kamusta naman po kayo minamahal kong readers.hehe...salamat sa pagbabasa nyo
sino gusto dedeication? comment langs po.haha
comment at vote din po kayo pag may time.hahaha..echos :)
HAPPY READING!
-----------------------------------------------------------------
"Sino sya?'',bungad na tanong sa amin ni Jonice. Maganda nga sya pero navibes ko medyo hindi kagandahan ang ugali ng isang to.
Bagay sila ni Shane.Ahihi.Kasi magkahawig ugali nila.Yun lang yun.Baka kasi mapatay ako ni Shane kapag nalaman nyang shiniship ko ang JonicexShane loveteam. Yun lang talaga ang dahilan.Period! Tsaka SOLID kaya ako sa Garnet and Shane tandem kaya nga ako pumayag na tulungan si master di ba? Para to kay Garnet, hindi para sa kanya! Eh, bakit ba naman kasi nag away yung dalawa. Ssh.Andie tama na ang pagiging chismosa.
"She's my alalay.I want her to tag along with us.''
Medyo,inirapan ako ni girl. Taray ng beauty nya, halata namang ayaw sa akin. Wag syang mag alala, hindi ako eepal.
"But why?Hindi ba sya makakasagabal.''
''No.Kung ayaw mo syang isama then wag na lang natin tong ituloy.''
Aw.How sweet master.Charot.
"Fine",nagdadabog na sagot ni Jonice.
Magiging interesting to.Sure ako dun.
"Let's go shopping first.'',aya ni Jonice. Tapos hinila nya si Shane. Ang saya ni girl ah. Dali dali sila na para bang hindi ako kasama. Syempre yun naman talaga ang gusto ni Jonice eh, ang maitsapwera ako. Fine.Okay lang basta ba wala syang gagawing masama sa akin.
Pero tumigil si Shane.Bakit?
"Let's walk slowly.''
Tapos humarap sya sa akin,''Hey you! Bilisan mo.''
Sure master. May pangalan ako, hindi kung maka-you ka naman!
Shopping galore lang si Jonice. Ganito pala mamili ang mayayaman, pili lang ng pili. Ako, wala, tagabitbit. From one store to another, mula sa damit hanggang sa shoes. Andun lang ako, padami ng padami ang bitbit. Nananadya si girl ah!
Keri ko lang yan. Ipakikita ko sa kanyang hindi ako affected tsaka strong ata tong si Andie!
Patingin, tingin na lang sa akin si Shane. Ganyan ba talaga syang makipagdate sa babae. Ang boring ha.
Ang dami ngang nagsisipaglapitan sa amin. Akala nila si Shane si Luke. Syempre magkamukha kasi kambal. Pero secret nga lang yun, di ba? Pinagkalat ko na lang na kalokalike sila. Na-very good pa ako ni master. O ha? Ang galing ko talaga.
"Let's go here.'',si master naman ang nagyaya kay Jonice.
Pareho kaming nagtaka. Sa isang jewelry store kami pumasok. Sa KARAT WORLD! Ano naman kayang gagawin namin dito?
Biglang tumingin sa akin si Shane. Walang pasabi ay hinila nya ako.
"Choose.''
"Choose?''
''Marunong ka bang umintindi?''
''Oo naman! Anong tingin mo sa akin,bobo? Hoy, alam ko namang ang choose ay pumili. Pero bakit?''
Napalingon ako bigla kay Jonice. Takang taka sya.
"Oh, ako pa papipiliin mo eh kasama mo na naman si Jonice ah. Bakit hindi na lang sya tanungin mo.'',bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Fairy Tale Writer [ ongoing ]
Jugendliteraturwhat will happen if ms.troublemaker meets mr.badboy and mr.coldhearted? Fan na fan na fan/crush na crush na crush ni Andie ang teen celebrity na si Luke Avila na sa university nya nag aaral,kakambal ng teen hearthrob ang bully at badboy na si Shane...