Chapter 20A : Ang SAVIOR na si Terrence

557 10 2
                                    

Happy 5k sa atin FRIENDS! Hihi..nakausod usod tayo kahit papaano. Salamat pa rin po sa mga sumusuporta ng storya nina Andie,Luke at Shane. Hehe.. Wag kayong mag alala, tatapusin ko to.HAHA...Pero bago mangyari yun,madami pang dapat silang pagdaanan..SALAMAT PO ULIT!.

Feel free to comment and vote! :)

Imik Imik lang ang gustong magpadedicate :D

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LUKE'S POV

I felt relieved na nadalaw ko rin kanina si Shane.

Hindi ko man sya nalapitan, nakausap o nakita atleast sa kahit munting paraan ay naipabatid ko sa kanya ang aking pagmamahal. Sa totoo lang, gustong gusto ko na syang muling makakwentuhan. Ang tagal tagal na panahon na rin nung huli kaming nagkita na wala pang bahid ng galit sa kanyang mga mukha.

Ilang beses man syang magalit sa akin, ilang beses man nya akong itakwil bilang kapatid, hinding hindi yun magiging dahilan para kalimutan ko sya. 

Sya pa rin ang nag iisang Shane na kakambal ko. Ang tanging bumubuo sa aking pagkatao. Walang nagbago o magbabago dun.

Sana magustuhan nya ang mga munting regalo ko.

Nung mga bata pa kami, paboritong paborito nya ang laruang tren. Ang haba haba daw kasi nun, parang walang katapusan. Sa ampunan lang kami nun nakatira kaya hiram lang ang mga laruan. Tanda ko pa nung ipinangako ko sa kanya, balang araw, dalwa kaming sasakay sa tren sabay maglalakbay patungo sa mga lugar naming gustong puntahan.

Hanggang ngayon, handa ko pa ring tupadin ang pangarap na yan.

Paborito rin nya ang helicopter o mga eroplanong laruan. Minsan nga, nangarap si Shane na maging isang piloto. Gusto daw kasi nyang magpalipadlipad sa kalawakan. 

Sa totoo lang, marami talagang pangarap si Shane. Nakakatuwa nga sya, malawak ang imahinasyon at masayahin talaga.

Ako naman simple lang ang pangarap. Noon nga sinabi ko sa sarili ko, masaya na ako, kuntento sa buhay at pwede na akong mamatay pag nakita kong masaya na si Shane. Makitang natupad na ang mga pangarap nya at nakita ang babaeng magpapasaya sa kanya.

Babaeng magpapasaya...

Si Garnet na kaya yun?

Hindi ko alam ang tungkol sa kanila ni Garnet pero sa nabalitaan ko kay Gran, mukhang gustong gusto sya ni Shane at sobrang pinagkakatiwalaan. Sana lang hindi sya masaktan sa kanya.

Si Andie.

Si Andie? Bakit naman pumasok sa isip ko ang babaeng yun?

Biglang may umusbong na mumunting ngiti sa gilid ng aking mga labi. Bakit?

Hindi ko alam. Natutuwa lang siguro ako sa storya nila ni Shane. Aso't pusa sa una pero ngayon mukhang naging mahalaga na rin si Shane kay Andie.

Gaano ba kasi ako katagal nawala?

Ganun na ba kadami ang nangyari sa pagitan nilang dalawa?

Yung picture sa E.K, ano kayang ibig sabihin nun?

Tsk. Bakit ko na naman ba yan iniisip.

Siguro gusto ko lang na ako ang inaasar at kinukulit ni Andie. Tama ba?

Psssh. Aaminin ko, nagulat ako nung nabalitaang tinutulungan sya ni Shane at mas nagulat ako kanina nung napatunayan kong totoo ang sinabi ni Gran.

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon