Chapter 15 : To Elms Wood

612 15 5
                                    

chararan! happy 15 chapters!!!!! hehehe...comment kayo guys para mainspire ako.CHAROTS.hehehe....ayun..salamat po sa pagbabasa! i loooove you guys! :)

---------------------------------------------------

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? 

''Shane, dadalhin na kita sa ospital ha.''

Ipagpaalam ko ba naman? Syempre Andie, ospital dapat ang diretcho nyan. 

Paano to? Sige, nagbubuhat naman ako ng sako ng bigas kaya siguro kaya ko namang buhatin si Shane. I back ride ko na lang kaya?

''Wag...''

Nagsalita si Shane! Salamat naman akala ko natuluyan na sya. Phew.

''Wag...mo...wag mo akong...''

"Wag bubuhatin? Kakargahin? Ano?'', paranoid na po here.

''Sira!''

Aba't nakuha pa nyang magmura =____=

''Yeah..''

''Ospital.,,,wag.''

"Ahhh. wag kitang dadalhin sa ospital?''

Tapos naparoll yung eyes nya na para bang super obvious na yun nga yung nais nyang sabihin tapos ako super slow lang para magets yun. Tama nga yung mga bumugbog sa kanya, puro yabang lang ang isang to. PEACE!

''Teka! Bakit hindi kita dadalhin sa ospital ay sobrang injured ka?! Ano bang gusto mong mangyari matuluyan ka? HOY! TIGILAN MO NGA ako! Dadalhin kita sa ospital sa ayaw at sa gusto mo! Paano na lang kapag lumala kalagayan mo? Tsaka kung hindi kita sa ospital dadalhin, saan naman? Baka kung mapaano ka pa lalo!''

Pssh. sensya na rinatrat na kita. CONCERNED lang talaga ako sa'yo.

Pero ng mapaluha sya...

"Please...''

Lalong naantig ang puso ko. First time kung naawa kay Shane Hwang, the school badboy. I'll do anything to help him. I swear. We may have a rocky friendship whatsoever pero hindi yun magiging hadlang para tulungan ko sya. Kahit pa lagi nya akong binubully at pinapahiya, kahit pa ilang beses na nya akong sinaktan, pinagmukhang low life creature, wala akong pakealam, a friend in need is a friend indeed.

"Sige na nga. Pero saan kita dadalhin?'',malumanay na ang boses ko nung umimik ako.

''#343...Elms...wood."

"#343 Elms wood?'', I clarified.

Elms wood. Wow, doon ba sya tunay na nakatira? I was shocked kasi hindi sya sa school nagpadala, doon sa parang apartment nya AT dahil sa Elms sya nagpapahatid eh mayayaman ang nakatira doon! Mga sikat na tao! Pero bakit ba ako mashoshock e, mayaman nga pala si Shane. Anak nga ni Mr. Hwang eh, isa sa may ari ng school. Boplaks mo Andie.

I'm strong ,ya know?

Exaggeratingly strong! Is there such a word? Chika! Pero i'm strong talaga kasi yun ang pinaniniwalaan ko. Yun ba namang ipiggy back ride mo si Shane. Take note, lalaki yan, mabigat. At nakaya ko sya. Dahil na rin siguro sa urge na matulungan ko sya.

Awang awa talaga ako sa state nya.

''Miss, tulungan na kita dyan.''

Thank you Lord, may tumulong sa akin.

''Salamat po kuya.''

"Anong nangyari sa kanya. Idiretso na natin sya sa ospital. ''

''Long story po. Pero wag na lang po sa ospital. Ayaw po nya.''

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon