Chapter 35: Death

53 2 0
                                    

AN: Enjoy reading guys ^_^
____________________________________________________________________________________________________________

Rian POV

Wala naman talaga akong balak manuod ng tv dahil alam ko naman na puro balita lang ang mapapanuod ko. Pero sa hindi ko malamang dahilan para bang may nag - uudyok sa akin na manuod akong ng tv.

Sakto may pop corn pa naman akong kinakain halos hindi ko na nga maintindihan ang pinapanuod ko dahil sa busy ako sa aking kinakain na may kasama pang softdrinks para masarap ang kain.

After 1 hour

Flash Report

Isang eroplano ang sumabog halos lahat ng pasaherong sakay ay namatay kasama ng pagsabog.
Kasama sa mga namatay sina:

Policarpio batungbakal
Majinboo huang
Blah . Blah. Blah
At ang nagngangalang . . .
Crisha Grantoza

Lahat ng nabanggit na pangalan ay siyang mga nasawi sa insedenteng nangyare.

Muli ito ang balitang maaasahan.

Crisha Grantoza

Crisha Grantoza

Crisha Grantoza

Hanggang sa hindi ko namamalayan na unti - unti na palang pumapatal ang luha ko. Hindi ito maaari nangako siya na babalik sa amin.

Flashback

Dude. Bakit ka umiiyak sinong may gawa niyan sayo. Tara ano bubugbugin ko yan.

Hahahaha... ano kaba dude. Okay lang ako.

Sure ka dude.

Oo. Okay lang ako dude. Oo nga pala aalis muna ako sandali. Matagal - tagal din akong mawawala pero pangako babalik ako.

Pangako yan ha.

Pangako.

End of flashback

Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pagkikita kung alam ko lang sana na magyayare ito. Sana pinigilan ko na lang siya. Hanggang sa tumawag nga si tita na wala na nga daw talaga ang bestfriend namin at pinapapunta na kami sa kanila para masilayan ang malamig na bangkay ng pinakamamahal naming kaibigan.

Denise POV

Nang tumawag si tita at sinabing wala na si Crisha bigla ko na lang nabitawan ang basong hawak ko dahilan para mabasag ito. Pero hindi ko na nagawang pansinin yun at dali - daling pumunta sa kwarto para magbihis at pumunta kina tita.

Wala akong pakialam kung anong itsura ko ngayon basta ang mahalaga ay makita ko ang kaibigan ko na mali ang sinasabi nila na patay na ito. Pero nang makarating ako kina tita halos puno ng mga iyak ang maririnig mo nandito na din pala sina Rian at Shanie.

Wala kaming ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa sakit na nadarama namin. At ang masakit pa nito ay halos sunog ang katawam niya pero alam mo ang mas masakit yung makita mo na kaya pala nawawala yung ballpen kung ay nasa kanya tapos may nakasulat pang Ang ganda talaga nang ballpen ni Denise kulay pink akin na lang ito. Remembrance din ito. Hihihi

Pati din yung jersey ni Shanie at Picture ni Rian nasa kanya din. Hindi ko talaga mapigilan ang mapahagulhol ng iyak ng makita namin tatlo ang picture namin na magkakasama na may nakalagay na bestfriend forever.

Wala pa sana kaming balak umuwi pero pinauwi na rin kami ni tita dahil may pasok pa daw bukas paano pa kaya namin magagawang pumasok kung alam namin na wala na ang isa sa nagpapasaya sa araw ko. Wala na ang bruhilda kong bestfriend na bigla - bigla na lang humahagalpak ng tawa ng hindi mo malaman na dahilan.

Kaya ba napanaginipan ko siya kagabi na namamaalam sa akin kasi alam niyang oras na niya. Bakit ganun ang sakit at ang bigat tanggapin ng buong pangyayare parang isang araw lang ng magkakilala kami at naging matalik na magkaibigan tapos ngayon bigla na lang siyang mawawala sa amin. Ang lupit naman ng tandahan bakit siya pa.

Vince POV

Ruru oopps i mean Vince pala. Hehehe pasensiya kana kung nagpakita uli ako sayo diba sabi ayaw mo na akong makita. Wag kang mag - alala dahil nandito ako para magpaalama sayo dahil baka ito na yung huling pagkikita natin. Tandaan mo Vince My Super Duper Crush. Mahal kita kahit pinagtatabuyan mo ako. Paalam.

Sh*t buti na lang panaginip lang pala. Grabe pati ba naman sa panaginip hindi niya ako tinatantanan ganun na ba siya kadesperada. Tsk. Late na pala ako kailangan ko ng umalis.

~~~~~~
School

Kawawa naman si Crisha.

Ang naman niya pero bakit yun nangyare sa kanya.

Buti nga sa kanya.

Dahil si Crisha na naman ang pinag - uusapan nila ay hindi ko na pinansin magsasayang lang ako ng oras ko. Himala ang tahimik ata ng mga gago kong kaibigan.

Oh bakit ang tahimik niyo yata. Ako

Hindi mo ba alam pare. Lance

Ano bang pinagsasasabi nila naguguluhan na ako bakit ba ayaw pa niyang diretsuhin.

Ang alin ba pare. Sabihin mo na nga at wag mo na akong pinaghihintay pa. Ako

Si Crisha kasi-------

Kung tungkol lang sa kanya wag mo ng ituloy dahil wala akong balak pakinggang yang sinasabi mo.

Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla akong tumilapon dahil sinuntok pala ako ni Lance pero hindi pa ako nakakabawi sa pagkakasuntok ng bigla na lang may sumampal sa akin at ang kapal ha tatlo pa talaga silang nanampala. Akmang sisigawan ko sana kung sino ang sumampala sa akin ng makita ko na si Shanie at ang mga kaibigan pala niya.

Ano masaya kana ba ha. Masaya kana na wala ng Crisha ang mangungulit sayo. Ano masaya kana ba. Shanie

Oo. Masaya ako dahil wala ng bubuntot sa akin na parang aso. Ako

Tsk. Wag kang mag - alala dahil kahit kailan hindi kana niya kukulitin pa. Hinding - hindi kita mapapatawad. Tandaan mo yan. Shanie

Ang Crisha talagang yun kailan hindi na ako nilubayan tapos ngayon galit na sa akin si Shanie. Shit naman oh. Palagi na lang ako ang may kasalan.

Tsk. Oh ano namang tinitingin - tingin niyo diyan mga gunggong. At ikaw ha Lance ang sakit ng suntok mo ano bang problema mo. Ako

Ikaw pare ang problema ko. Mukhang hindi mo pa naiintindihan ang lahat. Wala na si Crisha. Patay na siya. Kung hindi dahil sayo hindi sana siya aalis. Masyado kang makasarili pare. Lance

Patay na siya.

Patay na siya.

Patay na siya.

Hanggang sa hindi ko namalayan na mag - isa na lang ako. Kaya ba siya namamaalam sa panaginip ko kasi patay na pala siya. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko may part sa akin na nakokosensiya ako may din naman na wag ko na lang pansinin ang nalaman ko at magpatuloy na lamang sa takbo ng buhay.

Naguguluhan na ko ang alam ko lang parang may isang parte sa dibdib ko na nasasaktan. Hanggang sa di ko napansin na may mainit na likido ang tumulo sa aking mata. F*ck ano bang nangyayare sa akin.

Wala ka nga pero patuloy mo rin akong ginugulo.

__________________________________________________________________________________________________________________________________

AN: Finish with this chapter. Hope you like it. Hindi ko talaga maiwasan ang hindi malungkot habang tinatype ko ang chapter na ito T.T

Sorry for the badwords and typos.

Thanks guys :)

Read. Vote. Comment.

Legendary Love Turns Into HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon