Chapter Twenty-three

27.8K 744 12
                                    


Inantay ko muna ang tutor ni Sapphire bago umalis ng bahay. Nag hire kasi ako ng tutor niya para makaintindi ng tagalog 'cause I'm planning to stay here for good. Araw araw kong chinecheck at minomonitor ang negosyo ko - Sapphire's Clothing Line - at alam kong hanggang ngayon ay ito pa rin ang nangunguna. At hindi magtatagal ay masasakop na ng Sapphire's ang A Clothing Line. Kaya tuloy tuloy pa rin ang pagbili ko ng shares na ibat ibang pangalan ang gamit ko. Ginagawa ko ito para mapabagsak si Ate. Para sa lahat ng pambabalewalang ginawa nila sa akin.

Nasa hallway na ako ng A Clothing Line at kasunod ko si Saloma at Arthur at iba pang bodyguards ko. May sarili ding bodyguard si Sapphire. Lahat ng mga nakakasalubong ko ay binabati ako ng good morning. Well maganda naman talaga ang morning ko ngayon. Nasa kalahati na ako ng paglalakad ng humarang sa akin si Ate Gwen. Tumaas ng bahagya ang kilay ko ng makita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Alam kong nandoon siya di kalayuan sa Apple Green House nung lumabas ako sa bahay na iyon kaninang umaga. Nakita ko ang Mercedes Benz niyang kulay puti na may shade ng itim. Hindi ko alam kung kagabi pa siya naka sunod sa amin pero isa lang ang sigurado ko iyon ay alam niya na magkasama kami ng asawa niya kagabi.

"What do you want ?"

Mataray na tanong ko sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nadako ang tinggin ko sa sapatos niya kaya napangisi ako. Gawang Sapphire's ang sapin niya sa paa. And that design is my own design.

"I said stay away from my HUSBAND."

Malakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin sa amin ang mga empleyado sa buong hallway. Alam kong gusto nanaman niya akong ipahiya sa harap ng marami ngunit hindi ako makakapayag na magmukha akong kahiyahiya tulad ng dati niyang ginagawa sa akin. Ngumisi lang ako at nilagpasan ko siya pero hiwakan niya ang braso ko para pigilan. Tinitigan ko siya ng masama at saka inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Napansin kong dumadami na ang audience namin.

"Bakit ka ba bumalik Georgina ? Para sirain ang pagmamahalan namin ng asawa ko." Bumuga ako ng hininga dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Pagmamahalan ?" Ulit ko sa sinabi niya "Let me remind you sister that you FORCED your husband to marry you ! How pathetic you are sister."

Nagulat ang lahat ng taong nakikinig sa amin, nagsimula na silang mag bulong bulongan at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ate Gwen dahil sa pamamahiyang ginawa ko sa kanya.

"How dare you" akmang sasampalin niya ako pero hinawakan ko agad ang braso niya.

"Stop acting that you don't know what's the real score between you and Xavier. Tandaan mo 'to uungkatin ko lahat ng baho mo hanggang sa mahihiya ka ng magpakita sa madla."

Binitawan ko ang kamay niya at nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Tss ! Pathetic ! Tumingin ako sa mga tao sa paligid.

"Tapos na ang palabas. Bumalik na kayo sa trabaho niyo." Si Arthur na ang nagsalita para sa akin. I flipped my hair before moving my feet out of this hallway. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang bulto ng katawan ni Kuya Anton. At alam kong galit siya sa nangyayari sa aming magkapatid.

Dumiretso ako sa office na inilaan para sa akin. Malaki din ito at punong puno ng pictures ng acchivements ng A, tss kung ikukumpara ito sa Sapphire's mas marami na rin kaming nakuhang acchivements sa loob ng maiksing panahon sa industriya.

Naupo ako sa desk at binasa ko ang files na ibinigay sa akin ni Saloma. And I grin knowing that I have now seventy four percent shares kung pagsasama-samahin ang lahat ng shares na nabili ko sa ibat-ibang pangalan. Napaka galing talaga ng plano ko. Pagnalaman nilang sa akin na lahat nakapangalan ang shares na ito mapapatalsik ko na sila Ate. And what makes my game more interesting is knowing that this company will be under of Sapphire's as soon as possible. Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na dinanas ko noon.

Nag angat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko. Tinanggal ko ang eye glasses ko at umupo ako ng maayos.

"What brought you here Mr. Valdez?"

Tanong ko kay Kuya Anton ng pumasok siya sa opisina ko. Oo may sama ako ng loob sa kanya dahil sa paglilihim na ginawa niya sa akin noon. Ginawa niya akong tanga na umaasang mamahalin nina mommy at daddy. Dire-diretso siyang lumakad hanggang sa makarating sa harap ng office table ko at nanatili siyang nakatayo sa harap ko.

"Anything I can do to you Mr. Valdez ?"

"What happen to my little princess Agatha ? What did you do to yourself ?"

Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang makipagtitigan kay Kuya Anton. Kahit na may galit ako sa kanya ay hindi ko pa din maitatanggi na sa kanya ako naging malapit noon.

"If you don't have important things to deal with me, you are free to leave my office."

I said casually. Nirerespeto ko pa din si Kuya Anton kahit na anong mangyari.

"Agatha stop bitching out ! Be the my little sister again." Napatayo ako at padabog na binagsak ang files na hawak ko.

"The point is I am no longer your little sister. I am not Agatha anymore ! I'm Lorraine Davids now, can you just accept the fact that Agatha is now a part of the past."

"Alam kong babalik ka pa din sa pagiging Georgina Agatha Valdez."

With that, umalis siya sa office ko ng hindi na pinakinggan ang susunod kong sasabihin. Sumakit ang ulo ko. Siguro ay kailangan ko munang puntahan si Zack after all hindi pa kami nagkikita magmula ng bumalik ako dito sa Pilipinas. Gusto kong makibalita sa mga nanyari sa iba pa. Ang huli kong balita ay tungkol lang kay Chris na nagtayo na ng modelling Agency dito sa bansa nung umalis ako. Kahit kay Tasha at Jaily wala pa akong balita kaya naman pupuntahan ko muna si Zack.

Isasama ko si Sapphire para makapaglaro sila ni Ayesha.

Paalis na ako sa opisina ko ng bumukas nanaman ang pinto ang opisina ko.

"Xavier, what are you doing here ?" I asked pero nakangiti pa din ako.

"I just miss you." He lean forward and kiss my lips. Ako naman ang unang bumitaw sa halik.

"Magwawala nanaman ang asawa mo pag nakita tayo."

"Nag file na ako ng devorce papers."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He what - ??

"Gusto kong itama na lahat ng pagkakamali ko baby. Ikaw ang mahal ko at magpapakasal tayo."

Ngumiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit. I really love Xavier.


*********

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon