Chapter 5C : Overnight sa school part3

828 30 15
                                    

last part po ng chapter 5
last update for the week :)
salamuch po sa inyong mga feedbacks at votes,nakakainspire lungs
dedicated po sa lahat ng readers yung 10th part which is this ^_____^

-------------------------------------------------------------------

Ang dilim naman sa skul,scary!

Buti nakarating agad kami sa infirmary,hayss...ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Thank you talaga Garnet dahil sa'yo I'm saved.

"Oh,inumin mo muna yan.",utos ni mr.antagonist.

Tapos hinagilap nya yung paa ko. Kumuha ng yelo.

Maya maya pa ay hinilot hilot nya ito.

"Ang stupid mo talaga,bakit mo naman hinayaang lumala ng ganyan yang paa mo?"

Hindi ako nakasagot. Busy kasi ako sa pag iisip nangyare sa atin nung isang araw kaya nakalimutan ko yung paa ko,as if namang sasabihin ko yan.

 Teka ang ibig kong sabihin dyan ay busy ng pagdedelete ng alaalang yan.

Pinanuod ko sya habang ginagamot nya yung paa ko.

Wow,ang tahimik ni mr.anatagonist. Hindi bagay.

Mukhang mabait sya ngayon,sana ganyan na lang sya palage.

"Hoy,wag mo akong titigan baka matunaw ako.",nagulat ako sa sigaw nya.

"Asa kang tinititigan kita."

"Ay anong ginagawa mo?"

"Naghahanap ng weak spot ..para pag nagkalaban tayo matalo kita."

Anong klaseng palusot yan Andie? Ang baliw mo talaga.

Rrrooooowllll~~~~ tyan ko po yan...BASTOS,sa harap pa ng mortal enemy ko. Nakakahiya.

"Dyan ka lang,kukuha ako ng pagkain."

Si mr.badboy ikukuha ako ng pagkain? Bago to ah! HIMALA.

Siguro kung naging maganda ang una naming pagkikita...siguro hindi kami ganito ngayon.

Kung ibang plot lang ang nailatag para sa amin...siguradong ok kame ngayon.

Siguro? Ewan din pala...pero kung hindi ko nasagi yung violin ni Garnet. Tyak na tahimik ngayon ang aking buhay, tahimik na nagstastalk kay Luke!

Isa na lang ang pwede kong hilingin...sana lagi na lang mabait si Shane.

Garnet is a lucky girl, takot sa kanya tong badboy na to.

Hala...teka,paalis nga pala si Shane.

"Iiwanan mo ako dito?",nangangatal kong tanong sa kanya.

Eh kasi naman....

"Bakit natatakot ka ba?"

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon