Chapter 16 : Shared past...HIS SECRET

594 17 7
                                        

ito po ang rebelasyon sa pagkatao ni Shane at Luke....

SALAMAT PO SA LAHAT ng nagbabasa nito! INCLUDING silent readers ^____^

salamat po talaga..

sana magustuhan nyo to!

comment lang ang nais mag pa dedicate ^____^

------------------------------------------------------------------------------------

9:17 na ng umaga ng akoy magising. Andito pa rin nga pala ako kina Shane.

Agad akong bumaba sa kusina pagkatapos kong maghilamos para kamustahin si Gran. 

"Kain ka muna iha.'', bati nya sa akin nang akoy makita nya.

Kaluluto lang ata ni Gran ng almusal, alam kaya nyang alas nuebe ako magigising? chos.

Andaming pagkain sa lamesa, hotdog, bacon, itlog, tinapay, fried rice,tocino,ham at hot choco. Siguro'y para lahat ito kay Shane.

''Madami sadya akong inihandang pagkain, ngangayon na rin lang kasi ako nagkaroon ng kasama dito kaya wag kang mahihiya ha.''

''Pag po pagkain ang usapan, hinding hindi po talaga ako nahihiya!'', kapal ko lang no para makikain pa dito. Uy, masama kayang tanggihan ang grasya kaya kain lang ng kain sayang pati pag walang kumain at maraming natira mas nakakahiya naman kay Gran pag ganun, naghanda sya tapos di ko papansin. Where's your manners Andie kapag hindi mo yan kinain? Tsaka natatanaw ko ang peyborit kong bacon, egg at fried rice. Heavy ang agahan ko nyan! 

Natawa sa akin si Gran, "Nakakatuwa ka naman.'', sabi nya.

Kain lang ako ng kain.

''Kamusta po pala si Shane?''

''Salamat nga pala iha sa pagdala mo dito kay Shane.''

''Walang anuman po.''

''Ano bang nangyari sa kanya kagabi bakit sya sugatan?''

''Di ko nga rin po alam,gran. Naabutan ko lang po na binubugbog sya ng dalawang lalaki sa 11th Avenue.''

Napabuntong hininga si Gran Chiyo.

''May problema si Shane...'' pause.. ''May sakit sya sa pag iisip.''

Parang may kumurot sa puso ko at bigla itong nagbara.

Napaluha ng wala sa oras si gran.

Napalunok na lang ako.

''Pa--paano po nangyari yun?''

''Si Shane...at si Luke...'', pagsisimulang kwento ni gran.

"Si Luke po?''

''May tiwala ako sa'yo Andie kahit hindi pa kita ganung kakilala.''   

''Kambal si Shane at Luke.''

''Sa katunayan po nyan. Hindi ko sinasadyang malaman ang tungkol dyan. Napulot ko po kasi nun yung picture nila nung bata pa sila.''

''Lumaki sa ampunan si Shane at Luke. Hinabilin sila doon ng kanilang tunay na ina upang itago sa kanyang mga magulang. Pero nangako naman si mam Lacey na babalikan nya yung dalawa. Sabi nina sister Saturnina sobra daw mahal nung kambal ang isa't isa. Tagapagtanggol ni Shane si Luke at talaga naman daw hindi sila naghihiwalay.''

Mahal na mahal nila ang isa't isa? Ano kayang nangyari.

Ramdam ko ang bigat na dinadala ni gran. Kailangan rin siguro nya ng mapapagsabihan nito dahil alam kong awang awa na sya kay Shane at dahil may mga bagay talagang kailangan mong sabihin sa iba para hindi ito sumabog sa puso mo.

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon