis sa akin tapos nagtago, malalaman ko nalang na nagpakasal na siya sa iba." Humigpit ang hawak niya sa wine glass. Ako naman ay hindi makapaniwala sa diretsuhang sinabi niya.

"Y-you mean. You are the father of -"

"Oo ako ang ama ni Xander Heluxus." Putol niya sa sinabi ko.

"Oh my God !" Usal ko tsaka ininom ang wine. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Wait, how about the DNA test ? Nag match daw si Xander at si Xavier." Nagtatakang tanong ko sa kanya. Lalong namuo ang galit sa mga mata niya.

"Tuso talaga yang kapatid mo !, peke ang DNA test na iyon !. Nakausap ko na ang doctor na iyon at nagbigay din ako ng sample ko. After a day napag alaman kong kami ang tunay na match !" Gigil na sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.

"Teka, bakit mo ba ito sinasabi sa akin ?" Tanong ko.

"I know you, alam ko ang lahat ng tungkol sayo, even ang pagiging Lorraine Davids mo." Diretsong sabi niya sa akin. "Gusto ko lang na magtulungan tayo. Tutulungan kitang pabagsakin ang walang hiya mong kapatid kapakit ng makuha ko ang anak ko sa kanya."

Nakikita ko sa mga mata niya ang pangungulila sa anak niya. Somehow naaawa ako sa kanya pero lalong nadagdagan ang galit ko kay Ate Gwen. Napaka kapal talaga ng mukha niyang ipa-ako kay Xavier ang anak niya sa ibang lalaki.

Uminom ulit ako ng wine habang tinitignan si Jiro na galit na galit. Malaki ang maitutulong namin sa isa't isa. Hindi ko alam na gagawin ni Ate ang lahat makuha lang si Xavier.

Ibinigay sa akin ni Jiro ang cellphone number niya para kung sakaling kailanganin ko siya ay matatawagan ko siya.

Malapit ng bumagsak ang tuso kong kapatid.

One of this days ..

Nagulat ako ng lumapit sa akin ang isa sa mga maids ko.

"Maa'm may bisita po kayo."

Napakunot ang noo ko, kakaalis lang ni Jiro Magno sino nanaman ba ang bibisita sa akin ng ganitong oras.

Napatayo ako nh makita ang isang bulto ng matandang lalaki na inaalalayan ng bodyguards niya. And the old man is the one and only Don Bartolome Heluxus, Xavier's grand father.

What is he doing here ??

********

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon