The next morning ay mukha akong zombie sa itsura ko. Namamaga ang mata ko kakaiyak. Akala ko ay panaginip lang ang nangyari kagabi at pag gising ko ay wala na pero patunay ang mugto kong mata na nangyari nga ang mga pangyayari kagabi. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako matawagan ni Xavier. Galit ako sa kanya sa panlolokong ginawa niya sa akin. Take note may anak pa sila ng kapatid ko.Muli ay bumagsak nanaman ang mga luha ko ng maalalang may anak sila. Napahawak ako sa sinapupunan ko. Kumpirmado ako na may laman na nga ito dahil gumamit ako ng PT kanina. Kaya nga kahit na gusto kong magpakalango sa alak ay hindi ko magawa dahil iniisip ko ang kapakanan ng bata sa sinapupunan ko.
Nagbukas ako mg facebook account para malibang naman ako. Wala pa kasi akong plano kung ano ba ang gagawin ko. Sa ngayon gusto ko munang mapag isa.
Nagulat ako ng i-chat ako ni Ate Gwen.
Magkita tayo. Ortega Coffee Shop. 8am
Tumingi ako sa wall clock ko. Six thirty palang pala kaya naligo na ako. Hindi na ako nag abalang mag reply pa kay Ate Gwen dahil wala naman akong balak makipag kita sa kanya. Gusto ko lang mapag isa.
Pagkatapos ko maligo ay pinatuyo ko ang buhok ko sa hair dryer bago bumalik sa pag tulog.
Nagising ako sa sunod sunod na doorbell sa labas. Nakakonekta din kasi ito sa kwarto ko. Padabog akong bumaba para tignan kung sino ba yung nag dodoorbell. And as I have expected my sister is here.
"Anong kailangan mo ?" Walang ganang tanong ko.
"Oh, hello dear sister." Bineso beso ako. "Hindi mo man lang ba papapasukin ang Ate mo ?"
Napataas ang kilay ko.
"Stop playing with me, what are you doing here ? Nakuha mo na ang lahat sa akin ano pa bang kailangan mo ?"
"Huh ? Kinuha ko ? Really Agatha ? Let me remind you, na AKIN si Xavier, AKIN siya. Oh how we really miss each other last night. Best sex ever my dear sister." Pinipigilan ko ang luha ko sa mga sinasabi niya.
"Umalis ka na, wala akong panahon sayo." Akmang isasara ko ang gate ko ng pigilan niya ako.
"Wait, alam kong gugustuhin mong marinig ito Agatha." Tumigil siya saglit at kumunot ang noo ko. "Kung bakit hindi ka matanggap ni mommy at daddy."
"Umalis kana sabi."
"Alam mo bang anak ka ni mommy sa labas. And to the fact na ni-rape si mommy at ikaw ang naging bunga. Mas lalong hindi niya matanggap. Even si dad, binalak ka pa nilang ipalaglag. I pitty you Agatha." This time hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko.
"Hindi totoo 'yan. Umalis ka na."
"Bakit hindi mo tanungin si Anton ?? Kahit siya na itinuturing mong kakampi nakuhang magsinungaling sayo. Nakakaawa ka Agatha."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko si Ate Gwen.
"Pag di ka pa umalis tatawag na ko ng security."
Ngumisi lang siya sa akin.
"One thing more. Ikakasal na kami ni Xavier. Attend ka huh ?"
Tuluyan ko ng sinara ang gate ko dahil hindi na kinakaya ng sikmura ko ang mga naririnig ko. Parang anytime ay mag bebrake down ako.
And everything went black.
------------
Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang mga napag usapan namin ng Lolo ko. Pumayag siya sa gusto ng mga Valdez na pakasalan ko si Nette. Nagmakaawa ako kay Lolo na huwag pumayag pero sa huli ay nagalit pa siya sa akin at panindigan ko daw ang ginawa ko.
Gusto kong makita si Georgina dahil baka ano na ang ginawa sa kanya ni Antonette.
*flashback*
Hinatid ko si Antonette sa mansion ng mga Valdez para makauwi na. Gustuhin ko mang mag stay sa bahay ni Georgina ay hindi ko na nagawa dahil sa sanggol na dala-dala ni Nette.
Pumasok ako sa mansion ng mga Valdez at ipinakilala ni Nette bilang ama ng anak niya.
"Apo ka ni Don Bartolome Heluxus hindi ba ? Kailan niyo balak magpakasal ni Gwen ?"
Tanong ni Mr. Valdez, kasalukuyan kong kaharap ang mga magulang nila Georgina maging ang nakatatandang kapatid na lalaki nito. How I wish si Georgina ang kasama ko ngayon.
"Wala po kaming planong magpakasal."
"WHAT ??" Halos sabay sabay nilang tanong. Kinuwelyuhan pa ako ng anak na lalaki ni Mr. Valdez.
"Kuya Anton stop !" Pigil ni Nette sa kapatid niyang lalaki bago niya binalingan ang kanyang mga magulang. "Mommy, daddy kakausapin ko muna si Xavier. Excuse us."
Dinala niya ako papunta sa hardin nila.
"Ano bang ginagawa mo Xavier ?" Mariing tanong niya sa akin.
"Hindi kita mahal. Kaya hindi kita pakakasalan."
Tatalikod na sana ako paalis ng magsalita siya.
"Pag di mo ako pinakasalan. Papatayin ko si Agatha at ipapaampon ko ang anak natin."
Lumingon ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
"Mark my words, Xavier gagawin ko iyon." Dugtong pa niya.
*end of flashback*
Nang makarating ako sa bahay ni Georgina ay agad kong inakyat ang gate. And to my surprise si Georgina nakasalmpak sa sahig at walang malay. Agad ko siyang binuhat papasok ng bahay. Inakyat ko siya sa kwarto at inihiga sa kama. Kinakabahan ako. Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit. Binuksan ko ang laptop niya para ireplay ang CCTV camera bago mangayaring mawalan siya ng malay at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong ang huling kausap niya ay si Antonette.
Ang walang hiyang iyon. Pati si Georgina ay dinadamay. Tinignan ko muna si Georgina bago ko tinawagan si Jax para papuntahin si Zack dito sa bahay ni Georgina. Ilang saglit lang ay nakarating na ang mag asawa at kasama ang tatlong buwan nilang anak na si Ayesha. Bakas sa mukha ni Zack ang pagtataka pero wala akong balak na mag paliwnag. Bahala na si Jax na ikwento sa kanya ang lahat.
Dumiretso ako sa mansiom ng mga Valdez para puntahan ang babaeng puno't dulo ng lahat. Hindi ko na hahayaang masaktan pa ulit si Georgina ng dahil sa kanya.
Pinapasok naman ako ng guard nila dumiretso agad ako sa kwarto ni Antonette at naabutan ko siya doon na inilalapag ang bata sa kanyang crib.
Nilingon niya ako bago niya tuluyang ilapag yung bata. Nang maisiguro kong nailapag na niya ang bata ay saka ako lumapit hinawakan ko siya ng mahigpit sa wrist niya.
"Aray Xavier nasasaktan ako."
Nagpupumiglas siyang tanggalin ang hawak ko sa kanya.
"Anong ginawa mo ka Georgina." This tme sa magkabilang braso ko na siya hinawakan. Gigil na gigil ako sa kanya. Anong karapatan niyang idamay dito ang babaeng mahal ko.
"Bitawan mo ako nasasaktan ako. Ano ba." Nagising ang bata sa lakas ng sigawan namin ni Antonette.
*baby cries*
Binitawan ko si Nette para mabuhat niya ang bata.
"Uulitin ko pa yun hanggat di ka pumapayag sa gusto ko." Nilingon niya ulit ako. This time buhat buhat na niya ang baby. Bakit wala akong maramdaman sa tuwing nakikita ko ang batang buhat niya.
Tunalikod ako at hinawakan ang doorknob ng pinto niya.
"Hindi magbabago ang isip ko na si Georgina ang pinipili ko." Binuksan ko ang pinto at akmang lalabas na.
"Ang tanong, kung kaya ka pa niyang tanggapin matapos ang lahat ng nangyari."
Hindi ko na siya pinakinggan at tuluyan ng lumabas ng kanyang silid. Hindi man ako sigurado na matatanggap niya pa ako matapos niyang masaktan pero handa akong sumugal para sa kanya.
Alang alang sa pag ibig. Susugal ako.
********
BINABASA MO ANG
Loving You (COMPLETED)
RandomI only want to fvck her. But I ended falling inlove with her. I don't know if she was able to accept me after all what I did. I love you my baby .. I'm sorry .. -Xavier Francisco Heluxus