Once upon a time,noong unang panahon,ako nga pala si...tsk.tsk..ano bang magandang simula?Hala...taranta na po ako dito, hindi kasi ako magaling sa paintro intro kahit na gustong gusto kong gawin itong supppppper duuuuper special. Walang magagawa, ito lang nakayanan ko.
Papakilala na lamang ako sa inyo! Para masaya. Hi, my name is Andie Rose Millares. Andie for short. Andie na rin kung gusto nyo'y mas mahaba! Haha.diiiii jokies lang.
Di katangkatadan,di rin kaliitan,di kagandahan,di kapangitan...CUTE na lang para mas swak.Lakas lang ng self confidence ko no?
Labs ko ang photography,cinematography,animations,name it...kaya nga AB Multimedia Arts course ko. Pangarap kong sumali sa Cannes film festival,madami dami pa akong bigas na kakainin. Member ako ng dance troupe at chess club.
Nakakatawa pero...Certified TROUBLEMAKER nga pala ako...xD gulat ka no?
Saka nyo na alamin ang iba pang tungkol sa akin. REMEMBER MY NAME IS ANDIE.And this is my story.Teka..erase erase.erase! THIS IS OUR STORY! MY FAIRY TALE! :)))
Psssst! pakikiligin na kita agad! Isang sekreto agad ang aking isiswalat!
Kilala mo si Luke Avila? Siya lang naman yung poging cute na gwapo na matangkad,mukhang koreanong hindi naman koreano na crush na crush na crush na crush ko kahit baliktarin mo pa ang mundo. Kahit pa madami akong nababalitaan na suplado daw sya, ganyan ganun.
Kahit na artista sya...
Kahit na madaming nagkakandarapa sa kanya
Kahit na hindi nya ako mapapansin...
Wapakels ang Andie basta Luke for life ako :)
Pareparehas lang naman ang drama ng buhay nating mga single pag dating sa ganyan e...ano pa bang bago? Kaya nga ang motto ko... ang pag ibig ay parang isang sugal! Kailangan mong tumaya kung gusto mong manalo ^__^
Kaya para kay Papa Luke, susugal ako! may note nga lang sa tabi na HUWAG NA HUWAG MAG EEXPECT dahil every expectation kapag hindi na meet...mag eequate lang yan sa isang malaking DISAPPOINTMENT!
feeling ko ang talitalino ko dun sa sinabi ko ah!
May kakambal nga pala si Papa Luke...
pinagkaiba nila ay ang HAIRSTYLE
YUNG MAY MAHABA at MEDYO KULOT na buhok yun si LUKE
Kapag naman yung typical na hairstyle ng mga lalaki...yung maikli lang..yun mag inggat ka na..malamang lamang pa ay si SHANE na yun!
BUT...
kahit kakambal nya sya at para silang pinagbiak na bunga ng kung anuman...
AYAW na AYAW ko naman YUNG MAKABANGGA! At ang isang troublemaker na katulad ko...sa KANYA lang TUMITIKLOP..bakit?.kasi naman...
Resident Bad boy lang naman yang si Shane, ang dakilang BOSS sa university. Bully for life, leader ng tropa nyang ayaw nyang pangalanan. Cool na sana sya e kaso chickboy,arrogante,mapride,mayabang at nakaasar lang talaga. Sayang...crush ko na din sana KASO hindi naman sya si LUKE kahit pa kambal sila.
Speaking of Luke mih loooves. Eto sya ngayon,nagpo popose pose para sa cover ng isang teen magazine.Celebrity na e. Lucky me, dito sa gym ginanap ang photoshoot at mumamartial arts sya. Kya~ kyut kyut nya lang.
BINABASA MO ANG
My Fairy Tale Writer [ ongoing ]
Fiksi Remajawhat will happen if ms.troublemaker meets mr.badboy and mr.coldhearted? Fan na fan na fan/crush na crush na crush ni Andie ang teen celebrity na si Luke Avila na sa university nya nag aaral,kakambal ng teen hearthrob ang bully at badboy na si Shane...