Chapter 18 : Ang pangalang ibinubulong nya...

616 14 12
                                        

last update na muna po for the week.hehe...

ipangangampanya ko pa po kasi ang iba kong story..ayun..salamuch sa pagbabasa  <3

----------------------------------------------------------

"Dito ka na muna magtanghalian,iha. Ipagluluto kita.''

''Kahiya hiya man po pero mahirap namang tanggihan ang grasya kaya oo na lang po ako. Balak ko din naman pong magtagal pa para mabantayan si Shane. Susulitin ko na ang pag alis ko sa amin.'' 

Natawa naman sa akin si gran.

''Anong paborito mong ulam, Andie?''

''Adobo po!''

''Sige,lutuin natin yan.''

''Talaga po!'', with matching sparkling eyes yan.

ADOBO!!! mih peyborit. Tsalap tsalap. Tapos sabi pa ni gran ay lutuin natin. NATIN, ibig sabihin kaming dalawa. YEHEY! Matututo na akong mag luto ng abodo!!! Maiipagluto ko na si Shane! Lalalalala

''Nakakatuwa ka talagang bata ka.'', sabay kurot sa aking pisngi.

Ang baiiiiit bait talaga ni gran. 

Napapsarap na ata ang tira ko dito ah.

TIRA talaga? HAHA. Patay na talaga ako ke papa nyan.

Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit ako matatakot, di ba? Hihihi.

Lalala. Luto luto lang kami ni gran sa loob ng mahigit na 50 minutes. Madami pa yung naitawa namin sa naigawa. Chos. Ang gulo ko lang kasi, ang kulit ko pang magluto. Pero atleast ngayon MARUNONG na ako! May maiipagmamalaki na din. HAHAHA

''Aba nga naman, ang sarap ng adobo mo iha.''

''Gran naman, tayo kayang dalawa ang nagluto nyan kaya syempre masarap!''

Tapos pinisil na naman ni Gran ang pisngi ko.

Saya saya ko tuloy.

Sana nanay ko na lang si gran...

Namimiss ko tuloy si mama...

Erase, erase, erase. Wala eh, pinagpalit nya na si papa sa iba kaya dapat wag ko na yung alalahanin.

Kaya din siguro ako nawiwili ng pagtigil dito....dahil ni gran. Ang sarap nya kasing kasama...kahit kaunting oras ko pa lang syang nakikilala.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at bigla na lang inakap si gran.

''Anong problema,Andie?''

''Wala naman po gran. Ang sarap lang po sigurong magkaroon ng ina o kaya lola.''

Sa pagkakataon namang iyon, sya naman ang umakap sa akin ng mas mahigpit.

Ang swerte ni Shane dahil mahal na mahal sya ni gran.

Hindi man sya kadugo nito pero daig pa nya ang isang tunay na ina kung magmahal.

Sabe ko nga sa'yo Shane, meron at merong nagmamahal sa'yo.

Nagkulitan muna kami ni gran sa baba. Kwentu-kwentuhan pagkatapos nun ay pinuntahan ko na ulit si Shane sa kwarto nya.

TSK. Lamig na lamig na naman sya.

Dinalhan ko sya ng mainit na tubig.

Pinunasan ko ang buo nyang katawan.

Linagyan ng gamot ang kanyang mga sugat.

Tsaka...

pinaltan ang kanyang damit.

Ginawa ko talaga yun?

Dahan dahan ko syang iniupo habang unconscious pa sya baka kasi biglang magising to magpakachildish na naman, lagot ako pagnagkataon.-_____-

Okay, tagtagin ang t-shirt.

Naks, maabs pala ang bully na to.

>////<

Sira ka Andie! Wag mong tunawin ang katawan nyan! Makulong ka pa! HAHA...

Paano na yung pajama?

Nakaboxer naman to siguro no kaya wala naman akong makikitang kakaiba di ba?

DI BA?

Hihihi...

pasensya na po...kung paranoid ^___^V

Ayan na...dahan dahang palit ng pajama.

ASJGFSFKHWIEYHO! NGAYON KO LANG TO GAGAWIN ITAGA NYO YAN SA BATO!

Virgin pa kasi ang mga mata ko. CHOS! Sari sari ka ANDIE! FOCUS na lang akala mo naman kung anong gagawin mo, BIBIHISAN MO LANG NAMAN SI SHANE AH!

YAN NA...YAN NA!...Haysss....buti na lang nakaboxer nga!...

Pero infairness, ang hirap magbihis sa tulog. -______-

Keri 

naman.

AND SUCCESS!

AFTER 6335694590 YEARS napaltan ko din ang damit nya! HOORAY FOR ME! 

Pwede na akong DOMESTIC HELPER! CHAROTERS! HAHAHA

Nasa baba nga pala si gran ant pinagluluto sya ng paborito nyang bulalo kaya no choice kundi ako ang magpalit ng damit nya.

Pagkatapos nun, inayos ko naman ang kumot nya. At ang pwesto ng paghiga nya.

Grabe parang anghel si Shane.

Ang kyut kyut....MAS PARANG CHERUBIN pala sya.

Sarap lang titigin. >///////<

ANG WILD MO ANDIE!

Asar ka na!

Hihihi.

Pinagmamasdan ko syang maigi.

Teka may pangalan syang ibinubulong...

''Ga..gar..Garnet...''

Paulit ulit nyang sinabi ang pangalang yun.

Napangiti ako. Pilit na ngiti? Wag ganyan Andie!

Hanggang ngayon talaga,mahal na mahal pa rin nya si Garnet.

Inayos ko na lang ulit ang kumot nya.

Wala nga sigurong makakapalit kay Garnet sa puso nya. Magkaganun man masaya ako at nakatagpo sya ng taong mamahalin. Sana lang hindi sya masaktan. Andito pa rin ako para sa'yo Shane kahit ibang tao man ang hinahanap mo.

Kahit hindi ako ang kailangan mo...

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon