Chapter 4B : The S VIRUS

839 29 28
                                        

"ATE ANDOY! Sampung taon ka na dyan sa banyo ah! Hoy! Inip na si Kuya Reggie!"

Asar ka Shane. Asar ka Shane! Umalis ka na sa utak ko! Umalis ka na sa buhay ko! Umalis ka na sa storya ko,parang awa mo na. Errr..kung kaya ko lang sanang idelete yang karakter mo nagawa ko na o kung kaya ko lang baguhin yung chapter na nasagi ko yung violin malamang matagal ko na yung napaltan. Naman oh! Bakit ba kasi nangyari yun?

Yung mukha ni Shane.

"Hindi Andie,mukha yun ni Luke!" ,para akong baliw dito sa harap ng salamin,kausap ang sarili.

Isipin mo na lang si Luke yun...si Luke...si Luke..si Luke

"ATE ANDOY!"

si Luke..si "SHANE!" 

"ATE ANDOY ano bang pinaggagagawa mo dyan sa banyo?"

Kanina ko pang gustong kalimutan ang mga nangyari pero bakit ayaw nung madelete sa mind memory ko,sana nga flash drive na lang utak ko tas yung file na yun DELETIN ko agad!

Kinuskos ko na ng sili..pinahidan ng harina,ng suka,calamansi...pati sabon iniliba ko na sa labi ko para lang mawala yang S VIRUS na yan! Kaso waepek, kahit pa halos matagtag na yung labi ko...mawala man  yung VIRUS... pero paano naman yung alaala sa utak ko?! PAANO KO YUN BUBURAHIN!

LALAGNATIN PA ATA AKO -____- 

Lalo pang kumulo ang dugo ko sa Shane na yun. Kung hindi nya ako binully e di sana di yun nangyari!

"Andie!"

"AY ANAK NG KAPATID NG LOLA AT LOLO mo!" ,ekspresyon ko yan pagnagugulat. Eto kasing si Reggie at si Craig,yung kapatid kong napakakulit, ang lakas lakas kung makakatok ng pinto para tuloy masisira.

"Bakit ba kasi?",sabay bukas ko ng pinto.

"Andielot kanina ka pa naming tinatawag,ano ba kasi yang ginagawa mo sa banyo?"

Andielot? Yun yung tawag nya sa akin dati ah nung mga panahong...ok, NEVERMIND

"Akala tuloy namin nakatulog ka na dyan. Ate Andoy alalang ala kaya sa yo si Kuya Reggie."

Tama ba nakikita ko,nagblublush si Reggie? NEVERMIND na nga lang ulit naghahallucinate lang ako -____-

"May problema ba Andielot?Simula kasi kaninang tanghali e parang nag iba na mga kinikilos mo."

"Masama lang pakiramdam ko." ,tapos biglang inilagay ni Reggie yung kanyang kamay sa aking leeg.

"Hala,bilot may sinat ka!"

"SINAT?"

WRONG TIMING! Bukas na ang festival. Baka naman nagkakamali lang si Reggie. Teka,matingnan nga...hala,medyo mainit nga ako. Paano na bukas?

"Craig ihingi mo naman ang ate mo sa Dade nyo ng  Bioflu. Ikaw naman bilot umalis ka na dyan sa banyo,kumain ka na dali. Tapos magpahinga ka na agad."

"Pards naman kung makautos ka ha daig mo pa ang Dade. Eh sinat lang naman..."

"Sinat lang daw, e saan ba punta nyan? Di ba sa lagnat. Paano pa kung tuluyan kang magkasakit? Magaling na yung maagap. Ikaw kasi kung anu-anong inaatupag mo. Pasaway,magulo,malikot at TROUBLEMAKER ka kasi! HALA sige wag kang makinig sa akin!"

Eto namang si Reggie kung makareact lang daig pa si Kuya Prince,buti na lang wala sya dito hihihi,busy sa OJT,kundi isa pang katakot takot na sermon ang aking aabutin. Lagot pa din mamaya sa Dade...

"Ok sir. Ikaw na ang boss. Eh bakit ba naman kasi masaydo mo akong inaalala kaya ko naman.."

"Concerned lang naman PO kasi ako. Kasi MAHAL...MAHALAGA ka sa akin,sa amin. BESTFRIENDS tayo di ba? tsaka BUKAS na ang festival baka kung ano pang mangyari sa'yo."

Yieee..sweet naman ng bestfriend ko. Makurot nga ang pisngi. Haha,grabe nakakagigil talaga tong lokong to. Naalala ko na naman yung dati,which means nakakalimutan ko na yung nangyari kanina...e teka,bakit naisip ko naman?!

"Dahil labs na labs kita beshieboi,magpapahinga na ako. Tsaka syempre HINDING HINDI AKO MAGPAPATALO dyan sa Shane na yan!"

Shane na naman?! >.<  Insert Luke's face here. Luke.Luke.Luke! Dapat si Luke iniisip ko! -____- Ang sama talaga ng araw ko ngayon, nagkalagnat na, may sugat pa...buti hindi yun alam ni Reggie baka kung ano na namang ireact nun. Syempre wala rin akong pinagkwentuhan nung kanina.

Ang sama na nga lasa ko kaya sinunod ko agad payo ni Bestfriend. BAHALA na BUKAS! 

At ang araw ng paghuhusga ay dumating na! Kabado na po ako here -____- ,medyo nananakit pa ang ulo ko at may konti pang sinat pero KAYA KO TO! SI ANDIE ROSE MILLARES ata to!

Bakit nga ba ako nagkalagnat?Nagpaulan ba ako kahapon?Umulan ba?Ah,dahil...dahil..tama!dahil hindi ako nakakain ng ayos.Di ba?Di ba?Yun yung nangyari kahapon..hindi dahil ni Sha...ah WALA! ERROR! ERROR! lalala...nakalimutan ko na yuuuun!

"Bilot,ok ka na?"

"Medyo...salamat sa'yo."

"Handa ka na ba mamaya? Checheer kita! Pag di mo kinaya sabihin mo lang sa akin,isusub kita."

"Loko,bawal ang sub. Ay..oo nga pala kelangan ko ng umuna sa'yo kelangan na ako sa booth. Enjoyin mo pards ang festival ha? "

"Paano ko naman kaya yun maiienjoy?"

"ALA basta! Mag enjoy ka na lang. Bayiiie."

Ayun...papunta na ako sa bungad ng aking kamatayan. Ang daang puno ng patalim sa bukas na kay dilim. Sige tutula na lang ako.

Wow ha! Grabe ang mga studyanteng to, event of the year ba yung sa amin? Bakit nagkalat na ang posters ko yung edited picture na mukhang alipin ni Shane? Sana alipin na lang ni Luke.

ALA si LUKE!

Umiinom sya sa drinking fountain. Ang gwapo nya...ang cool uminom. NGANGA ang Andie. Tulaleng na naman. Ano ka Shane?! Hinding hindi ka magiging gwapo sa paningin ko kahit kailan!

Lagot ang nagbigti...nakatingin na sya sa akin. Kawawa na naman yung puso ko,naghahabulan na sa bilis ng kabog. Nagplaplay sa utak ko ngayon yung nangyari sa mall...si Luke..si Luke...aissssh...yung nadulas..UMALIS KA SHANE sa utak ko! 

Kunware hindi galit sa akin si Luke. SMILE Andie.

"Di ba sabi ko sayo ayaw na kitang makita?" ,wow ha sinibat lang yung puso ko?

"Pwede ba yun e dito ako nag aaral?"

"Kitid ng utak..ang ibig kong sabihin,stay away from me!" 

Ang sakit naman nun...

"Wag mong aasahang tutulungan kita sa gulong pinasok mo. Sa una pa lang binalaan na kita.", aba Luke tama na ha,ang sakit na.

"Tsssh..Wag kang ngelip. Hindi ko yun ginawa para sayo!"

WAIT LUKE wag kang maniniwala sa bibig ko! ...please...Alam mo namang kahit ganyan ka labs na labs pa rin kita...

"E para kanino kung ganun?"

"Hindi lahat ng tanong dapat sinasagot."

"You just did."

Sorry naman!

"Uulitin ko ulit...STAY AWAY FROM ME." ,walang improvement ang mga mata nya tsaka yung boses nyang super cold...

Handa pa rin kitang tulungan Luke...here goes another sticky note. lagi kong dala yan,isang pad ang may sulat ng to do's para sa kanya...

Magsoundtrip ka naman ngayon.Try mo masaya.:)

kinapit ko ulit yan sa ulo nya sabay karipas ng takbo...pero hindi kasing bilis ng dati,ang sakit pa rin kasi nung sugat,tsaka medyo masama pa pakiramdam ko.

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon