Chapter 3: New Classmate

214 11 2
                                    

Crisha POV

Aiisssshhhh . . . . Bakit ba ayaw nilang maniwala na inlababo na talaga ako kay Vince porket ba madami akong CRUSH HINDI NA PWEDENG MAINLOVE ANG ISANG CUTE NA KAGAYA KO. Grabe nasaan ang hustisya dun tsaka hindi ko na kasalanan kung magaling siyang mang - HACK ng puso ng may puso. Ihhhhhhh kasi naman hindi naman siyang Lupang Hinirang bigla na lang akong napapatigil sabay hawak sa may parteng dibdib ko. Waaaaaahhhhhh . . . sure na talaga ako sa nararamdaman ko inlove na talaga ako sa kanya, nagprapraktis na nga rin ako ng pirma na gamit ang apelido niya hahahhahaha.

Pero maiba ako bakit ba ang ingay ng mga kaklase ko ayon sa naririnig ko may bago daw kaming classmate, tsk. wala akong pakialam doon basta ang mahalaga masaya ako sa aking buhay eh alam niyo na naman kung bakit diba alam niyo na inlababo nga siyempre nasa stage pa ako ng aking imagination aba ang sarap kayang mag - imagine try niyo kaya minsan. May sasabihin ako sa inyo alam niyo ba minsan ang tagal kong maligo alam niyo ba kung bakit simple lang kasi naman kailangan ko munang mag - imagine pantanggal lamig din yun. XDDD

Okay Class Keep Quiet, may bagong nga pala kayong classmate - Prof

Alam ko na naman yun, kaya wala na akong-------

O________________________________O - ako yan

Waaaaahhhhhhh . . .  paano nangyare magiging kaklase namin ang SUPER DUPER KONG CRUSH NA SI VINCE, grabe ito na ba ang tinatawag nilang DESTINY dahil kung oo aba'y napakaswerte ko naman atang bata. Hahahhahahhah pero nakakahiya talaga paano na lang kung matandaan niya ako na itinuro ko siya nung isang araw. Aisshhhhh bahala na nga kaso maganda na sana kaso pati pala si Chloe magiging classmate namin, hindi naman sa paranoid ako pero parang ang sama naman niyang makatingin bahala nga siya sa kanilang buhay basta ako happy happy lang kasi sa wakas classmate ko na siya.

Sige pwede na kayong magpakilala sa kanila - Prof

Jack Vince Sarosa 

Mark Lance Glinton ang supportive na kaibigan ni Vince.

Nick Xander Efron ito nga pala ang twin brother ko Mikael Efron.

Chloe Gonzaga ang Queen Bee ng campus, that's all.

Okay pwede na kayong umupo sa bakanteng silya sa likod - Prof

Omaygash i'm so lucky talaga okay lang kahit sa dalawang subject ko lang siya classmate atleast makakasama ko siya kahit papaano, bwahahhahahhahahhaa XDDD eh kayo ba naranasan niyo ng maging classmate ang crush niyo ang sarap sa feeling noh. XDD

Lance POV

Grabe hindi ko akalain na magiging classmate namin yung girl na tumuro kay Vince tinitingnan ko naman ang reaksyon niya kung tanda pa ba niyang yung girl na yun ehhhh mukhang wala na talagang pag - asa na ngumiti man lang siya kasi naman palagi na lang siyang naka - poker face kaya maraming natatakot sa kanya pero marami rin namang nagkakagusto sa kanya tsk . . . ang tinik niya talaga sa chicks. Mabuti ang makipagkilala na lang ako sa mga classmate ko you know kailangan mong maging friendly kahit papaano. XDD

Hi. Lance nga pala and you are - ako

Crisha Grantoza nga pala - siya

Ahhh . . . nice to meet you nga pala - ako

Nice to meet you din - siya

Crisha pala ang pangalan niya, infairness bagay sa kanya ang pangalan niya. Ooopsss bago ko makalimutan gusto niyo na bang ikwento ko sa inyo kung paano nagkaroon ng brokenhearted sige na nga dahil mabait ako sasabihin ko na sa inyo.

History of BrokenHearted

Ayon sa isang alamat may isang babae na nagngangalang Sheena na may taglay na kabaitan at talagang masasabi mo na isa siyang mapagmahal hanggang sa isang araw may nakilala siyang lalaki na nagngangalang Kent na sadyang nabihag ni Kent ang puso niya . . . at di nagtagal ay naging matalik silang magkaibigan ngunit habang tumatagal nararamdaman ni Sheena na iba na ang nararamdaman niya kay Kent yun tipo bang hindi na lang kaibigan ang tingin niya kay Kent.

Dumating ang araw na nagkalakas siya ng loob na magtapat kay Kent kaya lang mukhang huli na ang lahat kasi nalaman niyang may iba na pala itong minamahal kaya simula ng araw na yon doon niya naramdaman kung gaano kasakit ang masaktan ng isang taong inakala mo ay mahal ka rin yun pala AKALA MO LANG PALA . . . AT DITO NAGSIMULA ANG SALITANG BROKENHEARTED.

Woooohhhh . . . sa wakas natapos ko na din ang kwento ko sa inyo o ano wala na siguro akong atraso sa inyo kasi nalaman niyo kung saan nagsimula ang salitang Brokenhearted, paano ba yan dito na alam niyo naman kailangan ko pang makipagkilala sa iba pa naming classmate. So balik tayo sa kwento mukha naman palang mabait yung Crisha na yun at tsaka ang sarap niyang kausap ito namang si Vince akala mo palagi galit sa mundo hay naku kailan kaya siya ngingiti alam niyo naman guys daig pa niya palagi ang nalugi sa tinatayo niyang negosyo. Atin - atin lang itong sinabi ko tungkol kay Vince alam niyo baka mamaya mabigwasan niya ako ng isa eh ang sakit pa naman niyang sumuntok kaya nga hindi na ko magtataka kung maraming natatakot sa kanya.

Shanie POV

Yun naman tingnan mo nga naman naging classmate pa talaga namin yung CRUSH daw ni Crisha na si Vince, hay naku kaya naman pala hindi mapakali dahil sa walang paglagyan ang kilig niya at ang malupit pa nito at talagang nakipagkilala na agad siya doon sa kaibigan nung Vince niya nga naman talagang nagpapalakas na agad siya sa kaibigan . . . babaeng yun talaga hindi mo ba alam kong seryoso na talaga siya baka kasi mamaya magsawa na uli siya alam niyo naman ugali niya minsan hindi mo maintindihan kung may pag - asa pa ba siyang magseryoso. Alam niyo ba minsan na - depress siya ng sobra at alam niyo ba ang ginawa niya kumanta lang naman siya kasi nabasa niya daw yun sa Tom Sawyer Memes at ang malupit pa nito tamang - tama daw sa kanya ito lang naman ang kinanta niya . . .

Handa awit . . .

Leron leron sinta, puno ng paasa,

dala dalay puso, harutan ang una,

pagdating sa dulo, Umasa ang Tanga!

Kapos kapalaran, Humanap ng iba.

Diba ang gulo niya hindi ko akalain na may emo na side din naman pala siya, yan kasi yung panahon na nalaman daw niya na may girlfriend na pala daw yung Crush niya hanep diba tapos nalaman namin kinabukasan may bago na uli siyang Crush grabe ang gulo niya talaga. Bahala na nga siya sa buhay niya minsan kasi may pagkasira rin siya ng ulo paano ba naman basta na lang tatawa tapos kapag magkwekwento naman siya nauuna pa ang tawa diba siraulo. Hahahhahahhah

Pero maiba ako kanina ko pang napapansin na ang samang tumingin ng Vince kay Crisha ehh kasi naman simula nung nakipag - usap yung kaibigan niya sa kaibigan namin ang sama na niyang tumingin kaya nga tinanong ko si Crisha kung may nagawa ba siyang masama kay Vince wala naman daw . . . aisshhhh bahala na nga baka ganun lang talaga siyang tumingin baka kaya maraming natatakot sa kanya dahil sa way ng pagtitig niya.

Chloe POV

Tsk. 

Kahit kailan talaga ang landi nung Crisha na yun, ang lakas ng loob makipagkilala sa kaibigan ni Vince ang landi talaga dapat ako yun pasalamat talaga siya . . . at mabait ako ngayon dahil kung hindi baka kung ano na nagawa ko sa kanya. Btw I'm Chloe Gonzaga well ang sikat lang naman dito sa campus dahil sa taglay kong kagandahan kaya hindi na ko nagtataka kung maraming lalaki ang nagkakandarapa sa akin kasi inborn na sa akin ang pagiging maganda.

Kaya kung may balak kayong kalabanin ako wag na lang dahil baka mapahiya lang kayo kapag kinalaban niyo ako dahil kahit hindi pa nagsisimula ang laban alam kong talo na kayo . . . haist bakit ba ang tagal ng oras kanina pa kong naiinip dito nakakatamad naman silang kausapin you know hindi kasi ako basta - basta nakikipag - usap sa iba except sa mga kaibigan ko pero sad to say hindi ko sila classmate alam niyo ba kung bakit ayokong makipag - usap sa kanila simpleng ayoko sa kanila lalong - lalo na sa Crisha na yun ewan ko kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya wala naman siyang ginagawa sa akin ay meron pala tsaka ko na lang sasabihin sa inyo kapag nasa mood na akong mag - kwento. Bye Bitches XDD

____________________________________________________________________________________

AN: Finish with this chapter, hope you like guys sana ay patuloy niyong suportahan ang story kong ito XDD

Btw. Ipagdasal niyo sana na makaipon ako para sa fanmeeting ng Got7 hahahhahahah XDDD Sa mga fan diyan ng got7 kaway - kaway naman diyan XDD

Si Chloe nga pala yung nasa picture XDD

Read. Vote. Comment.


Legendary Love Turns Into HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon