Napaaga po ang pag uupdate ko..hihihi..eksoited lang kasi ako para sa chapter 3 :)
Sana po ay magustuhan nyo :)
Si ANDIE po oh ------>
Oo,parang virus na kumalat ang pagkakasali ko sa festival particularly sa Master and I booth. Daig pa nga nito ang kasalang Prince William at Kate o kaya ay ang nasa labas si mikay na balita...mas pinag uusapan pa ako kaysa sa kanila! Instant celeb no? Dahil dyan,hindi ako ganung binubully ni Shane kasi loko sya!
Sigurado daw ang kontrabidang to na makakatikim daw ako ng sinasabi nyang hell sa takdang panahon at iyun ay sa festival.
Nakakatawa! Lalo na nung nabalitaan kong nagpupusthan na yung ibang studyante. Para saan? Kung MAGIGING SLAVE BA DAW AKO NI SHANE O HINDI!
Syempre marami ang tatayang matatalo ako,hah,TINGNAN na lang natin...alam kong nasa akin ang huling halakhak. Itra-train nga daw ako ni Kuya Prince at Regie para mapaghandaan ang mga hamon sa booth. Hindi pa nga rin pala nila alam ang tunay na storya sa likod ng mga cookies ni Luke...sa likod ng pagiging Troublemaker thief ko.(yan nga pala bagong bansag sa akin ng mga tao dito sa skul...syempre si ANTAGONIST ang may pakana...),ang katotohanan sa tunay na ugali ni Luke. WALA AKONG BALAK SABIHIN SA KANILA. Ayaw kong sasama din tingin nila kay Luke.AYAW KO!
Sabado ngayon,magtratrain daw kami mamaya nina kuya Prince,para sa festival.Sunod nun e tatambay kami sa bahay(gawain namin to),paborito naming pwesto ay sa bubong.Pero mamaya pa naman yun,maaga akong nagising para magpadala ng sulat kay Lola sa bukid...
Oo,tama ang naririnig mo,SULAT nga.Uso pa sya hanggang ngayon though kokonti na lang ang gumagawa. Kasi hindi abot ng kuryente ang bayan ng aking mga lola,bukid na bukid.Sa sunod pa sa sunod na baryo ka pwedeng makigamit ng telepono..kaya yun tiis tiis sa sulat.
Pagkapadala,naisipan kong dumaan muna sa mall para uminom ng milktea at magtingin ng bagong libro.
Habang naglalakad...Sa harap ng isang apartment...
..biglang bumilis ang tibok ng puso ko.May naaninag ako.
Anino ni LUKE! Aish,damit pa lang alam kong sya na yun. Aba..aba..ang gwapo pa rin talaga nya kahit nakashades at cap.Artista e ayaw mahalata ng mga tao,syempre disguise nya yun para di kuyugin pero kahit ano pang maskara yang isuot nya,makikilala at makikilala ko pa rin sya! Yung eksena namin sa skul,nadelete na yun lahat sa utak ko. Nagrestart na ulit..basta PARA SA KANYA.
Nagulat ako nung may sumigaw na babae.
"Luke,comeback here!",nasa thirty plus na sya...hala,manager nya to ah.
"You can't quit on me at a time like this!"
"WELL I JUST DID",mahinahon pero may diing sabi ni Luke.
Ano kayang ibig sabihin nito?Magququit si Luke? Saan? Teka...Shooting ba to?Nagprapraktis kaya? Pero napatingin ako sa manager...dito na ako lalong kinabahan sabay tago sa likod ng pader malapit sa apartment,walang bahid ng pag arte ang kanyang mukha.

BINABASA MO ANG
My Fairy Tale Writer [ ongoing ]
Jugendliteraturwhat will happen if ms.troublemaker meets mr.badboy and mr.coldhearted? Fan na fan na fan/crush na crush na crush ni Andie ang teen celebrity na si Luke Avila na sa university nya nag aaral,kakambal ng teen hearthrob ang bully at badboy na si Shane...