Andie's POV
"ROSE!Bakit basang basa ka?Anong nangyari sa'yo?''
''Terrence?Anong ginagawa mo dito?''
''Mamaya na ang daldal.Magpalit ka muna ng damit.''
Sa totoo lang wala akong marinig sa sinasabi ni Terrence.
Ang nasa isip ko lang ay yung nadatnan ko kanina sa room 205.
Bakit ba kasi affected ako?
Dahil ba nag assume ako na lumambot na sa akin yung puso ni Shane?
Dahil ba akala ko ako na kailangan nya?
Bakit ko naman aakalain yun?
''Halos makapanuntok na ako kanina ng driver, halos mag eskandalo na ako sa kalsada, bumitin na ako sa dyip, naulanan na parang isang baliw.Halos kalimutan ko ng tao ako makarating lang dito, tapos yun pala hindi naman pala nya ako kailangan! Naiinis ako kasi nasayang yung effort ko sa wala! Hindi na nga ako kumuha ng prelims exam ko para sa kanya! Pesteng nararamdaman to oh! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko!'', yung akala ko sa isip ko lang sinasabi, lumabas na pala sa bibig ko.
Nandito na naman yung maarte ko side.
Yung vulnerable side ko na si Rose. Yung eengot engot at kung anu-anong kadramahan sa buhay ang sinasabi.
''Okay lang yan Rose,iiyak mo lang ang lahat.Nandito ang balikat ko para sa'yo.''
''Umiiyak?Terrence, si Andie Rose umiiyak dahil nakita nyang akap akap ni Garnet si Shane.Nagpapatawa ka ba?''
''Rose, wag ka namang ganyan oh.Tama na.Tahan na.''
Ewan ko ba, baliw na ata ako.''Gagawin ko naman lahat para sa kanya pero bakit ganun, bakit parang feeling ko nabalewala lang yung efforts ko kasi dumating na ulit si Garnet?''
''Nagseselos ka ba kay Garnet?''
''Ako?Nagseselos kay Garnet?HINDI NO.HINDI!HINDI!'',nagulat ako ng bigla akong inakap ni Terrence, isang mahigpit na mahigpit na akap. It felt odd, parang may ibang hinahanap ang sistema ko, naiinis ako kasi naaalala ko yung gabing kasama kung nanuod ng stars sa tent si Shane. Yung gabing natulog sya sa balikat ko.
''Rose,wag mong lokohin ang sarili mo.Andito lang ako para sa'yo.''
''Hindi ko niloloko ang sarili ko!Wala akong niloloko!'', bigla kong natulak papalayo sa akin si Terrence. Agad ko naman yung pinagsisihan, sya na nga yung tumutulong sa akin, tapos ako pa yung may ganang magtaboy sa kanya.Ako na ang masamang tao!
''Aminin mo na lang kasi na nagseselos ka.''
''Hindi ako nagseselos!Hindi!Mas lalong hindi ako umiiyak.Ang saya saya ko nga kasi gagaling na si Shane, di ba?'', that's when my feeling betrayed me. Nag uunahang lumabas sa aking mga mata ang mga luhang hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Naramdaman ko na lang na isa isa na itong pinupunasan ng maiinit na kamay ni Terrence.
''Hayaan mong punasan ko yang mga luha mo. Kung ayaw mong aminin,sige hindi kita pipilitin.Basta Rose, andito lang ako sa tabi mo.Hindi kita iiwan anuman ang mangyari.Gaya nga ng sabi ni Kilbert.Ako ang superhero mo.''

BINABASA MO ANG
My Fairy Tale Writer [ ongoing ]
Dla nastolatkówwhat will happen if ms.troublemaker meets mr.badboy and mr.coldhearted? Fan na fan na fan/crush na crush na crush ni Andie ang teen celebrity na si Luke Avila na sa university nya nag aaral,kakambal ng teen hearthrob ang bully at badboy na si Shane...