Chapter Twenty-five

28.4K 762 8
                                    

Kagat kagat ko ang dulo ng tech pen ko habang nag iisip. Hindi pa din kayang mag sink in sa utak ko lahat ng sinabi sa akin ni Jiro Magno kahapon. Parang broadban na sobrang bagal at puro loading nalang ang nakikita. Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin kay Xavier ang nalaman ko tungkol sa anak niya, bigla ay naalala ko yung sinabi sa akin ni Zack kahapon. Kaya pala hindi niya nakitaan ng pagka-Heluxus ang bata iyon ay dahil hindi naman ito isang Heluxus. Sumasakit ang ulo ko. Hawak hawak ko ngayon ang pekeng DNA test na match si Xander at Xavier pati na din ang tunay na DNA test na match si Jiro Magno at si Xander. Nakaramdam ako sa bata ng awa dahil nabubuhay siya sa kasinungalingan parang ako noon. I sighed.

"Good morning maa'm, the board meeting will start two minutes from now." Saloma entered my office to inform me.

Oo nga pala. I almost forgot na nagpatawag pala ng board meeting ngayon ang A Clothing Line. I smirek ang makikita ko lang sa loob nh conference room na iyon ay puro mga nagtatrabaho sa Sapphire's na kunwaring nakabili ng shares pero sa akin na nakapangalan lahat. Iniisip ko kung paano ko susupalpalin si Gwen sa harap ng board members mamaya. I took out of my things. I started walking towards the conference room and when I reach it ako nalang ang hinihintay. I shift a glance of my step father that looking at me and to my surprise he's with Xander his grandson. And what is that boy doing here in a board meeting.

Umupo na ako sa takdang upuan para sa akin. I saw Xavier smiling at me so I smiled back. My eyes turn to my sister and she's smirking na para bang sinasabi niya na ang anak nila ni Xavier - kuno - ang susunod na mag mamana ng company na ito.

"Gentlemen, I would like you to meet my grandson, Xander Heluxus. The soon to be owner of A Clothing Line." Panimula ng step father ko. At lahat sila ay nagpalakpakan. So what ?? The boy is only six years old. Hindi ba't anong point at ipinapakilala na nila ito sa amin.

"That's our son"

My evil sister said habang ipinulupot niya ang kanyang braso sa braso ni Xavier. She still smirking at me so I glared. Lumapit sa akin si Saloma at bahagyang yumuko hanggang sa tumapat ang labi niya sa tenga ko.

"Maam Mr. Jiro Magno is outside he's looking for you." Bulong niya so I smirked. Lumingon ako kay Gwen na nakatingin pa din sa akin at parang ipinagmamalaki niya ang sinabi ng step dad ko.

"What is your grandson's surename sir ?"

I asked politely to my step dad Mr. Valdez, nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at napansin ko din ang tingin sa akin ni Xavier na tila ba nagtataka. Ako naman ay tumingin kay Gwen at saka nginisihan. Even si Kuya Anton ay nagtataka sa tanong ko. Tahimik lang ang lahat.

"Why are you asking ? Are you not aware that my HUSBAND is Xavier Heluxus and our son's surename is Heluxus." She said while smirking. Tignan ko lang kung makakangisi pa siya sa sasabihin ko.

"This topic is not related to our meeting so drop that." This time si Kuya Anton na ang nagsalita kay binalingan ko siya ng tingin.

"If this is not related to our topic, then why is that boy is here and your father introduce him to us." I said with a very light tone. Muli kong binalik ang tingin ko kay Gwen. Tapos ay pinakatitigan si Xavier. I'm sorry baby but I need to do this.

"Mr. Heluxus, how are you sure that he is your son." I can he on his eyes that he's mad of what I am doing, parang sinasabi ng mga mata niya na itigil ko na ang sinasabi ko dahil madadamay ang anak niya.

"What are you talking about Georgina. Gusto mo bang ipakita ko pa ang DNA test ng mag ama ko ?" Si Gwen ang sumagot na halatang naiirita na sa mga tinatanong ko.

"Ito ba ?" Itinaas ko ang hawak kong DNA test ni Xavier at Xander na mag ka-match. "Or ito ba ?" Itinaas ko din ang isa pang DNA test na nagsasabing match sina Jiro Magno at ang bata.

I heard a loud gasped into the conference room at nagbulong bulongan na ang mga tao ang even the secretaries na nasa loob ng kwartong ito. Tumayo si Xavier at padabog na ibinagsak ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. Tinapunan niya ako ng matatalim na tingin.

"Why are you doing this Georgina ? Pati ba naman anak ko." Bulyaw niya sa akin.

Tila nanlambot ako sa sinabi niya, halatang galit na galit siya sa akin. Pero hindi ko pinahalatang naapektuhan ako sa kanya at sinenyasan ko si Saloma na papasukin si Jiro Magno, napatayo si Gwen ng makita ang lalaki at nanlaki ang mga mata niya habang pinaka titigan ito.

"Guada, dalhin mo si Xander sa office ko ngayon na."

Sigaw niya doon sa babae siguro ay sekretarya niya at di magkanda ugagang kinuha ang bata kay Mr. Valdez .

"Who the hell is that man ?" Tiim bagang na tanong ni Mr. Valdez. Tumngin ako ka kay Jiro Magno at saka ngumiti.

"Mind introducing who the hell are you Mr.!," si Kuya Anton na ang nagsalita.

"Go ahead."

Tumayo si Jiro Magno sa harap naming lahat at inayos ng bahagya ang coat niya at saka tinitigan ng masama si Ate Gwen.

"Mas maganda siguro kung ang babaeng 'yan -" sabay turo kay Gwen "-ang magpakilala sa akin." Lumapit si Jiro Magno sa nanginginig ng si Gwen.

"Bakit hindi mo sabihin sa harap ng asawa mo kung sino ako sa buhay mo at sa buhay ng sinasabi mong anak niya ?" Bulyaw ni Jiro kay Gwen. Halata naman sa mukha ni Xavier ang pagtatanonh kung ano ba ang nangyayari.

"W-what are you talking about ? I- I don't know you. Henry call security."

Ang galing talagang magkaila ng magaling kong kapatid. Sinenyasan ko si Arthur para harangan niya ang initusan ni Gwen para tumawag ng security.

"Dammit ! Ano bang nangyayari ?"

"Ako ang tunay na ama ng itinuturing mong anak. Anak ko si Xander na itinago sa akin ni Gwen ng ilang taon. Hayop kang babae ka." Hinila niya ang buhok ni Gwen kaya agad namang lumapit si Kuya Anton para suntukin si Jiro Magno. Umiiyak na si Gwen habang si Xavier ay tahimik lang nakayukom ang palad nagpipigil ng galit.

Wala ng iniwang salita si Xavier at umalis na sa loob ng conference room. Susundan kita baby, mahintay ka lang.

"And one thing more I just want you to know that this comapany is now under The Sapphire's Clothing Line. I have the power to kick you out of here Ms. Gwen because I am now the new CEO of this company. Saloma,-" tawag ko sa secretary ko. "- hand them the papers."

With that lumabas na ako ng conference room pero bago ako tuluyang makalabas ay nakita ko si Mr. Valdez na natumba sa sahig.

Hindi ako nagsisisi sa mga ginawa ko. Dahik sila ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito.

Sila ang dahilan kung bakit naging kasing lamig ng yelo ang puso ko.

********

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon