Chapter 20B : I'll make her his girl

588 12 10
                                    

ANDIE's POV

Oh yeah well buti na lang naalala naming late na kami kaya biglang natapos yung awkwardness. Hayss.

Pramis, hindi ko talaga yun sinasadya. Hindi ko gawin ang manghalik pero kakaiba yung ngayon, yung kay Terrence parang ang bilis bilis nawala sa utak ko. Parang walang nangyari samantalang yung kay Shane dati, isang buwan ko atang inisip. Oh, ayan na naman yung pag iisip na yun. Erase. Erase. Tama na ang kaartehan Andie, hindi ka pinalaki ng papa mo na puro kalandian ang iniisip!

''Hoy, Andie!''

''Sinong may sabing gulatin---''

''Sorry Andie, may naghahanap kasi sa'yo.'', medyo nag aalinlangan na sagot ni Taylor. Kita sa mukha nya ang pagkatakot sa akin. Ang mean ko naman. 

"Sorry, Taylor. Sinong naghahanap sa akin?''

Tumuro sya sa labas ng room namin. 

Andun si Terrence at Kilbert, nag iintay sa akin. May pagwawave pa ng kamay na nalalaman si Kilby ah, masayang masaya ata sya, ano na namang problema nun? Teka bakit kaya sila nandito?

"Ang sungit mo nga pala talaga Rose!'', bati sa akin ni Kilbert. 

''Gusto mo ulit masamplelan ng isa?''

''Kawawa naman yung girl na nasigawan mo. Ang ganda pa naman nya.'', anong konek ng sagot nya sa tanong ko? Weird talaga ni Kilbert. Mukhang type pa ata nito si Taylor. What do you expect from him? Napa roll na lang ang mata ko.

''Kung naaawa ka sa kanya e di punta---"

"Ssssh!'', tinakluban ni Terrence yung bibig ko. "Wag na kayong mag away dito. Nakakahighblood.''

''Selos ka ba pre?''

''Shut up Kilbert!''

Hahaha. Ang sarap tawanan ng hitsura ni Kilbert. Para syang bilot na nasipa ng kanyang amo. Kyut.

:P binelatan ko sya!

Buti nga sa'yo ang daldal mo kasi. 

"Oh Rose, eto na nga pala yung mga notes na hinihingi mo para kay Shane.'', sabay abot sa akin ng tatlong notebook.

"Super thank you talaga!''

"Wala ba daw kiss ulit dyan?''

''Isa pa Kilbert, tatamaan ka talaga sa akin.''

''Wag na Tenze, he's not worth it.'', sabay nudge ko sa dibdib ni Kilbert. Minomock ko lang sya, don't cha worry guys.

''Rose, ano, tara na umuwi?''

Kokorekongekok, uwiian na nga pala. Hindi ko man lang napansin.

''Sige, pasabay na ako sa inyo!''

Nabigla ako pero sige na nga, sasabay na lang ako sa kanila. Eh, ni hindi naman ako pinapansin kanina ni Reggie eh. Syempre, busy sa nagbabalik nyang ex na si Atalia. Well, well, well, hindi ko na sila nakwento kanina kasi nakakafrustrate lang. Akala ko ba bestfriend ko sya, eh bakit nya ako iniwang mag isa? Porke't nakahanap na sya ng magmamahal sa kanya, ganun na lang kadali nyang kakalimutan ang pinagsamahan namin. Saklap, dre! Hindi naman ako nagkulang, nilalapitan ko naman sya kanina eh bigla syang lumalayo plus bigla pang didikit sa kanya ang Atalia na yun! Mag sama silang dalawa!

Ayaw ko ng mainis kaya hindi ko na inaalala pa ang mga bagay na di naman dapat inaalala. Kailangan ko ngayong mas pagtuunan ng pansin ang darating na exams at ang pag aalaga kay Shane. Yun lang, the end!

''Di ba, bestfriend mo yun Rose?'', tanong ni Tenze, hmmm...speaking of the sheep. Ayun na nga si Reggie akmang sasakay sa bonggang convertible ni Atalia his loviedodie. Sige, dyan ka na nga muna sumama Reg tutal wala naman akong wheels para ihatid ka sa inyo. Isa lang naman akong hamak na commuter na tanging pasayahin ka lang ang kayang gawin. DUH!

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon