Chapter 21 : Magulong tadhana

502 10 0
                                        

sorry po kung nalate ang UD.di bale, mabilis kong ipopost ang Chapter 22 :)

ENJOY PO! <3

LOVE YOU ALL!

ANDIE'S POV

Masasabi mo bang irresponsable akong studyante kung malalaman mong pinagpalit ko yung major exam ko kay Shane?

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko pero naramdaman ko lang na mas mahalaga yung buhay nya ngayon kaysa sa basta numero lang na makukuha ko sa score ng exams namin.

Bahala na ang mga susunod na mangyayari. Bahala na si captain america.

Dali dali kong tinahak ang ruta papunta sa mansyon nina Shane.

Halos suntukin ko na yung drayber ng nasakyan kong taxi sa bagal nyang magdrive. Mukha talagang nananadya ang pagkakataon. Kung kelan ka nagmamadali saka lalabas ang mga aberya. Ano to parang teleserye lang? Nakuha pang makipagdaldalan nung driver sa magjuejueteng. Halos mabatukan ko na sya sa inis eh. Nak naman ng tokwa, INIINTAY AKO NI SHANE FOR CRYING OUT LOUD!

''Manong, yung totoo hobby nyo po ang makipagdaldalan?'', holy mother of Zeus, hindi man lang ako pinansin ah! Sarap talagang sipain sa mukha. Pasensyahan na lang talaga at mukhang wala na akong galang dito pero iniintay na ako ni Shane. Nakailang tawag na nga ulit sa akin si gran eh.

Masama na daw ulit ang pakiramdam ni Shane.

Nagwawala na nga daw ito.

''ANO BA MANONG HANGGANG KELAN MO BALAK MAKIPAGCHISMISAN?''

''Hoy maarteng bata kung nagmamadali ka sa ibang taxi ka sumakay hindi yung inaabala mo ako!''

''Eh manong kung makikipagdaldalan lang kayo dyan e di sana hindi na lang kayo ng trabaho! Sana umuwi na lang kayo sa inyo at nagpalaki na lang ng tyan sa bahay nyo! Oh sorry di na pala kelangan yun kasi malaki na sadya ang tyan nyo!''

''Walang modo tong batang to ah! Hala, sige, baba!'', yeah,Andie ang bait mo talaga tingnan mo ngayon ang nangyari sa'yo kinaladkad ka ngayon ni manong pababa ng taxi nya. MALAS!

''HOY,MANONG YUNG BAYAD KO!'',sarap itapon ng matandang yun ah, matapos akong pababain sabay pang itinakas yung bayad ko! MODUS NYA YUN SIGURADO AKO DYAN! Buti na lang natandaan ko yung plate number nya DXW 127 ,patay ka sa aking matanda ka! Isusuplong kita sa pulis pagkatapos kong mapuntahan si Shane.

Tssh.

Paano na ngayon yan, malayong malayo pa yung Elms wood. Wala na akong pamasahe! Kulang pa yung dala kong pera.

"Para po!'',sige Andie pairalin mo na naman yang init ng ulo mo.

Buti tinigilan ako nung dyip.

''Manong,pwede po bang makisabit sa dyip nyo?''

''Sabit?Kababae mong tao sasabit ka sa dyip?Paano kung mahulog ka e di ako pa mananagot sa'yo.Sensya na miss wala akong pangpaospital.'',sabay harurot nung dyip.

Ano bang kamalasan yung sumapi sa akin ngayon?

INIINTAY NA AKO NI SHANE! PARANG AWA NYO NA,PASAKAYIN NYO AKO!

Ang tagal ko ng nakapako sa kinatatayuan ko ah pero wala pa ding pumayag na sumabit ako sa dyip nila. Isang isa na lang, papatulan ko na tong mga drayber na to. O kaya naman basta na lang ako sasabit sa mga trak o magnanakaw ng motor o bike.

''MANONG!SASABIT AKO SA DYIP NYO BAWAL ANG HINDI.WALA AKONG PAMBAYAD KAYA PUMAYAG NA LANG KAYO.WAG KAYONG MAG ALALA HINDI AKO MAHUHULOG!HINDI AKO GANUN KATANGA PARA BIGLANG BUMITAW!''

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon