Chapter 18A : Say hello to BABY SHANE ^__^

624 14 6
                                    

sabe sa inyo e..magpapaulan ako ng UD

Enjoy po! :)

sayang sulatin ng chapter na to/hihihi...

KYUT NI SHANE!

----------------------------------------------------------------

Agad akong naligo at pinagbihis ni gran habang inaasikaso nya si Shane.

Dali dali akong pumunta sa kwarto niya pagkatapos na pagkatapos ko sa aking mga ginagawa.

Tyak na mapapatay ako ni Pa dahil hanggang ngayon hindi pa ako umuuwi. Ang alam pa nun ay nasa bahay ako nina Reggie. Reggie...tsk, tyak na kasama pa rin nun hanggang ngayon si Italia. Nevermind, masaya ako kung masaya ang bespren ko. Hindi yun labas sa ilong no!

Bahala na mamaya pag uwi ko. Mapagalitan na kung mapapagalitan, aasikasuhin ko muna si Shane.

''Kamusta po si Shane?'', agad kong tanong kay gran.

Nangamusta pa ako e kitang kita ko namang nanginginig na sa lamig si Shane, halata namang hindi sya ok.

''Lalong tumataas ang lagnat nya.'',pag aalalang sagot ni gran.

Umupo ako sa may gilid ng kama. Kinuha ko ang mainit na twalya saka pinunasan ang mukha ni Shane.

''Iha, kahiya hiya man pero pwede bang ikaw na muna ang mag bantay sa kanya. Bibili lang ako ng gamot sa bayan.''

''Sige po gran. Ako na po bahala sa kanya.''

''Salamat,iha.'',at nginitian nya ako.

Walang sinayang na oras si gran. Agad nyang tinawagan yung kapitbahay nyang kaibigan na si Kuya Filo para maihatid sya sa botika. 

Ako naman, busy sa pag aalaga kay Shane.

Bakas pa rin sa kanyang katawan ang mga galos mula sa pakikipag away nya. Lalo sigurong tumindi ang sakit nya dahil sa pagtakbo kanina at pagpapaulan. "Ang tigas kasi ng ulo", bulong ko.

''Sinong matigas ang ulo?''

Tsk. Pakinig pala nya.

''Lahat tayo,duh. Bungo ang ulo natin kaya matigas yun.'', pang aasar ko. Baka sakaling mapapatawa ko sya.

Ngoyks. =____=

Hindi ka talaga bagay na komedyante Andie! Tingnan mo hitsura ni Shane mukhang nairita pa sa sinabi ko.

''Umuwi ka na,hinahanap ka na sa inyo.'', tapos bigla syang tumalikod sa akin at nagkulubong ng kumot.

What the? Anong drama to Shane? 

Parang bata lang ah.

''Sa tingin mo iiwanan kita ng ganyan ang lagay mo?'', giit ko.

Aba,aba,asa kang umalis akong ganyan ang hitsura mo. NEVAH!

"Hoy lalake---"

-___________-

*arrrrrgh*

BINATO AKO NI SHANE NG UNAN, THAT'S WHAT HAPPEND.

Masama pa nito BINELATAN pa nya ako. =__=

"Umuwi ka na,mapapagalitan ka na sa inyo.''

''Hep,hep,hep---''

At ayun na naman ang batang si Shane, nagkulubong na naman ng kumot.

Ang kulit din ng isang to ah. Daig pa ang bata. Di lang bata baka BABY! HAHA

Napaumis na lang ako. Ang kyut ng childish na side ni Shane. ^_____^

''O sige bahala ka dyan. Wag ka lang dadaing na may masakit sa'yo pag umalis ako.''

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon