Masakit ang ulo ko ng sumunod na umaga. Nag inuman kasi kami ni Chris after what happen last night. Iyak siya ng iyak sa akin dahil hindi na daw siya maganda dahil sa kagagawan ng boyfriend ko. Ako naman ay iyak din ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.Napabuntong hininga nalang ako at nag ayos na para pumunta ng bar. Doon nalang muna ako o kaya ay pupunta nalang ako sa coffee shop ni Jaily para makapag kape man lang. Wala akong gana ngayong araw. Mabigat pa din ang pakiramdam ko.
Bumaba ako ng hagdan at nilock ko muna yung pinto sa kusina bago tuluyang umalis. Nasa front door palang ako pero bakit parang kinakabahan ako at ang lakas ng tibok ng puso ko.
Inilapat ko ang aking kanang kamay sa doorknob at saka binuksan ito. Nanlamig ako ng makita ko si Xavier na nakahiga sa sahig at namumutla. Dito siya nag palipas ng magdamag ? Omygad. Binitawan ko ang loptop ko at pilit na binuhat siya. Mainit siya nilalagnat siya. Nasa living room palang kami pero di ko na kaya ang bigat niya. I swear sirang sira na ang poise ko. Buti nalang at dumating si Chris at tinulungan akong iakyat si Xavier sa kwarto ko.
"Your jowa is so mabigat Georgy, pero infairness mukhang yummy." Kinagat pa ni Chris ang ibabang labi niya at pasimpleng hinawakan ang abs ni Xavier na kasalukuyang pinupunasan ko.
Galit pa din ako kay Xavier sa inasal niya kagabi. Ano naman akala niya sa akin ? Tss. Kahit kailan hindi ko inisip na ganoon kababaw ang tiwala niya sa akin.
Nagluto ako ng soup para may kainin siya pag kagising niya. Si Chris naman ay nauna na sa coffee shop ni Jaily. Naroon na daw kasi ang iba.
Inantay ko munang bumaba amg lagnat ni Xavier bago ako umalis. Iniwan ko naman sa bed side table ko ang isang basong tubig at gamot. Masama pa din ang loob ko sa kanya kaya hindi ko siya kayang harapin pag gising niya.
Pumara ako ng taxi para makarating sa coffee shop nila Jaily, kailangan ko na talagang mag ka-kotse ang hirap maging commuters lang. Nakaupo na ang apat na dyosa sa favorite spot namin habang inip na inip na hinihintay ako.
Napangiti ako.
"What's up guys ?"
"Assusual Georgy is always late." Tasha made a face.
"Ano bey kayoo. Syiempre baka nag tsuk-tsak-tse-nis pa sila ng supah hot fafa boyfie nia. Supah type ko talaga itey kahit na sinapak niya ang beautiful face ko."
Natawa ako sa sinabi ni Chris at umupo ako sa tabi ni Zack na nakakunot ang noo sa akin. Ano nanaman kayang problema ng buntis na ito.
"Okay na kayo ng gunggong na 'yon ?" Kunot noong tanong sa akin ni Zack.
"Hindi pa"
"Buti naman." Napataas ang kilay ko. Seriously napaka wierd ng mga buntis. Paano kaya kapag ako naman ang nagbuntis ? I think di ko pa kaya.
Napag usapan lang namin yung magiging church wedding ni Zack. Inaya na daw kasi siya ni Jax na magpakasal ulit. This time sa simbahan na at sa harap na naming mga kaibigan niya at mga magulang niya. I'm so happy for them.
Ano na kayang ginagawa ni Xavier ngayon ? Nagpakawala nanaman ako ng mahabang buntong hininga. Hindi na maalis si Xavier sa isip ko at alam kong lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya.
"Okay ka lang Georgy ?" Nag angat ako ng tingin kay Jaily. She's smiling pero halata naman sa ngiti niya na may mali. Siguro ay nag away din sila ni Frits. Muli ay bumuntong hininga ako this time ay kasabay ko si Jaily.
Nag paalam muna ako sa kanila at pumunta sa rest room. Suddenly may nabangga akong babae. She's look like a Japanese girl because of her eyes and make up. But what makes me more curious is, she is teary eyed.
"Are you okay ?" I asked.
Nagulat ako ng yakapin niya ako at umiyak sa balikat ko. Ramdam ko na nasasaktan siya. Humihikbi siya na para bang batang inagawan ng lollipop.
"Anong problema ? Okay ka lang ba ?"
Dinala ko siya sa girl's rest room at inabot sa kanya ang tissue.
"I'm sorry miss, I just need a shoulder to cry on, sorry." Paghingi niya ng paumanhin habang pinipunasan niya ang luha niya at ang nagkalat niyang mascara.
"Anyway, thank you. I'm Valen Ortega."
Inabot ko naman ang inilahad niyang palad.
"Georgina. Georgina Agatha Valdez." I smiled.
Niyakap niya ulit ako bago siya umalis palabas ng CR. Napangiti ako. Hindi ko man siya kilala feeling ko ay malalim ang kalungkutan niya at kung ano man ang bagay na iyon gusto ay maging masaya siya.
-------------Nagising ako na nasa malambot na kama na ako. I look around. Walang duda na nasa bedroom na ako ni Georgina because of the apple green surrounding. Napangiti naman ako malamang ay inalagaan niya ako.
I expected Georgina beside me. My smile faded when I so nothing but a glass of water and medicine and a piece of paper.
- Take the medicine. I cooked soup at the kitchen. Micro it para uminit. I have important things to do -Georgy
Obviously, she's still mad. At hindi ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman ang nangyari. I sighed. How can I make her feel better. I really miss her. Halos isang buwan ako sa Palawan pero pagdating ko ako pa ang nagsimula ng away sa pagitan namin.
Tumayo ako at ininom ko ang gamot na inihanda ni Georgina. Hindi ako uupo nalang dito at hihintayin na walang mangyari. I want the both of us to be okay.
Kumain muna ako ng soup na ginawa niya bago ako umalis. I wanna make things right. This time gagawin ko ang lahat para maging okay na kami.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Siguro ay ganoon talaga siya ka-espesyal sa akin.
Pumunta ako sa sa Heluxus Car Collection para kunin doon ang Apple Green Ferrari na binalak bilhin ni Georgina noon. I will give it to her as a gift and a peace offering. I am willing to do everything for her.
I know na magugustuhan niya ang surprise ko for her.
******
BINABASA MO ANG
Loving You (COMPLETED)
RandomI only want to fvck her. But I ended falling inlove with her. I don't know if she was able to accept me after all what I did. I love you my baby .. I'm sorry .. -Xavier Francisco Heluxus