Chapter Five

31.9K 756 18
                                    

Naghahanda ako ng breakfast para sa sarili ko, I'm planning to have a made pero pinag iisipan ko pa tutal kaya ko naman ang mag isa, isa pa sanay na akong walang kasama sa bahay.

Kinuha ko ang dyaryong nakita ko sa harap ng gate ko kanina, araw araw ay ganito, laging may nag dedeliver ng dyaryo. Humigop muna ako ng hot chocolate na itinimpla ko bago ko buksan ang pahina ng Manila Bulletin. Pero bago ko pa magawa iyon ay napansin ko agad ang letrato ni Kuya sa unang page.

The Famous Gerald Anton Valdez is back.

Iyon pa ang naka-caption. Hindi ko na maitatanggi sikat na sikat talaga si Kuya lalo na sa larangan ng business. Siya na din kasi ang papalit kay daddy para ipagpatuloy ang family business namin ang AClothing Line, talagang malayo na ang narating ng Kuya ko. At masaya ako para sa kanya.

Binasa kong maigi ang nasa dyaryo at totoo ngang nakabalik na ng bansa si Kuya. Nakakatampo siya, hindi man lang niya ako ki-nontact.

Si Kuya Anton lang talaga ang kakampi ko sa bahay, ewan ko ba madalas kasing hindi ako pansinin ni Ate or should I say na hindi niya talaga ako pinapansin. My sister acted that I am not existing. Sa tuwing nakikita niya ako ay parang balewala lang. Hindi ko alam kung may galit ba siya sa akin o ano. But I'm still thankful dahil may Kuya Anton ako sa kanya ko naramdaman na may pamilya ako. And speaking of Kuya Anton, he's calling

Kuya Anton calling ...

"Kuyaaaaaaaaa" masigasig na sagot ko sa tawag ni Kuya Anton.

- Agatha ? Where the hell are you ? bakit wala ka sa apartment ko ? Nandito ako ngayon.

"Nandito ako sa bahay ko Kuya, nakabili na ako ng bahay Kuya. Pumunta ka dito. I-email ko yung address."

-okay I'll be there in a minute.

"Ingat Kuya, I love you"

-I love you too princess.

Binaba ko na ang telepono ko. Excited na kong makita si Kuya marami pa akong ikukwento sa kanya. Ipagluluto ko siya ng favorite niyang sinigang na hipon. Good thing at may hipon akong nabili kahapon. Alam kong namiss niya ang mga Pilipino dishes.

Gusto kong maging proud sa akin si Kuya dahil kahit papaano ay may naipundar na ako para sa sarili ko. Gusto kong maipag malaki ako kahit man lang ng isa sa mga kapamilya ko. Naawa ako sa sarili ko dahil feeling ko ay nanlilimos ako ng atensyon sa mga magulang ko. Hindi ako katulad ni Ate na pinanganak ng perpekto.

Maya maya ay narinig ko na ang door bell kaya dali-dali akong lumabas para salubungin ang Kuya ko. Super miss na miss ko na siya.

"Kuya Anton, namiss kita." Bungad ko sa kanya saka ko siya ginawaran ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you my litte princess, how are you ? Bahay mo na ba ito ? Ang ganda."

Tuloy-tuloy na sabi ni Kuya, bakas sa mukha niya na proud na proud siya para sa akin. Pinatuloy ko si Kuya sa loob ng bahay ko. Pinupuri niya ako sa mga nagawa ko na at naipundar ko ng walang tulong ng mga magulang ko.

"Kamusta ka na Agatha ? Ang laki ng pinagbago mo. At ang ganda ng bahay mo." Kuya used to call me Agatha. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain.

"Okay lang ako Kuya. Ikaw kamusta ka na ? Kamusta sa bahay ?"

"Do you miss mom and dad ? When will you comeback ? It's been a year Agatha."

Sa sinabi ni Kuya ay hindi ko maiwasang mapaluha. Galit man ako sa mga magulang ko but I can't deny the fact sila ang mga magulang ko.

"Hindi naman nila ako hinahanap Kuya, so I'd rather stay the way I live my life now." Malungkot na sabi ko.

"It's not what you think, mahal ka nila Agatha."

"Hindi Kuya, kasi kung mahal nila ako hindi ko mararamdaman yung nararamdaman ko ngayon." This time mejo nag taas na ako ng boses kaya tumayo si Kuya para yakapin ako.

"Shh.. tahan na princess .. alam mo bang nawawala ang Ate mo ?"

Nag angat ako ng tingin kay Kuya dahil hindi ako maka paniwala sa narinig ko. Nawawala pala si Ate. Siguro isa yun sa dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas si Kuya. Hindi na ako umimik sa sinabi ni Kuya Anton dahil wala naman akong gustong malaman tungkol sa paboritong anak nila mom at dad, although nag aalala ako.

Saglit pang namalagi si Kuya Anton sa bahay ko bago siya tuluyang umalis dahil may aasikasuhin pa daw siya. Babalik na lang daw siya sa susunod na araw.

Iniisip ko, ano kayang pumasok sa isip ni Ate at lumayas siya sa mansion. Lahat na nga ay nasa kanya so anong dahilan para iwanan niya sila mommy at daddy pati na rin ang pinakamamahal niyang company. Magmula pagkabata ay nakukuha na niya lahat ng gusto niya dahil mahal na mahal siya ng mga magulang namin. And I really envy my sister for that.

Walang ilang minuto magmula nung umalis si Kuya Anton ay may nag door bell nanaman. Siguro ay may nakalimutan si kuya.

To my surprise hindi si Kuya ang nasa likod nang aking gate. The woman behind my apple green gate is no other than Alexa Gemini Valdez my mother.

*slaaaaap*

Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang lakas ng pagdapo ng palad ng aking ina.

"Saan mo tinago Gwen ? Tell me Agatha saan mo tinago ang ate mo ?" Galit na galit si mommy. At ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Ate Gwen ?

Isang taon kaming hindi nagkita pero ito ang isasalubong niya sa akin. Sisihin niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa ? Ano bang tingin niya sa akin ? Isang basura na niluwal niya lang. I hate my mother.

"Hindi ko alam kung na saan siya. Kaya kung maaari umalis na kayo sa pamamahay ko Mrs. Valdez." Walang abog na sagot ko sa kanya. Tumulo nanaman ang mga luha ko pero mabilis ko iyong pinunasan.

"How dare you talk to me like that ! Nag sisisi talaga akong pinanganak pa kita ! You bitch !"

Akmang sasampalin niya ulit ako ngunit hinawakan ko ang mga kamay niya. Hindi ko gustong kalabanin ang mommy ko pero pinipilit niyang ilabas ang kademyohan ko.

"Pinag sisihan ko din PO na kayo ang naging ina ko."

Nanlaki ang mga mata ni mommy sa sinabi ko. It's killing me to see us like this. Ang gusto kong mangyari sa muli naming pagkikita ay yakapin niya ako at sabihing miss na miss niya ako, pero ano ? Heto ang nangyayari sa amin. Nagbabangayan kami.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo nilalabas ang unica hija ko."

Tumalikod na si mommy at sumakay sa BMW niya. Sinarado ko agad yung gate at hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Napaupo pa ako sa sahig dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Unica hija niya, napaka sakit. Ibig sabihin ay tuluyan na nila akong kinalimutan na kasapi ako sa pamilyang iyon. Ang sakit sakit parang tinusok ng maraming kutsilyo ang puso ko sa sobrang sakit ng narardaman ko.

Sumakay ako ng taxi at natagpuan ko ang sarili ko labas ng aking bar. I'm only wearing my spagetthi strap apple green sando and maong shorts pero wala akong pakialam dahil gusto ko lang lunurin ang sarili ko sa alak at kalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sa gabing ito gagawin lahat ng gusto ko.

***

Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon