M&MSB Chapter 19

5.9K 58 4
                                        

Dedicated to @likeaboss1246, you know why.

My mind has been off from writing because of personal reasons. Sorry guys, please forgive me.. (o;TωT)o

----

Chapter Nineteen

JUSTIN's POV

I'm driving home, yes, I am driving. Catherine insisted that I borrow her car since sinira naman daw niya ang polo ko at wala siyang mapapaheram sa aking damit. Naalala ko nanaman tuloy yung foreplay na nangyari kaninang umaga, nakakabitin.

Pero ano kayang ibig niyang sabihin nung nilagyan niya ako ng hickeys? Hindi ba sila nung mukhang unggoy na umaalialigid sakaniya nitong nakaraang linggo? Yung gagong yun, boyfriend siya hindi siya ang mag-alaga kay Catherine. Hindi ako nagrereklamo ha? Pero teka nga, hindi ko naman kasi alam kung ano nga ba talaga ang meron sila. Kaso parang ganun talaga eh. Ewan ko ba!

Nakarating na ako sa bahay na naiinis sa naiisip ko.

"O 'nak, nandito ka na pala." Sabi ni mama, "Inumaga ka na ng uwi ah?"

Humalik ako sa pisngi ni mama, "Pasensya na, ma. May inasikaso lang po ako." Tinignan niya ako ng mabuti, nagtataka naman ako. "Ma, bakit?" tanong ko.

"Anong nangyari sa damit mo?" Tanong niya. "Mukha kang ginahasa." At tumawa naman siya.

Naalala ko nanaman yung nangyare at napangiti na lang din ako, "Uhm.. Mahabang istorya, ma."

"Aalis ka rin ba agad, 'nak?"

"Opo, bakit?" tanong ko. Kailangan ko rin kasing balikan si Catherine, sabi niya kasi dapat nandun na ako ulit pagkagising niya. -____-

"Uh—eh..." Nag-aalangan siyang magsabi.

"Ma, ano yun? Pwede niyo namang sabihin sakin eh." Pagpilit ko sakanya.

"Kaylangan ko kasi ng pera, 'nak." Nahihiya niyang sinabi.

May pumasok agad sa isip ko. "Kung yung lalaking yun ang nanghihingi, siya ang humingi sa akin." Naiirita kong sagot sakanya.

"'Nak naman, tatay mo yun. Tsaka hindi naman para sakanya ang pera, 'nak. Pambili ko sana ng pandagdag na gamit sa salon ko."

"Ma, bibigyan ko kayo ng pera pangbili niyo ng gamit sa salon ha at para sa sarili niyo. Hindi para sa lalaking yun." Sabi ko.

Matapos kong ibigay yung pera at cheke (dahil onti lang ang pocket money ko) kay mama ay nag-ayos na ako ng gamit. Mag-stay ako sa condo ni Catherine hanggang sa gumaling siya. Ako lang naman yata ang mag-aalaga sakanya.

Nagpalit lang ako ng damit at dun na ako maliligo sa condo ni Catherine. Baka magising na yun eh, magalit pa sa akin. Nagmadali akong magayos ng gamit at umalis na. Nang mapark ko na yung kotse tumakbo na ako papunta sa may mga elevator.

Lumingon lingon ako habang inaantay na dumating sa ground floor yung elevator. May nakita akong pamilyar na tao pero hindi ko na lang pinansin. Nung nasa 29th floor na ako napansin kong may mga bulaklak sa tapat ng pinto ni Catherine tinignan ko naman agad kung may card at hindi nga ako nagkakamali sa nakita ko.. YUNG UNGGOY NA YON!

"Get well soon, I miss you.

- Jay."

Nilukot ko naman agad yung card at nilagay sa bulsa ko at sakto namang may naglilinis dun sa dulo. Inabot ko sakanya yung bulaklak.

"Keep it if you want, have a nice day." Sabi ko sakanya at pumasok na condo ni Catherine.

'I miss you' your face asshole. Sabi ko na lang sa isip ko at nilapag yung mga gamit ko. Dumiretso naman na ko agad sa kwarto ni Catherine, pagkabukas na pagkabukas ko naman ng pinto nakatingin siya sa akin.

ME and MY SEXY BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon