Chapter 2: Detention

1K 33 13
                                    

"ANDIE! Kanina ka pa naming hinahanap!"

"Bakit absent ka kanina? Ano yung sibasabi nilang binuhusan ka daw ni Shane ng coke?"

"Ang bilis namang kumalat ng balita."

Here comes my two best friend. 

Si Kuya Prince Aian Castro, ang matalino kong kababata. Siya ang nagturo sa akin kung paano lumaban, kung paano maging matatag...sya ang tagapagtanggol ko sa mga nambubully sa akin noong kami'y elementary pa lamang. Iyakin kasi ako noon,konting belat lang ng kalaro agad ng iiyak. Kuya ang turing ko sa kanya,mas matanda kasi sya ng isang taon.Matangkad,maputi,hearthrob din since birth...super ganda nya kung naging babae sya pero lalaking lalaki naman yan. Future Civil Engineer kaya si kuya Prince!

Si Regie Rivera naman ang aking unang boyfriend,bata pa ako noon at ang turing sa pag ibig ay parang laro lamang. Nagkagalit nga kami ni kuya Prince dahil sa kanya but that's a long story. Isa pa past is past. 4th year highschool pa ako noon! Ano na ba ako ngayon? 2nd year college na! Ex ko man yang Regie na yan,hindi naman yun naging hadlang para maging bestfriend ko sya ngayon. Nagkrus at nagkrus pa rin talaga landas namin kasi pareho kami ng pangarap! 

Isa pa rin yang hearthrob! Childish nga lang, mahilig sa yakult, the best na dancer at representative ng school pagdating sa pagdradrawing.

Wala akong best friend na babae, ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil nasanay na rin ako na ang kasama ay mga lalaki, may dalawa rin kasi akong kapatid na lalaki plus daddy's girl ako. Mas komportable ako kasama sila kaya siguro heto ako ... malikot,troublemaker at palaban.

Pero kahit ano pang palaban yung sinasabi ko...nawala yun nung makabangga ko si Shane. Ewan ko...takot nga kasi ako sa kanya. PAULIT ULIT LANG NO?

Pero...lahat naman tayo may kinatatkutan di ba?

"HOY Andie! Nakikinig ka ba?" ,sigaw ni Regie.

Kaninang kanina pa pala nila ako kinakausap.

'Regie..kalma ka lang.Andie ano ba kasing nangyari? Totoo bang?"

Bigla bigla na lang nag unahan yung mga luha ko sa pag agos.

Nagbalik sa pagiging isang iyaking musmos...Baka dahil hindi na kinaya ng utak ko ang flashbacks sa mga nagyari kanina.Napuno na..no choice kundi ag umawas.

Buti na lang andito si Kuya Prince, yinakap nya ako ng mahigpit...pakiramdam ko tuloy safe na safe ako.

"Lagot sa akin yang SHANE na yan."

"Regie,huwag..."

"Prince naman..pinaiyak nya si Andie! Ni minsan hindi ko pa yan nakitang umiyak. Ngayon lang! Hindi naman ata ako makakapayag na ganun ganun na lang yun."

"Pero hindi yun sapat na dahilan para tayo'y gumanti."

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon