Binilisan ko ang pagmamaneho ng sasakyan ko. Iisa lang ang alam kong lugar na pupuntahan ni Xavier. Alam kong masama ang loob niya sa akin at hindi ko sinabi sa kanya ang lahat pero mas madali na ngayon ang lahat sa amin lalo pa't nasa panig ko ang Lolo Bartolome niya.*flashback.*
Nagulat ako ng lumapit sa akin ang isa sa mga maids ko.
"Maa'm may bisita po kayo."
Napakunot ang noo ko, kakaalis lang ni Jiro Magno sino nanaman ba ang bibisita sa akin ng ganitong oras.
Napatayo ako nh makita ang isang bulto ng matandang lalaki na inaalalayan ng bodyguards niya. And the old man is the one and only Don Bartolome Heluxus, Xavier's grand father.
What is he doing here ??
"What brought you here Don Bartolome.?" I politely asked. "Have a sit." Pinaupo ko siya sa may living room namin at iniwan ko ang alak na iniinom ko sa bar counter ko.
"Manang, a cup of coffee please." Tawag ko sa katulong ko para may maipainom ako sa bisita.
"I know that you've change your name but still you are the woman that Xavier always talking to me. Georgina right ?"
Tumango lang ako at inaantay ang susu nod na sasabihin ni Don Bartolome.
"I don't know if you already knew about it but Xander is not Xavier's son."
Nanlaki ang ulo ko alam din ni Don Bartolome ang tungkol doon ? Pero bakit niya hinayaang magpakasal pa si Xavier sa babaeng iyon ?
"Nalaman ko ito hija matapos ang kasal nila. Kaya hindi ko na nagawan ng paraan. Ang tanging nagawa ko lang ay ang hindi iregister ang kasal nila."
"So ibig sabihin. Sa batas hindi sila kasal ?" Hindi ko mapigilang tanong.
Tamango lang si Don Bartolome.
*end of flashback*
Pinarada ko sa harap ng Apple green house ang sasakyan ko at dali daling pumasok doon. Hindi nga ako nagkamali. Nandito si Xavier dahil nakita ko ang coat niya sa may couch sa living room. Hinanap ko siya sa buong bahay to found out na nasa likod siya ng bahay sa may pool area.
Nakaupo siya sa gilid ng swimming pool habang nakababad ang hubad niyang paa sa tubig. Tanggal ang unang dalawang botones ng long sleeve niya at nakasabit qng kanyang necktie sa kanyang balikat. He look frustrated habang may isang bote ng wine sa gilid niya.
Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Tinanggal ko ang high heels ko at inilublob ko din ang aking mga paa sa tubig.
"I-i'm sorry !."
Paninimula ko pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung paano ako magsisimulang magpaliwanag sa kanya.
"Parte din ba ng plano mo na paikutin ako.!"
Napalingon ako sa kanyang mukha at kalmado lang siya. Hindi ko alam pero naiiyak ako kasi nagui-guilty ako na hindi ko nasabi agad sa kanya ang nalaman ko.
"Maniwala ka't sa hindi. Hindi ko plinano ito. Maging ang lolo alam ang tungkol dito.."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
"Pati ba naman si Lolo.!"
"Xavier hindi niya sinasadya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sayo lalo pa't isa siya sa dahilan kung bakit napilitan kang magpakasal kay Gwen." Panininula kong magpaliwanag.
"Kahapon ko lang din nalaman ng lumapit sa akin si Jiro Magno para humingi ng tulong sa akin. Gusto niyang makuha si Xander." Huminga ako ng malalim "Naawa ako sa kanya dahil nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila ng isang ama sa anak. I'm sorry Xavier. I'm really sorry."
Inantay kong sagutin niya ako pero tumayo lang siya at naglakad palayo sa akin. Ang sakit pala sobrang sakit. Tumayo na din ako para sundan siya, kailangan ko ng lunukin ang pride ko para magkaayos kami pero lagtayo ko ay biglang nadulas ang isa kong paa dahilan para mahulog ako sa pool at ang masama pa hindi ako marunong lumangoy.
---------------
Hindi ko na kayang pakinggan pa ang mga sasabihin no Georgina. Naloko ako at nagpaloko ako. Buong buhay ko pinilit kong makisama sa kapatid niya dahil kay Xander at ayokong madisappoint sa akin si Lolo pero alam na din pala niya ang tungkol sa bagay na ito. Napahilamos ako ng mukha para at patuloy na naglakad papuntang kusina para kumuha ng ice cube sa reff. Mula dito ay natatanaw ko ang pool area at napakunot ang noo ko ng hindi ko na makita si Georgina sa pwesto niya kung saan iniwan ko siya kanina nandoin pa naman anv pares ng high heeks niya kaya nagtataka akong bumalik sa pool area.
At para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita ang bulto ng katawan ni Georgina na nakalutang sa tubig. Walang ano-anong nag dive ako sa tubig para kuhanin siya !. Dammit ! Hindi pala siya marunong lumangoy.
Tinapik ko ang kanyang kanang pisngi pra gisingin siya pero walang epekto kaya iminouth to mouth ko siya. Natatakot na ako dahil namumutla siya. Binuhat ko siya at isinakay sa kotse.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng tao dito sa hospital dahil basang basa ako. Kailangan kong mailigtas ang buhay ng mahal ko.
"Sr. Paki-fill up nalang po." Inabot sa akin ng isang nurse ang isang pirasong papel.
Kahit na wala ako sa sarili ay nakuha ko pang ifill up ang nasa papel na iyon. Malakas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba at hindi ko maiwaksi sa isip ko ang takot at pag aalala para sa kanya.
"Who's with the patient ?."
Tanong ng bagong labas na doctor. Itinaas ko ang kamay ko dahil feeling ko ay wala na akong lakas para makapag salita pa.
"She's pregnant Mister, at marami siyang nainom na tubig mula sa pagkalunod. Gagawin namin ang lahat para mailigtas ang mag ina mo."
Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mga mata. Dammit !! Bakit ko ba kasi siya iniwan sa pool area. At ngayon nanganganib ang buhay nila ng anak ko.
Sapphire's having a sibling ..
And she's surely happy to know about it.
Napasabunot ako ng buhok ko habang ipinagdadasal ko ang kaligtasan ni Georgina at ng aming munting angel.
********
BINABASA MO ANG
Loving You (COMPLETED)
RandomI only want to fvck her. But I ended falling inlove with her. I don't know if she was able to accept me after all what I did. I love you my baby .. I'm sorry .. -Xavier Francisco Heluxus