Sensya po sa late UD, ayun salamat sa comments and votes...wag po sana kayong mahihiyang magcomment hihihi...salamat talaga sa lahat! Baka maupdate ko na agad bukas yung next chapter
MORE POWER GUYS!
*************************************************************
ANDIE's POV
Sabado ngayon, last day ng festival. Hooray! tyak may bandang magpeperform mamayang gabi sa school plus mga artistang darating.
Excited na ako as in!
Dali dali akong lumabas ng aming bahay para pumasok, madaming cool events na mangyayari ngayon nararamdaman ko talaga mag eenjoy ako! Wieee...
Nasa labas na ako ng Rose Ville ng makita ko ang isang puting Zenvo ST1 Supercar [ nakwento ko na ba sa inyong mahilig ako sa mga sasakyan? hobby namin ni kuya Prince ang manuod ng mga car shows, magtingin ng car magazine at manuod ng car race ] . Hindi ako pwedeng magkamali isang Zenvo yung nakapark malapit sa entrance ng tinitirahan kong subdivision.
GRABE ang GWAPO ng sasakyan!
Sino kayang may ari? Tiyak napakayaman ng taong yun, akalain mo $1.8 million ang halaga nyan! Nga nga.
Pangarap kong sumakay sa ganung klaseng kotse. Hindi talaga maalis yung mga mata ko sa ganda ng sasakyang yun, siguro kung nakakatunaw lang ang mga titig ko baka kanina pa yung tunaw. At kung tao naman ang sasakyang yun malamang crush ko na sya! Ala, crush ko na pala yung driver/ may ari nung Zenvo! Kya~
Biglang lumabas yung may-ari. Kinabahan ako bigla.
"Ang tagal mo naman, kanina pa kitang iniintay."
Holy Guacamoly!
"TERRENCE?!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Binabawi ko na yung mga sinabi ko kanina. HINDI KO CRUSH YUNG MAY ARI NG
ZENVO!
"Anong ginagawa mo dito?" ,siguro gusto nyang ipagpahili sa akin yung Zenvo. Yabang mo Terrence manang mana sa kaibigan mong si Shane.
"Actually, ikaw ang ipinunta ko. Sabi ng source ko dito ka daw nakatira." ,sabi nya sabay tagtag ng shade. I swear, biglang lumakas ang ihip ng hangin. Akala mo naman kung sinong artista ang isang to eh wala namang dating. Kaya lang naman sya naging gwapo kasi maputi sya. Baka sabihin mong pulaera ako, pero hindi ko yun itatanggi lalo na't may galit ako sa taong to. Pero mukha naman syang mabait, MUKHA lang.
"Oh, eh ano naman ang pakay mo?"
"I called Shane last night and he agreed na ipahiram ka muna niya sa akin."
Ipahiram? "What do you mean ipahiram?"
"Slave kita ngayon so gagawin mo lahat ng ipag uutos ko OR ELSE."
Anong slave, slave? Anong ipapahiram? Wow ha, ano to laruan lang ba ako na pwedeng ipamigay kung kani-kanino? Ang kapal mo talaga Shane para ipagkatiwala ako sa mokong mong kaibigan! Akala ko pa naman nagbago ka na. Lagot ka sa akin, isusumbong kita kay Garnet.
BINABASA MO ANG
My Fairy Tale Writer [ ongoing ]
Genç Kurguwhat will happen if ms.troublemaker meets mr.badboy and mr.coldhearted? Fan na fan na fan/crush na crush na crush ni Andie ang teen celebrity na si Luke Avila na sa university nya nag aaral,kakambal ng teen hearthrob ang bully at badboy na si Shane...