Chapter 36: Changes

55 2 0
                                    

AN: Enjoy Reading Guys :)
____________________________________________________________________________________________________________

Lance POV

Oo aaminin ko hindi kami masyadong close ni Crisha pero hindi ko pa rin maiiwasan ang hindi malungkot kasi tila ba marami ng nagbago mula ng mawala siya halos dalawang buwan na din ang nakalipas mula ng ilibing siya at doon ko nakita kung paano nasaktan ng labis ang mga magulang niya pati na rin ang mga kaibigan niya.

Haist . . . Paano ko nasabi na tila maraming ng nagbago simple lang naman ang dating masayang classroom namin ay tila bihira na lang magkaroon ng ingay lalo na din ang mga kaibigan niya na kung dati walang tigil ang pagtawa ngayon ay tila isang pilit na ngiti na lamang.

Flashback

Yow. Mga dude at classmate may pick - up line ako sa inyo. Crisha

Ano yun. Kami

Alam mo para kang chicken. Crisha

Bakit. Kami

Kasi mahal na mahal kita. Crisha

Oh nasaan ang Chicken dun. Kami

Wait lang dipa tapos. Kahit Chicken - in mo pa sa puso ko booom. Hahahahhaha. Crisha

Hahahahahaha . . . Kami

End of Flashback

Tsk. Pag naaalala ko talaga yun hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa paano ba naman ang lakas ng trip niya. Biruin mo yun confident pa talaga siya pero mukhang isang masayang alaala na lamang iyon para sa amin.

Vince POV

Halos dalawang buwan na din ang lumipas magmula ng ilibing siya at masasabi ko lang ay daig ko pa ang mababaliw na kasi hindi ko alam kung bakit parang namimiss ko siya yun bang pagnagpapa - cute siya sa harapan ko. Arrrggghhhh ano na bang nangyayare sa akin ito na ba ang sinasabi nilang konsensiya dahil kung oo pwes nakokonsensiya na ako.

Alam kong kasalanan ko kung bakit siya namatay kung hindi ko lang sana siya pinagtabuyan at sinabihan ng mga masasakit na salita malamang siguro ito yung tinatawag nilang karma. Mukhang kinakarma na nga ata ako minsan kasi akala ko nakita ko siya pero namamalikmata lang pala ako.

Aaminin ko na isa pala akong napakalaking tanga kasi kung kailan huli na ang lahat tsaka ko lang narealize na hindi pala ako sanay na walang nangungulit sa akin yun tipo bang walang oras na hindi siya nakabuntot sa akin.

Arrgghhh . . . Bakit ba ang tanga - tanga ko bakit kung kailan huli na ang lahat tsaka ko lang narealize na nahulog na pala ako sa kanya na hindi ko pala totoong gusto si Shanie oo aamini ko crush ko pero wala eh isa akong napakalaking hangal para malaman na unti - unti ko na pala siyang minamahal.

Nakakatawa nga eh. Lulunukin ko rin pala ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya na kahit kailan hindi ko siya mamahalin pero wala eh. Muhkang tama nga sila na nasa huli nga ang pagsisisi. Kaya heto ako ngayon nasa puntod niya para humingi ng tawad.

H - Hi Crisha. Alam kong galit ka sa akin dahil sa nasaktan ko ang damdamin mo pero maniwala ka na nagsisisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko sayo. Sorry for being jerk to you. Sana mapatawad mo ako. Nakakatawa nga eh biruin mo yun nilunok ko lahat ng mga sinabi ko sa iyo na kahit kailan hindi kita magugustuhan pero nagkamali pala ako kasi aaminin ko MAHAL NA KITA. Pero wala eh huli ng marealize ko na mali na ipagtabuyan ko ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo. Paano ba yan hanggang dito na lang. ILOVEYOU AND GOODBYE MY NUMBER ONE FAN.

Umalis na ko sa puntod niya habang patuloy pa rin umaagos ang mga luha ko. Ngayon ko din nalaman na ang sakit palang mawalan ng minamahal ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman nina tito at tita ng mawala ang pinaka - iingatan nilang anak.

Mr. And Mrs. Grantoza POV

Halos dalawang buwan na mula ng ilibing ang anak namin. Kaya para mawala ang sakit na nadarama namin ay nagpasya kami na sa America na lamang manirahan. Para saan pa ang pamamalagi namin dito sa Pilipinas kung wala na din naman ang anak namin.

Oo aalis kami para makalimutan ang sakit pero hindi ibig sabihin nun ay kakalimutan na din namin ang anak namin na si Crisha. Kahit kailan hindi namin makakalimutan ang anak namin kahit na may pagka - baliw yun hindi ko maipagkakaila na mahal na mahal namin siya.

Kaya nga laking pasasalamat namin na may mga kaibigan siya na handang tumulong sa kanya pero wala eh ang daya ng anak namin biruin mo yun inunahan pa kaming mawala ang sakit lang kasi nang nangyare na kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyare.

Kaya nga ipagbibili na din namin itong mansyon kasi sa pag - alis namin ay kailanman ay hindi na kami babalik dito na marami ng masasakit na pangyayare ang naganap. Kaya nga nandito kami sa puntod niya kasi magpapaalam na kami dahil matagal na muli bago kami bumalik dito.

Baby Girl. Alam kong ayaw mong tinatawag kita ng baby pero para sa akin ikaw ang nag - iisang baby ko syempre pati na din si kuya. Baby paalam na kasi baka matagal na uling makabalik dito si mommy pero ito lang ang tatandaan mo baby. Mahal na mahal ka namin. Paalam baby ko hanggang sa muli.

Princess si daddy ito alam kong safe kana diyan kaya nga hindi na ko nangangamba pa na baka masaktan ka. Pero ito lang ang tatandaan mo mahal ka ni daddy. Sorry princess kung hindi ka nadalaw ni kuya. Pero nangako siya na pupuntahan ka niya dito. Paalam my princess lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin.

Paalam my baby, my princess. We love you.

~~~~~~~~~~~~~~

Korea 3pm

(AN: Kunyare korean ang language nila.)

Comeback here. Kiara Park.

Hehehehe. Ayaw ko nga tiyak naman na pipitikin mo na naman ang tenga ko ang sakit kaya nun.

Psshh. Promise hindi ko na gagawin yun diba nga may date pa tayo kaya halika kana dito ng makaalis na tayo at isa pa dipa may photoshoot pa tayong pupuntahan.

Aye aye captain. Hehehe

_____________________________________________________________________________________________________________________

AN: Finish with this chapter. Hope you like it guys :)

Read. Vote. Comment.

Thanks guys :)





Legendary Love Turns Into HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon