Chapter Twenty

28.2K 743 8
                                    


Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nandito na si Georgina. Iba man ang pangalang ginamit niya atleast alam namin na siya iyon. Siguro nga hindi niya intensyong mag sinungaling kaya sinabi niya rin sa amin ang totoo. Ibang iba na siya. Pumikit ako at inalala ang mukha niya kanina. Her perfect face. Her smile. I miss everything to her. I wanna take care of her again like what we use to did before. My sweet Georgina.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay walang imik si Antonette. Siguro ay iniisip niya ang muling pagkikita nila ng kanyang kapatid. Naupo muna ako sa sofa habang si Nette naman ay dumiretso na sa kwarto niya. Si Xander ay pumasok na kanina since hindi na namin naihatid yung bodyguard nalang niya yung naghatid. Ako nalang ang susundo mamaya.

Niluwagan ko ang neck tie ko at hinubad ko ang coat ko ng may kung anong bagay ang mahulog. Nang pulutin ko isa palang calling card.

Lorraine Davids
09*********

Napangiti ako bigla at tinago ang calling card sa wallet ko.

Mag a-alas singko na ng mapagpasyahan kong sunduin si Xander sa school niya. Hindi nga malapit ang loob ko sa kanya pero hindi pa rin maiaalis ang katotohanang anak ko siya at hindi magbabago iyon. Dumiretso muna ako ng mall para bumili lasagna, favorite ito ni Georgina at magmula nung umalis siya ay nakasanayan ko ng kumain nito dahil kapag kumakain ako nito, feeling ko ay kasama ko siya. Papalabas na ako ng greenwich ng may makasalubong akong batang babaeng naka kulay electric blue dress, my favorite color.

"Hi little girl."

Bati ko, nag angat siya ng tingin sa akin. At nang magtama ang mata namin may kung anong humaplos sa puso ko para yakapin siya. Yes niyakap ko siya hindi ko alam kung bakit. Basta niyakap ko siya.

"Daddy." I froze. Tinawag niya ba akong daddy ? Humiwalay ako ng yakap sa kanya at pinakatitigan siya. Nanlaki ang mata ko ng ipakita niya sa akin ang picture namin ni Georgina sa necklace niya.

"My mom told me that this is my real father and it's look like you. Are you my father?"

Magsasalita palang ako ng marinig ko ang tawag ng kanyang ina sa kanya.

"Sapphire!"

Yes. Her mother is Georgina Agatha Valdez and also known as Lorraine Davids. Nagakasukatan kami ng tingin ni Georgina. Paano niya nagawang itago sa akin na may anak kami. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng anak ko.

"Let go of my daugther." Mariing sabi niya ng hindi ko bitawan ang kamay ni Sapphire.

"She's also my daugther."

Ngumisi lang siya sa akin.

"She's Sapphire Davids. She has my husband's surename so you have no rights to call him your daugther." Tuluyan na niyang kinuha si Sapphire sa akin. At binalingan niya yung body guard na naka sunod sa kanya.

"Arthur, send her to the mansion."

Nang makaalis ang anak ko at si Sapphirea ay hinila ko palabas ng mall si Georgina. Anong karapatan niyang magdesisyon para sa aming dalawa. Ni hindi man lang niya ako hinayaang maalagaan si Sapphire noong baby pa siya dahil hindi ko alam na may nabuo na pala sa pagmamahalan namin. Hila-hila ko pa din si Georgina hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Don't touch me ! Let me go ! Ugh !"

Kanina pa siya nagpupumiglas pero hindi ko siya pinapakinggan. Isinakay ko siya sa Apple Green Ferrari ko na dating ibinigay ko sa kanya na isinauli niya nung umalis siya. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Georgina ng makita ang sasakyan pero saglit lang iyon at bumalik na din sa dati ang expression niya. Tinawagan ko ang driver sa bahay para siya na ang maghasundo kay Xander. I really have to deal with this woman.

---------------

Kanina pa ako tahimik sa buong byahe. At kanina pa din nagmamaneho si Xavier, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero inihahanda ko na ang sarili ko para sa mga ibabato niyang tanong sa sakin.

Sapphire is a smart little girl. Hindi ako naglihim sa kanya lhat ng tungkol sa buong pagkatao niya ay sinabi ko. Ayaw kong lumaki sa kasinungalingan si Sapphire tulad ng nangyari sa akin. Lumaki ako na puro kasinungalingan ang nasa paligid ko. Ang mga kaibigan ko lang ang naging totoo sa akin dahil kahit na yung lalaking mahal na mahal ko ay nakuhang maglihim sa akin.

Pumasok kami sa isang village at pamilyar sa akin ang lugar na iyon kahit na malaki na ang pinagbago nito. And as I have expected. Tumigil kami sa harap ng dating bahay ko. My Apple Green House. Hindi ko alam pero siguro ay dala na din ng emosyon kaya may kumawalang luha sa mga mata ko. Mabilis ko naman iyong pinunasan. Pinabenta ko ito kay Zack noong unalis ako. Kaya malamang ay may iba ng nakatira dito.

Bumaba kami ni Xavier at nagdoor bell siya sa loob. Mahigpit pa din ang hawak niya sa mga kamay ko.

"Xavier. the house Isn't mine anymore."

Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko. Alam kong galit siya. Galit ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate. Isang medyo may edad ng babae ang sumalubong sa amin.

"Ay, Sr. Xavier magandang araw ho." Bati ng ginang.

"Umuwi ka muna manang Tere, bumalik ka nalang bukas."

Malamig pa sa yelong sabi niya. Nang makaalis ang matanda ay hinila nanaman niya ako papasok sa loob ng dati kong bahay. Ibig sabihin ay siya pala ang nakabili ng bahay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang walang pinagbago ang bahay ko noon. Puro apple green pa rin ang makikita mo. Naalala ko nung makita ko yung Apple Green Ferrari kanina. Siya na pala ang gumagamit nito ngayon. Hindi pa ako nakakahuma sa sinabi ko ay hinila niya ulit ako paakyat at papuntang kwarto.

Hinawakan niyang mahigpit ang braso ko. Nasasaktan ako sa sobrang higpit.

"Tell me, anak ko ba talaga si Sapphire ?" Demanding ang tono boses niya at nakasigaw na siya sa akin kaya napapapitlag ako.

"Magsalita ka Georgina" nag iwas ako ng tingin ng tawagin niya ako sa pangalan ko. "Putang ina ! Putang ina talaga ! Buntis ka nung umalis ka ? Hindi mo man lang ako hinintay Georgina.! Puta talaga !"

Sunod sunod ang pagbagsak ng luha ko. Maging si Xavier ay umiiyak na din. Wala sa plano ko ang makipag usap sa kanya tungkol kay Sapphire, pero huli na dahil nasabi na sa kanya ni Sapphire ang lahat.

"Pinuntahan kita Georgina" humina bahagya ang boses niya pero napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Iniwan lang kita saglit kay Zack para sabihin sa Ate mo na ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko." Tumigil siya ang huminga ng malalim saka ako pinakatitigan.

"Ikaw ang pinili ko pero ikaw ang lumayo. Binitawan mo ako dahil ayaw mong maging second choice lang. Georgina kahit kailan hindi ka naging second choice sa akin. Hindi ko mahal ang Ate mo. Ikaw at ikaw lang Georgina. Ikaw lang."

After that all I can feel is his lips who covered my whole being.

One thing is for sure, I still love Xavier Francisco Heluxus ..

********

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon