Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si Christopher sobrang namiss namin siya ng barkada kaya nung nagpunta kami sa condo niya ay doon kami natulog. Pahirapan pa ngang pakiusapan si Jax dahil ayawniyang payagan si Zack pero sa huli wala siyang nagawa nung nagalit si Zack.Dalawang araw nanaman ang lumipas pero wala pa din si Xavier, wala pa din akong balita kung kailan siya babalik. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang mayakap.
"Georgiiii .. Imbyerna naman itong wifiii mo ! It's so mabagaaal ! Ghaaad !"
Oo nga pala nandito si Christopher ngayon para maki-wifi hindi pa daw kasi siya nakakapag pakabit. Sabi ko nga ay dito muna siya kung gusto niya kaso ayaw niya dahil may papa daw siya mamaya. Nakakatuwa talaga si Chris akala ko talaga dati ay lalaki siya pero nung pinakilala siya sa amin ni Zack - dahil pinsan niya ito - isa pala siyang sirena. Nakakatawa dahil binalak namin ni Jaily na akitin ito dati. Pero sa huli ay diring diri siya sa amin.
"Ikaw na nga itong nakikigamit ng wifi nagrereklamo ka pa. Sapatusin kaya kita jan Christopher." Sabi konsa kanya habang papalapit ako sa kanya dahil nasa living room siya at naka upo sa apple green kong sofa. Gabi na pero wala pa rin ata siyang balak na umuwi.
"It's Crystal ! CRYSTAL ! Not Christopher ! Ghaad, paulit-ulit nalang tayo Georgii."
Tinignan ko si Chris mula ulo hanggang paa. Lalaki pa rin siya manamit kahit na hindi siya straight ay never itong nagsuot ng girls stuff. Kaya kung titignan mo siya aakalain mong lalaking lalaki siya lalo na sa katawan niyang matipuno.
Inilapag ko ang isang bowl ng fruit salad na ginawa ko kanina. Wala lang parang gusto ko lang kumain ng matamis. Tumabi ako sa kanya at sumubo ng salad na ginawa ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang bagong pangalan niya. Basta para sa akin siya si Christopher.
"Ouch !" Napatingin agad ako kay Chris na kasalukuyang kinukusot ang kaliwang mata niya. "Georgii ang aking precious eyes ! Omygad napuwing ako !"
"Wag mong kusutin gaga ! Halika dito."
Lumuhod siya sa harapan ko at dahil sa matangkad siya ay halos magkapantay na ang mukha namin. Nakaupo pa din ako sa sofa. Hinawakan ko ang batok niya gamit ang magkabila kong kamay bago ko hipan ang kaliwang mata niya na namumula na kakagusot niya.
Feeling ko may nagbukas ng front door ko kahit na mahina iyon ay narinig ko pero mukhang guni-guni ko lang kaya ipinagpatuloy ko na ang pag ihip sa mata ni Chris.
Pero nanlaki ang mga mata ko ng isang iglap ay nawala na siya sa harapan ko at tumalsik siya sa sahig habang nagdurugo ang gilig ng kanyang labi. Saka lang nag sink in sa utak ko na sinuntok na pala siya ni Xavier.
In shock pa ako knowing na nakabalik na si Xavier at sinuntok niya si Chris nang bigla niyang kinuwelyuhan ito. Doon na ako bumalik sa katinuan at dali-daling tumayo para pigilan si Xavier.
"DON'T" sigaw ko kay Xavier ng akmang susuntukin niya ulit si Chris.
Napatingin sa akin si Xavier na halatang galit na galit siya. Binitawan niya si Chris at hinarap ako.
"Ito ba ang ginagawa mo habang wala ako Georgina ? Nakikipag halikan ka sa gagong iyan!" Sabay turo niya kay Chris. Oh my God he got it wrong at all akala niya ay naghahalikan kami ni Chris kanina.
"Look Xavier, let me explain. You -"
"Explain what ?? Kung paano ka nakikipag landian sa lalaking ito habang wala ako ?" This time nasampal ko siya. Bukod sa hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ay sinabihan niya pa akong malandi ! How dare him say that to me. Of all people siya pa.
Parang may kung anong matalim na bagay ang tumutusok sa bandang dibdib ko. At anytime ay tutulo na ang luha ko.
Tumalikod si Xavier at bago siya tuluyang humakbang paalis ay tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Gusto ko siyang yakapin habang nakatalikod siya. Gusto kong sabihin sa kanya na siya lang ang lalaki sa buhay ko pero nawalan ako ng lakas loob ng tinahak niya ang daan palabas ng bahay at tuyang umalis ng walang iniiwang salita.
Napa-upo ako sa sofa ko at tuluyang humagulhol naramdaman ko nalang ang paglapit ni Chris sa akin ng hawakan niya ang balikat ko. Bakit ganito sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Teh, bakit ka nag c-crying lady dyan. Ey ako yung na pik pak boom ng jowawers mo. It's so masakit kaya. Look at my preciouse lips, may cut na. Buti sana kung pinarusahan niya nalang ako ng halik huhuhu."
Alam kong pinapatawa lang ako ng Chris pero masakit talaga eh.
-------------
"You what ?" Galit na sabi ni Zack sa akin.
Pagkatapos kong iwan si Georgina at ang lalaking hambog na iyon ay dumiretso ako sa bahay nila Jax. Gusto kong mag unwind at mag isip isip kaya inaya ko nalang siyang uminom.
Masama ang loob ko. Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feeling na galit ako sa taong inaangkin ang pag aari ko.
Lumagok ako ulit ng Black Daniels na iniinom namin ni Jax habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari. Parehas lang sila ni Zack na nakikinig sa akin.
"Sinapak ko yung lalaki sa sobrang inis ko." Sagot ko kay Zack.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang mapatayo at akmang lalabas ng bahay nila mabuti nalang at nahawakan ni Jax ang braso niya.
"Omygad! Jax sinapak niya si Chris, kawawa naman yung tao. Kailangan ko siyang puntahan sa condo niya." Nag hehehisterical na sabi ni Zack. Kumunot naman ang noo ko. Ganoon din kaimportante sa kanya ang lalaking iyon ? Tss !
"Look pare, I think you should appologize to Chris, ang specially to Georgina." Tinapik tapik pa ni Jax ang kaliwang balikat ko habang sinasabi iyan. WTF ? Ako pa talaga ang manghihingi ng tawad ? Eh sila itong may gibawang kasalanan sa akin.
"Aba dapat lang ! Kundi ka ba naman sira ulong g*go ka ! Pinagseselosan mo yung taong kung kumilos mas babae pa sa amin. Gunggong ka talagang Xavier ka !" This time binatukan na ako ni Zack dahil sa sobrang pag hehesterical niya.
"Wifey, enough ! Hindi naman kasi alam ni Xavier na sirena si Chris !"
What the Fvck talaga !!
Sirena ?
Ibig sabihin ay hindi straight iyong Chris na 'yon ?
"Parehas kasi kayong gunggong ng pinsan mong hilaw ! Dyan na nga kayong dalawa!" I made a face after hearing those words.
Pero kung hindi nga lalaki iyong Chris na iyon bakit naman sila naghahalikan ni Georgina sa bahay nito nung madatnan ko sila sa living room.
"Dude, make a move wag ka ng tumunganga dyan. Ikaw din baka mahuli hindi kana patawarin ni Georgina."
Hindi kana patawarin ni Georgina
Hindi kana patawarin ni Georgina
Hindi kana patawarin ni Georgina
Hindi kana patawarin ni Georgina
Paulit ulit kong naririnig ang mga huling salitabg binitawan ni Jax sa akin. Tumayo ako at dumiretso palabas ng bahay nila Jax. Tama siya, kailangan kong humingi ng tawad kay Georgina bago pa mahuli ang lahat.
Ang tanga ko at hindi ko muna siya sa pinakinggan. Inuna ko muna ang init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Loving You (COMPLETED)
RandomI only want to fvck her. But I ended falling inlove with her. I don't know if she was able to accept me after all what I did. I love you my baby .. I'm sorry .. -Xavier Francisco Heluxus