Chapter 19 : The Visitor

564 15 3
                                        

sorry po sa late update...sana po magustuhan nyo ^___^

--------------------------------------------------------------------------------

Andie's POV

"Gran, alis na po ako.", pagpapaalam ko matapos kong bihisan si Shane.

Kelangan ko na talagang umuwi. Ngayon na.

Dali dali kung binuksan ang pinto ng bahay nina Shane para makaalis na ng mapansin ko ang lalaking nagbukas ng kanilang gate.

Napatulala ako. Hindi ko inaasahang pupunta sya dito.

How?Why? Anong ginagawa nya dito?

Ang dami daming tanong na naglalaro sa utak ko.

Nagkatinginan kami. Gaya ko, siguro hindi rin nya inaasahang madadatnan nya ako sa bahay na ito.

"Luke.", pabulong kong sabi.

Hindi sya umimik. Tinitigan nya lang ako.

Akala ko ba close na kami?

Bakit parang hindi nya ako pinapansin.

Paanga anga akong nakatulala sa kanyang habang papalapit sya sa kinatatayuan ko.

Yung totoo, nakikita nya kaya ako?

Bakit parang invisible na naman ako sa kanya?

Maya maya pa'y nasa gilid ko na sya. Napatingin sya sa akin. Sa wakas! hindi naman pala ako invisible.

"Kamusta si Shane?''

Natigilan ako. Ramdam ko sa boses nya ang sobrang pag aalala. Hindi maiikubli sa mga mata nya ang tunay na pagmamahal sa kapatid. Pero paano sya nakapunta rito? Akala ko ba may shooting sya? Magkaganun man, hangga ako sa kanya dahil sa kabila ng pagkamuhi sa kanya ng kanyang kakambal, nagawa pa rin nyang lingunin muli ito kahit pa dumating yung oras na makikita sya ni Shane at magalit ito dahil sa biglaang pagdalaw nya.

Hindi na natuloy ang pagsasalita ko, biglang lumabas si gran Chiyo. Siguro'y natanaw nya sa kanilang mga bintana ang sasakyan ni Luke na nakaparada sa labas or was she expecting his arrival.

"Luke!", sabik na bati ng matanda.

Sinalubong nya ng mahigpit na yakap si Luke. Wari'y miss na miss na nya ito. Puno ng pangungulila ang kanyang mga mata. " Buti nakarating ka."

"Miss na miss ko na po kayo gran.", 

Totoo ba tong nakikita ko, lumuluha si Luke?

Pinahid ni gran ang mga luhang ito at maya maya pay pumasok na sila sa loob.

Sabi ko uuwi na ako, pero... mukhang kakainin ko na naman ang sinabi ko. Mamaya na pala ako aalis. Hindi ako makikichismis no! Sasamahan ko lang si Luke sa loob kung sakaling magwala na naman si Shane.

Naghanda ng konting meryenda si gran.

Ako, nakiabang na rin sa pakain. CHOS. Sadya kaya akong kasali sa meryenda.

Tahimik kaming nakaupo ni Luke sa sala. Awkward na naman.

Kambal nga talaga si Luke at Shane. Pareho silang bipolar.

Buti na lang dumating agad si gran dala yung cookies at juice kung hindi baka napanis na ang laway ko. Pero sa totoo lang tuwang tuwa ako kasi narito ngayon si Luke. Meron akong kaligayahang nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. 

"Nagtataka ka siguro iha kung bakit naririto ngayon si Luke.'' 

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatango.

"Hanggang ngayon, inuupdate pa rin ako ni gran sa kalagayan ni Shane. Kagabi, nabalitaan ko ang nangyari kaya minabuti ko na munang tumakas sa shooting.''

Hahamakin ni Luke ang lahat makasama lang ang kanyang kakambal, tunay ngang mahal na mahal nya ito. Sana lang alam yun ni Shane. Sana lang nararamdaman nyang maraming nagmamahal sa kanya...

"Wag kang mag alala Andie. Ikwenento na rin ni gran na alam mo na rin ang totoo. Nais ko nga palang magpasalamat sayo sa pag aalaga kay Shane.''

Pakiramdam ko matutunaw ako sa bawat tingin ni Luke. "Walang anuman. Handa naman akong tumulong para sa kanya."

Mababakas sa mga labi nya ang simpleng ngiti. Ngiting tumatanaw ng utang  na loob.

"Nakakatawa, noong una, di ba't magkagalit kayo pero ngayon, hindi yun naging hadlang para alaagaan mo sya. I admire you for that. Salamat talaga."

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat. Kusang loob ang pagtulong ko."

"Kamusta na nga pala sya?"

"Kalmado pa naman si Shane sa ngayon.", sagot ni gran.

Maya maya pa'y may kinuha si Luke sa kanyang bag." Gran, eto nga po pala ang ilan nyang mga gamot."

Tapos may kinuha ulit sya.

Isang laruang helicopter at isang box ng chocolate.

"Mga paborito to ni Shane. Wag nyo na lang pong sasabihing galing sa akin."

Hindi ko mapagilang hindi mapatitig kay Luke. Ang bait bait nya. Hanggang ngayon hindi pa rin sya tumitigil sa pag asang magkakabati rin sila ni Shane. Gagawin ko rin talaga ang lahat para matulungan silang dalawa na magkabati. 

Hindi na nagtagal sa bahay si Luke kasi baka magising pa si Shane at magwala pa ito pag nakita sya. 

Sakay na ako ngayon sa kotse nya kasi nagvolunteer sya na ihatid ako.

Hindi kami nag iimikan , which was lame pero naiintindihan ko naman, siguro iniisip nya lang ang kalagayan ni Shane. 

Occasionally, napapatingin talaga ako sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, anong magagawa ko.

Lalo ata akong humahanga sa kanya. 

"Andito na tayo."

Hindi ko namalayan nasa labas na pala kami ng Roseville. 

"Salamat."

"Teka Andie."

Natigilan ako. Nakakatuwa talaga pag tinatawag nya ako sa aking pangalan.

"Anong number mo?"

Teka?

Saglit.

Number ko?

Totoo ba yung naririnig ko? 

Tinatanong nya ang numero ko?

Sana lang hindi ako nagblublush kasi nakakahiya.

"Para maupdate mo ako kay Shane."

Ay.Yun lang pala akala ko pa naman. CHOS.

Pero atleast naman oh, makkakatext ko na sya!

BAD ANDIE! Para to kay Shane! Wag kang malandi.

"0949*******"

Papaalis na ulit ako ng bigla nya ulit akong tinawag.

May hawak syang box ng cupcakes.

"Para sa'yo. Pasasalamat ko sa ginawa mo kay Shane."

Binigyan ako ni Luke ng cupcakes!

Pramis, ang hirap magpigil ng kilig.

Ang hirap hindi ngumiti.

"Sa-salamat''

Kinikilig ako kahit pa thank you gift yun. 

Atleast naalala nya ako.

"Namiss nga pala kita at ang kakulitan mo. Hanggang sa muli. Wag kang mag alala papasalu--ah.basta. Mag ingat ka palagi."

Nakatitig na naman ako sa kanya. Gulat na gulat sa mga salitang binitiwan nya hanggang sa matanaw ko na sa malayo ang sasakyan ng taong laging nagpapabilis ng tibik ng puso ko--- si Luke.

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon