Chapter 9A : Worst day na naging BEST DAY!

726 26 12
                                    

napaaga ang update ko kasi

1. Masaya ako ngayon :D

2. 9am pa pasok ko bukas

3. EXCITED NA AKO SA CHAPTER NA TO! :")

ENJOY! POWER VOTE AT POWER COMMENT TAYO GUYS! :D 

*******************************************************************

Ang lambot...

Ang lamig o.O

Pero pamilyar to ah..teka...ang huli kong natatandaan eh nagcollapse na naman ako, HOBBY ko na ata ang pagcocollapse ngayon.

Napakagandang gawain, karapatdapat akong iclap clap.

Ay naalala ko na! Yung ANGHEL! Naging abnormal na naman yung puso ko parang may sampung kabayong nagrarace sa dibdib ko tapos biglang nagsikip! Ano yun nagkastampede ang mga kabayo? May clue na kasi ako kung sino yung anghel kaya dali dali akong bumangon para sabihin sa sarili kong mali ako.

At noon ko narealize na nakakainis pala minsan pag tama ako. -______-

"Luke?", dismayado kong tanong. Medyo galit pa kasi ako sa kanya dahil nga nung nangyari nung isang araw. 

Bakit ba paborito akong kaaway ng mga tao sa mundo? Una si Shane, si Luke tapos kanina si Terrence. Yung totoo nakakaasar ba pagmumukha ko?

"Gising ka na pala." ,cold na naman yung imik nya. Ano pa bang bago? Lagi namang nasa Alaska ang pagkatao ng isang to. Pero wag kang mag alala crush ko pa rin yan kasi di porke't tampururot ako dyan e mawawala agad yung feelings ko para sa kanya. Ah basta ayaw ko pa lang sya makita ngayon. 

Kung gising na daw ba ako? Ay hindi koya, tulog pa...nagslesleep talk nga ako ngayon eh.

"Saan mo ako dadalhin?"

Bingi na naman ang peg, hindi na nagbago.

"HUY PASAAN BA TAYO? PWEDE BANG PAKIBABA NA AKO DYAN SA KANTO."

Aba aba, nagyelo na ata ang bibig ni Luke dahil sa sobrang kacoldan ng personality nya.

"KELANGAN MO BA NG HEARING AID O BAKA GUSTO MONG MAGSINDI AKO NG POSPORO DITO AT--" 

Tiningnan nya ako ng masama, nakaktakot kaya hinampas ko na lang balikat nya.

"Ano bang problema mo?", tanong ni Luke with the you-know-what tune.

"Ibaba mo na lang kasi ako please."

"Paano kung ayaw ko."

"E di tatalon ako dito."

"Kaya mo?"

"OO NAMAN!!!"

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon