Lahat ng bagay sa mundo ay natatapos. Lahat ng sakit na nararamdaman mo ay mawawala. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan hihilom ang mga sugat sa puso mo. Hindi man naging ganoon kasaya ang buong pagsasama namain, nagkaroon man kami ng maraming problema bago kami humantong sa ganito ay masaya ako dahil siya at siya pa rin ang nakasama ko.Pitong buwan ang nakalipas ng manganib ang buhay ko at ng bata sa sinapupunan ko. Akala ko ay katapusan ko na at ng lovestory namin ng lalaking pinakamamahal ko pero heto kami ngayon at patuloy na lumalaban.
Naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap mula sa aking likuran habang tinatanaw ko ang kalangitan. Pumukit akon para damhin ang init ng kanyang yakap.
"Pasok kana baby, baka magkasipon pa kayo ni baby George."
Malambing niyang sabi sa akin. Yes, Xavier and I having a baby boy. At halos isang buwan nalang ang binibilang namin sa kanyang paglabas.
Tuwang tuwa si Sapphire noong malaman niyang magkakaroon na siya ng kapatid and she's really a caring sister for her soon to be little brother.
"Baby, hindi man ako ang pinaka perpektong lalaki sa mundo. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko gaya ng pinapangarap mo. Mahal kita walang duda at ikaw ang babaeng gusto kong makasama."
Huminto siya at pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"I love you, ikaw man si Lorraine Davids o si Georgina Agatha."
Unti unti siyang lumuhod sa harap ko at mula sa bulsa niya ay nilabas niya ang isang pulang kahita na naglalaman ng isang kumikinang na singsing. Hindi ko na mapigilan ang luha ko.
"Georgina, gusto kong magsimula ulit tayo." Huminga muna siya ng malalim. "Mahal kita at alam kong sapat na iyon para pakasalan kita. Hindi kita kayang mawala ulit sa buhay ko baby."
"Will you marry me ?."
"Nakakainis ka, ang tagal mo akong tanungin niyan. Hinintay mo pang lumobo ulit ako ng ganito bago mo ako tinanong. Pero mahal kita kaya oo na oo ang sagot ko."
He put the ring on my ring finger and claim my lips. He kiss me with so much love and happiness.
****
This is the beginning of my FOREVER.
LOVING HIM is the best thing happens to me.
********
Olah :) guys sorry kung maiksi ang story na ito or hindi ko kayo nasatisfy sa buong story. Sorry sa grammatical errors at iba pang errors hindi naman maiiwasang magkamali ee.
Anyway, thanks sa mga matyagang nagbasa sa simpleng story na ito kahit na medyo mature contents siya. Thanks sa support at sana sa susunod ulit :*
Lovelots ~
MY JAFF ❤❤
BINABASA MO ANG
Loving You (COMPLETED)
RandomI only want to fvck her. But I ended falling inlove with her. I don't know if she was able to accept me after all what I did. I love you my baby .. I'm sorry .. -Xavier Francisco Heluxus