Chapter 37: 1 Year Later

64 2 0
                                    

AN: Enjoy Reading guys. :)
________________________________________________________________________________________________________________

Shanie POV

Isang taon na rin ang nakalipas mula ng mawala ang kaibigan namin at ngayon nga ay graduating na kami sayang nga lang at hindi na namin siya makakasama nangako pa namin kami na kapag nakatapos kaming lahat ay sama - sama kaming magbabaksyon pero wala eh ganyan talaga ang buhay kailangan lang nating tanggapin ang mga bagay na nangyare na.

Kung tinatanong niyo kung galit pa rin ako kay Vince pwes hindi na dahil matagal ko na siyang napatawad. Nakakatawa man isipin pero naging kaibigan na din namin sila. Hindi ko nga akalain na may pagka - isip bata pala siya minsan.

Sayang nga lang mas masaya sana kung nandito siya edi sana sobrang saya lalo. Kung nasaan ka man ngayon alam kong ligtas ka na dahil kapiling mo na siya. Kaya lang ang daya eh iniwan mo agad kami yan tuloy sana ngayon ay masaya na kayo ni Vince.

Hanga nga ako sa kanya paano ba naman mukhang walang balak manligaw ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi pa siya nakakahanap ng babaeng mamahalin niya. Maiintindihan naman siguro ni Crisha na mayroon ng ibang minamahal ang kanyang Vince.

Isa pa alam naman natin na kahit kailan hindi na siya babalik dahil patay na siya. Kamusta na kaya sina tita. Sana naman ay okay na sila. Oo aamini ko may konti pa rin na kirot dito sa puso ko kaya nga ang dapat na lang natin gawin ay tanggapin ang katotohanan. Hindi porket tinanggap natin ay kakalimutan na natin ang mga nangyare may mga bagay lang talaga na kahit masakit ay kailangan na nating tanggapin ang katotohanan.

Oh my God. Girl nabilataan mo na may bago daw transferee ngayon.

Waaaahhhh...... ang gwapo daw ng transferee.

Ano kayang pangalan niya. Sana wala siyang girlfriend.

Tsk. Wala pa rin silang pinagbago basta gwao talaga ang pinag - uusapan hindi sila papahuli. Naalala ko tuloy si Crisha siya kasi sa amin ang madami kakilalang pogi kitams iba talaga ang karisma ng babaeng yun.

Tsup.

Hi baby. Bakit ang lalim ata ng iniisip mo.

Wala to. Naalala ko lang si Crisha alam mo na siya kasi sa amin ang madaming kilalang pogi.

Pogi naman ako ah.

Aissshhh . . . Lance naman  puro ka kalokohan.

Yeah tama kayo ng basa kami na ni Lance. At malapit na kaming mag - 5 months. Halos lahat nga sa barkada ay may kani - kanila ng lovelife si Vince na nga lang ang wala. Ewan ko ba kung sino ang hinihintay niya imposible naman na si Crisha dahil alam naman natin na kahit kailan hindi na babalik ang taong namatay na.

Vince POV

Di ko alam pero ang init talaga ng bait ko dito sa bagong transferee na ito. Akala mo naman kung sinong gwapo eh daig pa niyang espasol sa sobrang puti tapos yung mata niya parang ginilitan lang ng blade sa sobrang singkit.

At kung minamalas ka nga naman talagang naging kaklase ko pa ang kumag na ito. Dahil nga sa transferee siya malamang magpapakilala siya sa lahat. Kahit hindi na siya magpakilala ay okay lang sa akin tutal sinasayang niya lang ang oras ko.

Btw. I'm Derick Tan.

Waaahhhhh.... omg. Ang pogi niya talaga.

Derick may girlfriend kana ba.

Yes. Actually engage na kami.

Aww. Ang sweet niya.

Tsk. Kung sino man ang sinasabi niyang girlfriend halata naman na walang taste yung babae. Sabagay kung parehas lang din naman silang walang taste tiyak na bagay talaga silang dalawa.

Pero ang init talaga ng dugo ko sa kanya. Ewan ko ba basta parang gusto ko siyang balian ng buto ngayon yun tipong hindi na siya makakalakad pa.

Tsk. Engage na pala sila bakit di pa sila nagpakasal at talagang sinabi pa niya sa buong klase na engage na siya. Kung hindi lang nawala si Crisha malamang kasal na kami ngayon baka nga may anak na rin kami. Mukhang hanggang pangarap na lang yun kasi wala na ang babaeng mahal ko at patuloy ko pa rin na minamahal kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka - lovelife.

Nakakatawa mang isipin pero mukhang tatanda na ata ako binata nito paano ba naman kasi hanggang ngayon siya pa rin talaga ang laman ng puso ko kahit sinasabi ng mga kaibigan ko na marami pa naman na babae diyan anong magagawa ko siya pa rin talaga ang laman ng puso ko.

Si Crisha pa rin ang laman ng puso kong ito.

Derick POV

Derick POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hi guys. By the way ako nga pala si Derick Tan actually sa Korea talaga ako nakatira pero dahil sa Fiance kong si Kiara kaya napagdesisyunan na namin na dito na tapusin ang pag - aaral dito kasi sa Pilipinas ang sunod niyang Photoshoot at mukhang matatagalan kami dito dahil sunod - sunod ang project na gagawin niya dito.

Kaya lang ako pa lang ang nandito sa Pilipinas alam niyo na medyo busy pa rin kasi siya kaya nga umuna na lang ako. Haissttt namimiss ko na tuloy ang babaeng yun daig niya pa kasi ang bata kapag nangungulit kaya nga nagpapasalamat ako dahil dumating siya sa buhay ko.

Hindi naman sa nagiging judgemental akong tao pero ramdam ko lang para bang may galit sa akin ang Vince na yun ni wala naman akong ginawang masama para magalit siya. Sa katotohanan nga lang ayoko naman talaga pumunta sa Pilipinas alam niyo na masaya na kasi ako sa buhay ko sa Korea pero para sa Fiance ko gagawin ko ang lahat para mapasaya lang siya.

Ewan ko ba sa babaeng yun kung bakit gustong - gusto pumunta dito sa Pilipinas alam niyo ba ang sagot niya kasi daw gusto niyang makatikim ng kwek - kwek ba yun. Nakita niya daw sa post ng friend niya sa FB at ayun ang bata nag - insist na pumunta kami dito at saktong may nag - offer sa kanya nung una pa nga ay ayaw niyang tanggapin pero kalaunan ay tinanggap na niya din. Ang isa pa rin kaya ayokong pumunta kaming Pilipinas kasi ayaw ko siyang mapahamak.

Unknown Calling . . . .

Hello. Who are you?

Chill lang. Nabalitaan ko lang na nandito kana pala.

What the heck. Sino kaba?

Hahahaha . . . kung ako sayo babantayan ko na siya.

Sino k---------

Tooot . . . Tooot . . . Tooot . . .


Aishhhh . . . ang kapal ng mukha niyang pagbabaan ako ng tawag. Kung sino man siya sisiguraduhin kong mali siya ng kinalaban niya.

____________________________________________________________________________________

AN: Finish with this chapter. Hope you like it.

Sorry for the other badwords and typos.

Read.

Vote.

Comment.

Kamsahamnida Chingu :)

Legendary Love Turns Into HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon