Chapter 12B : Andie and Reggie's confrontation

699 17 9
                                        

Andie's POV

Sa bahay nina Reggie.

8pm na halos at hinatid ako dito ni Tenze.

"Tita Helen, magandang gabi po!", masaya kong pagbati dala dala ang apple tart at lumpia.

"Oh Andie, anong ginagawa mo dito?Halika pasok ka.", may bahid ng pagkagulat si tita pero nababakas ko sa kanyang mga mukha ang sobrang kagalakan ng makita nya ako. 

"Makikikain lang po sana ako."

"Haha,ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago. Si Reggie ang pakay mo no?"

"Para po sa kanya sana tong mga pagkain. Nasaan po ba sya?"

"Naks naman, nag abala ka pa. Sige, Andie maupo ka muna dyan at tatawagin ko sya.",sabay inabot ko yung dala ko kay tita para maihanda na nya.

"Sakto ka lang, maghahapunan na din kami, saglit lang ha.",dagdag pa nya.

Pero bago pa matawag ni tita Helen si Reggie ay bigla itong lumabas sa kanyang kwarto gulat na gulat sya , kasabay nyang lumabas mula sa katabing kwarto si Ate Narissa na nakakatandang kapatid nya.

"ANDIE!", tatakbong sigaw ni ate habang pababawa sya ng hagdan mula sa kanyang kwarto.

Yinakap nya agad ako ng mahigpit na para bang limang libong taon kaming hindi nagkikitan pero sa tunay naman ay halos isang linggo pa lang naman ang nakakaraan nung huli akong dumalaw sa kanila. HAHA, nakakatawa talaga si Ate Nari.

"Sabi na nga ba, naamoy ko ang pagdating mo!" 

Bangis talaga ni ATE! HAHA

"Oh yan na pala Andie si Reggie, naamoy rin ata nya ang pagdating mo.", parang kinikilig si tita tapos nagdiretso na sya sa kusina para maghain.

"Anong ginagawa mo dito?"

Galit pa rin sya.

"Ang cold mo naman Reg, ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita? Uupakan kita dyan mamaya eh."

"Okay lang yun Ate Nari, ako na ang bahalang umupak dyan pwede po bang mahiram muna si Reggie ng konting oras, mag uusap lang kami sa labas. Masyado kasi syang nag iinarte eh."

Sinamaan ako ng tingin ni Reg, gantihan ko nga ng belat sabay kinaladkad ko sya palabas. Gulat na gulat si ate Nari pero sanay na naman sya sa mga gawain kong ganun kaya ngumiti na lang sya ,"Sige Andie, ikaw na ang bahala dyan sa maarteng yan, kung kelangan mo ng tulong which I doubt kasi kayang kaya mo na yan, andito lang ako sa kusina. "

Hinila ko si Reggie hanngang makalabas na kami ng bahay nila. Naisipan kong daanin na lang ang usapang to sa pagstrostroll sa village nila para na rin hindi marinig nina tita at ate ang usapan.

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon