Chapter 5A : Overnight sa school part 1

772 31 6
                                    

sensya na po sa late update,medyo busy pa sa summer class but dont yah worry pipz..hanggang naext week na lang pasok ko.hohoho.makakaud na rin ng madalas.:) nga pala,bukas ang sunod na ud..tapos sa linggo pa.oh di ba...sana magustuhan nyo. ^_____^

wag lang mahihiyang magcomment...:) ,pagagandahin ko pa pramis :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hey stupid girl,tayo na dyan. May iuutos ako sa'yo."

Tsk...e ang sakit sakit na ng paa ko.

"Saglit lang HO. Pwede wag atat?"

Kakapanalo lang may inuutos agad. Wow,planado!

"Ang bagal ah." , asar na sabi ni Shane. Oo,asar na sya ! e pasensyahan na lang...wala kang magagawa masakit talaga paa ko.

Pero bigla na lang syang lumapit ,hinawakan ang braso ko at iniayos ako sa pagkakatayo,gentleman na sana kasi tinulungan nya akong tumayo pero HINDI

yun ba namang kaladkarin ka ng walang pasabe, gentleman ba yun? -_____-

"Aray naman! Pwede dahan dahan? Masakit yung paa ko!"

"Nananadya ka na ha. Di mo ako mauuto."

Eh sa masakit nga yung paa ko e!

TSK.tinging tingin na naman tong mga walang magawa sa buhay na mga estudyanteng to. Sina Terrence tawa lang ng tawa sa tabi.

Yung totoo?hobby kaya nila ang tumawa?

o.O sasakyan to ng mga kabarkada nyang may sayad,ah. Bakit nya ako dito dinala?

Hala...masama ang kutob ko 

"Oh ayan. Balita ko,ikaw daw ang salarin sa pagkakaflat ng gulong nyan so fair lang na ikaw din ang magaayos."

Seryoso ka?

"Ako?"

"Hindi...hindi,baka ako!Pwede rin yung guard. Stupid ka talaga."

Maglaho ka na sana SHANE.

"Eh hindi ako marunong,paano yan? Bakit ba kasi hindi nyo na lang ipagawa?Tutal mayayaman naman kayo."

"Alam mo kung paano sirain syempre dapat alam mo din kung paano gawin."

Anong klaseng logic naman yan? 

"Mukha ba akong mekaniko?"

"Slave kita baka nakakalimutan mo,kaya kahit anong iutos ko dapat mong gawin. Hawak ko ngayon ang buhay mo. Tandaan mo yan."

Hawak ang buhay ko? Bakit ang pait ng katotohanan?

"Isang maling ibo mo lang kaya kitang ipahabol sa tigre.",dagdag pa ni Antagonist.

"Ipahabol lang sa tigre? Kung yun lang din naman ang kaya mo mas maganda eh ipakain mo na lang ako sa kanila." ,sabay ngiti ko sa kanya,yung nakakaasar ha.

Sige nga Shane gawin mo nga! May zoo pala kayo eh.

"Tama na ang daldal,gawin mo na yan!Madame pa akong iuutos sa'yo."

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon