Chapter 13C : Si Shane at Ako sa E.K :'')

619 14 2
                                    

Chapter 13 C

Ewan ko kung matutuwa ako kay Shane o hindi. Kasi naman baka yung bait baitan effect nya kanina ay parte ng pang aasar kay Jonice. Pero yaina nga! Ayaw ko ng isipin, ang mahalaga mag eenjoy kami ngayon! FIRST TIME MAGHAHALO ANG LANGIT AT LUPA! Kasi nga may himala.

"Tara sa jungle log jam!'', hinila ko si Shane.

"Para kang bata. Masyado kang excited.''

"Wag ka na lang k.j pwede?''

"Ikaw ang k.j. Wala naman kasing thrill doon. Space Shuttle na lang tayo!''

Wow, sya ang nagyayang mag space shuttle.

"GAME!Tutal ikaw naman ang nanlibre sa akin.''

''Wag na wag ka lang magsusuka sa akin, slave.''

'ASA!''

''WAIT WAIT! Papicture muna ako ng isa.''

tapos binigay ko sa kanya phone ko.

click!

upload ko to mamaya sa facebook!

Patay ako sa papa...malalaman nyang nagcut ako. isip isip na lang ng magandang alibi mamaya.

Sakay na kaming space shuttle. Katabi ko si Shane.

bumilis na naman ang tibok ng puso ko. NAKAKAILAN na yan ha!

At nagsimula ng umandar ang engine

''Ang sisigaw, kakain ng maraming hotdog.''

'Nice consequence Shane! Kaya sisigaw na ako! WAAAAAAAAAH!''

Ang saya saya ko. Sigaw dito. Sigaw doon. Parang bata.

Tawa lang ng tawa sa akin si Shane. Ang gwapo pala nyang tumawa.

o////O

Kunwari epekto ng rides ang pag irit ko. Yung totoo, nagwagwapuhan lang ako sa kanya.

''KITA NA ANG TONSIL MO!'',sigaw nya sa akin.

clicccccck!

Aba't nakuha pa ng isang to maglabas ng kamera habang sakay kami sa space shuttle.

IMPOSIBLE!

"MAGPATAK SANA PHONE MO!''

"OKAY LANG MADAMI NAMAN AKONG PHONE!''

"YABANG!''

Pagkababa namin, talon lang ako ng talon.

"Shane isa pa! Isa pa! Sakay ulit tayo.''

''Nag enjoy ka talaga no?'', sabay pinakita nya yung picture ko. Grabe ang pangit ko doon! As in kita nga ang ngalangala. Care ko naman, basta masaya ako! 

"HAHAHAHA!'

utas na sa katatawa si Shane.

Halos sampung minuto ata syang tumatawa. Pengeng oxygen!

'HOY! AKIN NA YANG SELPON MO!''

"Habulin mo muna ako!''

"Ay yun lang pala eh.''

Hinabol ko sya kaso ang bilis tumakbo ni Shane. Hinahapo na agad ako.

"Ano,hindi mo kaya no?''

''Yabang mo talaga!''

''Opps.Baka nakakalimutan mo kakain ka pa ng limang hotdog!''

''Ako na ang laging talo sa bet!Pero okay lang HOTDOG naman eh.''

My Fairy Tale Writer  [ ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon