UPDATE :)
----
Chapter Thirteen
CATHERINE's POV
"Ang gulo niyo." Yun na lang nasabe ni Austin nang ikwento ko sakanya yung nangyare sa rooftop.
But nothing much really happened. Gusto ko lang patunayan na wala talagang namamagitan saming dalawa. Kase wala naman talaga!!
"Teka nga, ba't ba andito si Justin? Pano napadpad yun dito sa condo mo?" Buong pagtataka kong tanong sa kanya, hindi naman sila magkakilala eh.
"Ah, pinapunta ko. I asked Vanessa for help." Sagot naman ni Austin.
"Oh." Sagot ko, okay. Tinuloy ko lang yung paglagay ng gamot sa mga pasa niya. Cause I don't care, but curiousity won over, "Baket?" I asked.
"I'm going back to LA tomorrow, and I asked him to look over you." Sabe niya, diniinan ko nga yung paglagay ko ng gamot sa mukha nya. "Aray! What was that for!?" Gulat niyang tanong saken.
"Baket mo ginawa yun? You know that I can take a care of myself, hindi na ko bata." Inis kong sabe sakanya.
"You just got drunk in a bar, just by yourself. And your a bit unstab-- ah, nevermind." Ang gulo talaga netong lalakeng 'to. But I'm very lucky to have him in my life.
"Eh baket kayo nagsapakan? Tsaka ba't ang bilis mo namang aalis?" Tanong ko, wala pa nga siyang isang buwan dito sa pinas eh.
"Ah? Wala, trip ko lang siyang sapakin." Natawa naman siya sa sinabe niya, "Well, you know... Business. Alam mo namang hindi ko pwedeng hayaan na makuha ni Andrei lahat."
"Para namang hindi kayo magkapatid. Hindi ba pwedeng maghati kayo?" Tanong ko sakanya.
"I dunno." Yun lang ang sagot niya, he obviously don't want to talk about his brother.
"Pero... Business ba talaga? Baka naman mga flings mo?" Pang-aasar ko naman sakanya. Natawa na lang siya. "I'm going to miss you." Sabe ko sakanya, mamimiss ko naman talaga siya eh. Wala naman akong gaanong kaibigan dito eh, just a few. At siya lang naman ang pinagkakatiwalaan ko ng lubos.
"You're such a drama Cathy, but hey, I'm gonna miss you too. So you better take care of yourself, okay?" And he hugged me. I hugged him back. Then he kissed me in my forehead. I'm so gonna miss this guy.
But I'm still curious about what's wrong with him and Justin? Did they talked about something? Anong rason kung baket pinapunta ni Austin si Justin dito? At baket sila nagsapakan? Anong pinag-awayan nilang dalawa? HMM.
Nah, I don't care. I DON'T.
JUSTIN's POV
Hay, sa wakas. Back to normal, inuutusan niya na ko uli. Natutuwa nga ko minsan eh, ewan ko kung baket. Baliw lang nanaman siguro ako.
Pero sobrang busy ngayon ng kompanya, lalo na kami ni boss. Kasi naman, inaasikaso na din kasi ni boss yung bagong ipapatayo niyang hotel. Kaya nga baka bumalik kameng dalawa sa Cebu eh. Oh, memories... HAHAHA!
Buti nga nakakapagpahinga pa ko kahit sa dami ng kaylangan kong gawin, tulad ngayon. I'm just here in my office. Kaen lang ng dinner. Gabe na eh, kaylangan nanamang mag-OT. (Overtime), tambak pa ata trabaho ko eh. Late nanaman ata ako makakauwi.
Sa katunayan, halos mag-iisang linggo na kaming ganito. Laging busy at laging hectic ang sched. May time pa nga na inuumaga na ko ng uwi dahil sa dito na ko nakakatulog.
Naalala ko tuloy yung sinabe saken ni Austin bago siya umalis..
FLASHBACK
"Puta! Stalker ba kita? Ba't ba ang dami mong alam saken? May pagnanasa ka na ba saken?" Makapal kong tanong sakanya.
Pano ba naman kase, tinawagan ako. Pano naman niya nalaman number ko? Pambihira. Napakastalker, habol ng habol saken.
"In your fucking dreams dude." Iritado niyang sagot.
"Ano bang kaylangan mo?" Tanong ko sakanya, "Ang aga-aga, sinisira mo araw ko." Eh sa bagong gising lang kaya ako? Nahiya naman ako dito eh, siya pa sumira sa mahimbing kong tulog.
"Well, today's my flight back to LA."
"Oh, ngayon? Di ako interesado. Bumagsak sana sa dagat yung eroplanong sasakyan mo at kainin ka ng mga pating. Sige." I-end ko na sana yung tawag kaso...
"I'm entrusting Cathy to you." Malumanay niyang sagot. "Take a very good care of her," gusto kong magsalita pero parang naurong ata yung dila ko sa mga pinagsasabe netong lalaking 'to.
"She might not show it, but she has feelings too. Nasasaktan din siya, so I'm expecting that you'll always be on her side.. Okay?" Natahimik naman kame sandale, pero nagsalita rin siya ulit. "Goodluck, Justin." And he ended the call.
With that, I found myself thinking... Maybe I should, maybe I should give it a try. And made a promise that I'll always be here for her, ALWAYS.
END OF FLASHBACK
*BUUUUURP!*
Oh, gulat kayo? Haha. Syempre nabusog ako sa kinakaen ko. Or baka nagulat kayo sa nalaman niyo? Medyo magulo pa, di ko pa alam kung ano na ba talaga ang nangyayare saken. Natitimang na yata ako eh? Pambihira.
Tapos na ko kumaen, itutuloy ko na yung trabaho ko. At nagbabakasakaling akong makakauwi ako ngayong gabe sa bahay. Nakakamiss kayang matulog sa kama, pero okay rin dito.. May aircon ^________^ HAHA!
Hindi naman kase kame mayaman eh, sorry ha? Kapag ako yumaman... Nako, WHO YOU? Kayo saken, makikita niyo. Belat! :P
Gabundok na ata 'tong mga files na nasa desk ko eh, kelan ko kaya matatapos 'to? Ay teka nga, matanggal na nga yung mga tapos ko ng gawin para bawas istorbo.
Kinuha ko na yung files at binigay at nilagay kung san dapat mapunta yun. Last one, kay Catherine-ay este Boss. Hehe, nasasanay na kong tawagin siyang Catherine ah? Sensya naman.
Ayun nga, naglakad na ko pabalik papunta sa office ni Boss. Pagkabukas ko naman, ayun... Nakapokus sa laptop at files. Hindi nga naka-on yung ilaw dito sa office niya eh, kaya yung laptop lang yung nagbibigay liwanag dito.
In-on ko naman yung ilaw, nun niya lang ako napansin. Pero di niya ko kinausap, tumingin lang siya saglit saken tapos balik agad ng tingin sa laptop. Nilapag ko naman yung folder sa desk niya, aalis na sana ako kaso napansin ko yung pagkaen niya... Di niya pa kinakaen.
Kinuha ko yung paperbag at nilabas yung pagkaen sa loob. Tinignan niya ko, hinarang ko kasi sa screen ng laptop niya yung pagkaen.
"Kumaen ka muna." Sabi ko sakanya at nilapit ko pa yung pagkaen sa kanya.
"Later." Maikli niyang sagot at balik ng tingin sa screen.
"Kanina ka pa dyan, di ka pa nga yata kumaen ng lunch eh. Kaen na." At inabot ko uli sakanya yung pagkaen pero di niya kinuha. Tinignan niya lang ulit ako at binalik din naman yung tingin sa laptop. "Dali na." Pagpilit ko pa sakanya.
Nagtitigan pa nga kame eh, pero bumigay din siya.
"Good girl." Sabe ko, ay? Ba't ko nasabe yun?
"What did you say?" Tanong niya habang tinitignan ako with a PROBLEMA-NETO?-LOOK.
"Ah-eh... Wala, kaen ka na." Muntik na ko dun ah, nababaliw na yata talaga ako eh. Ba't ko ba kase nasabe yun? Napapaisip tuloy ako, tinignan ko siya.. Ang ganda pala niya noh? Yung facial features niya.. Iba. Ibang iba sa lahat.
"Asdfghjkl?" May sinabe siya, tinanong pa nga yata. Ewan, basta di ko naintindihan.
"You're so beautiful." Sambit ko.
Natauhan naman ako bigla. "Ay, a-alis na ko." At lumabas na ko ng opisina niya at bumalik sa opisina ko.
"Bobo." At napalo ko na lang yung noo ko.
---
Sa phone po ko nag-update kaya walang naka-italic or bold. :) and may new story po pako, "A Horny Virgin" title :)
BINABASA MO ANG
ME and MY SEXY BOSS
General FictionA Filipino story. WARNING: Contains SPG content. -- This is a story between a secretary and HIS boss.